“Wala Akong ‘Pake’ kay Dan Brown, kay
Charice Meron Pa”
-jepbuendia-
Sabi ni Dan Brown, kung hindi man nagustuhan ng iba
ang ‘taste’ niya sa pagsusulat- “I cannot
do anything about it.” Oo nga naman, may punto siya dun. Dahil kung
didiktahan natin siya sa kung ano man ang dapat niyang isulat, eh di sana hindi
na lang siya naging manunulat. Gayunpaman, tulad ng kanyang sinabi, wala rin
talaga siyang magagawa kung marami ang nag-react sa kanyang isinulat tungkol sa
Manila na binansagang “gates of hell”
sa kontrobersyal niyang akda na “Inferno”.
Eh ano ngayon kung sabihan man niyang “gates of hell”
ang Manila? Ang librong isinulat niya ay nasa kategorya ng mga akdang
“fiction”. Ibig sabihin, likhang-isip lamang at hindi makatotohanan. At kung
may nais man siyang iparating na kahit na anong mensahe ukol sa ating bansa…
wala akong pakialam. (parang may galit
lang? lols).
Una sa lahat, kung inilarawan man niya sa Inferno ang
Manila bilang isang lugar na marumi o mabaho, ma-traffic na umaabot ng 6 hours,
larawan ng matinding kahirapan at kung saan nagaganap ang pagbebenta ng
‘laman’, sa tingin ko, wala tayong dapat ipaghimagsik sa mga paglalarawang
iyon. Alam natin, at hindi talaga natin maitatanggi, na maaaring nangyayari
talaga ito sa kasalukuyang panahon. Ang gusto ko lang puntuhin, wag naman
nating angkinin ng sobra at ‘damang-dama’ ang mga ‘paglalarawan’ na kanyang
ginawa. Dahil ang katotohanan, hindi lang naman ito sa Manila nangyayari. Kahit
pa nga sa ilang mauunlad na bansa ay may mga ganito ring ‘eksena’. Kaya kahit
ano pa ang ibigay na paglalarawan sa Manila ng kahit sino pa mang manunulat,
inuulit ko, wala akong pakialam lalo na kung hindi pa naman talaga siya
nakapunta rito sa ating lugar.
Pangalawa, bakit ba parang napaka-‘big deal’ ng mga
statement ni Dan Brown? (kahit di naman
talaga). Na para bang sobrang masisira ang imahe natin dahil sa naisulat
niya. Ang ibig kong sabihin, kung talagang kilala na ang ating lugar bilang
isang maganda at ligtas para sa lahat, may dapat pa ba tayong ipangamba? Kung
confident tayo sa mga lugar sa ating bansa, kahit ano pa mang pambabatikos o
panlilibak ang ibato sa atin, di dapat tayo maaapektuhan nang lubos, o baka
kasi gumagawa tayo ng isang di makatotohanang imahe para lamang takpan ang
hindi dapat makita ng iba sa atin…
Mas malulungkot pa ako at maapektuhan nang lubos kung
mismong ang mga kababayan nating naninirahan sa Manila ang magsasabi na ang
lugar kung nasaan man sila ngayon ay para bang isang ‘impyerno’. Dahil
nangngahulugan lamang iyon, na sa itinagal ng panahon na pamumuno ng ilan sa
gobyerno ay wala man lang silang nagawang tulong para sa pagbabago. Yun talaga
ay higit pa sa isang sampal. Di tulad ni Dan Brown (na epal? Joke lang lols).
At nung mag-tweet naman itong si Paulo Coelho ng- “…your souls lead to the gates of heaven,”
parang lahat na lang ay kumampi sa kanya hehe. Nadadaan na ba tayo sa mga
pambobola?
Sa dulo ng mga pahayag na ito, mataas pa rin ang
pagtingin ko kay Dan Brown bilang isang manunulat at syempre pati na rin ay
Paulo Coelho… sino ba naman ako diba? Kaya ‘no
hard feelings, I have nothing against them,’ parang ‘showbiz’ din pala ang
mundo ng mga manunulat, at mahirap din talagang magpaka-‘showbiz’!
x-o-x-o-x
Kung tungkol naman kay Charice, heto may ‘pake’ ako
rito. Di naman sa kumakampi ako kay Charice, pero sana hayaan na ng mga
mapanlibak na tao ang kung ano man ang pinili ni Charice para sa kanyang
sarili. Malay ba natin kung anong ‘laya’ o ‘saya’ ang kanyang nararamdaman sa
pinili niyang ‘kasarian’. Hindi natin lubos na nalalaman at nauunawaan ang
lahat ng kanyang pinagdaanan. Ang mga nakikita natin sa kanya sa telebisyon ay
hindi sapat na obserbasyon para sa isang di makatarungang konklusyon. Pero,
kung ‘close’ kayo ni Charice, eh di ikaw na! (ititigil ko na ‘tong sinusulat ko lols).
Pero hindi. On a serious note, nasaan na ba yung mga
taong kung makapag-comment noon sa youtube ng #ProudtobePinoy! nung kasagsagan
ng kasikatan ng mga video ni Charice na akala mo kulang na lang gawin na nilang
‘pamato’ si Charice laban sa lahat ng mga singers sa mundo para lang
ipagsigawan at ipagmalaki na may ‘Charice Pempengco’ tayo? Yung iba,
nagpaka-‘nega’ at umasa na kung pa’no nila nakita ang kanilang ‘idol’ noon ay
ganun pa rin ito sa ngayon… hindi na ba pwede ang salitang ‘pagbabago’?
At sa malalim pang pagtalakay, sumasalamin lamang ito
na ang ating lipunan ay hindi pa rin sanay tumingin at tumanggap sa kung ano
mang lihis sa inaakala nating ‘normal’. Ibig kong sabihin, ang isyu ni Charice
ay nakadikit din sa kung paanong hindi pa rin tanggap ng lipunan ang mga
nabibilang sa ‘third sex’ o yung mga
LGBT (lesbian, gay, bisexual at
transgender). Dahil kung tanggap na nga ito ng marami sa atin, eh di sana
hindi na nahirapan si Charice na ipakita ang totoo niyang sarili.
Sa opinion ko lang naman, ang ‘diskriminasyon’ na ito
ay hindi sana mangyayari kung hindi natin inilagay sa kategoryang ‘third sex’
ang mga LGBT. Alam na nga nating ‘makitid’ umintindi ang lipunan, binigyan pa
natin ito ng isang konsepto na para bang inihiwalay natin ang mga LGBT sa
lalaki at babae. Dahil anu’t ano pa man, talaga namang lalaki at babae lang
talaga ang nilikha ng Maykapal. At hindi rin naman nangangahulugan na kung
‘malambot’ ang isang lalaki ay di na siya talagang ‘lalaki’, gayundin naman sa
mga babae na ‘matikas’ kung kumilos. Hindi ba natin ito pwedeng tignan bilang
parte ng ating ‘pagkakaiba’? Marahil masyado lang tayong napako sa ‘stereotype’
na ideya na ang lalaki o babae ay dapat na ‘ganito’ at ‘ganyan’ kumilos…
At alam ko naman, na kahit gaano pa kahaba ang isulat
ko tungkol dito, ang usaping ito ay di pa rin matatapos. Kaya eto na, tapos na
ang pagpapahayag kong ito. Kung meron man akong mga pananaw na hindi naging
‘swak’ sa iba, eh ganun talaga haha!
Ok lang yan hehehe! Ika nga "to each his own" hehehe
TumugonBurahinKanya kanyang pananaw lang yan. At sana sa pananaw ng iba di naman sana sila gumamit ng mga below the belt na pahayag sa kapwa.
All we need in this world is to understand and be understood. Shying out quickness in judgment and erasing hasty conclusion.
Nice post!
tama ka sir jay! "all we need in this world is to understand and be understood" :)
Burahinhaha ewan ko ba mejo ang pinoy talaga ee may pag ka balat sibuyas,
TumugonBurahinayun lalo tuloy naging matunog ang libro nya edi lalo bebenta haha!
hmm ung kay charice saludo ako sa kanya kasi she choose to be true over her career!
which is i think a right decision naman
hanggang ngayon 'super' usap-usapan pa rin si Charice...
Burahinlalo lang tuloy siyang sisikat lols... strategy? :)