2018 06 14 (Thu, 8:35 PM) Kanina lang napakalakas ng bugso ng ulan; pagkaupo ko rito, bigla na lang nawala. Pero at least, hindi nagpaasa ang ulan, may pa-suspend pa rin siya (kahit pa naantala ng konti ang suspension sa aming city dahil you know… for whatever reason that I don’t know, lol). Sobrang LT sa twitter mula pa kagabi. Ang daming G na G sa announcement ng suspension ng klase. Well, let’s do a recap (sports ba?). Noong lunes, pasok sa top 10 ang City of Valenzuela kung ang pag-uusapan ay ang maagap na suspension ng klase, so very happy ang mga students dahil real na real ang long weekend. Pero sa Makati may pasok pa rin; sila ata ang nanalo na waterproof nation noong Lunes. Pero, di nagpakabog an...