9:54 PM 1/9/2026 Oo na, wala akong entry nung Day 8, hahaha. Ewan ko ba, nahiga lang ako saglit kagabi, natuloy na hanggang kinabukasan yung idlip ko. 3:52 PM 9/6/2026 Noong new year (2026), ang sabi ko ay ibabalik ko yung daily journal ko. Nagawa ko naman for the first seven days, tapos pumalya na nung Day 8. At heto, Day 249 na ako nakabalik. Yung nasa taas ay last draft sa journal ko – naitulog pa nga. Hindi ko rin malaman kung saan ako napadpad ng buhay, kung bakit inabot ng 200+ days na nawala ang journal sa routine ko. May ilang sulat naman ako sa notebook. So, anong gagawin ko ngayon? May nakita lang ako sa fb na “send me a number and I’ll give you an answer” – yung may set of questions sa picture, tapos kung may gusto, ila...