Homeroom (2017 07 21) Pagdating ko sa klasrum, nagtaka agad ako kung bakit hindi naka-uniform si Paula. Btw, hindi biro ang makarating sa room namin; kapag nakapag-time in na ako sa gate (biometrics, sosyal haha, pero I wonder kung gaano na karaming bacteria ang meron dun sa dutdutan ng daliri; pwera na lang kung may ionizing antibacterial ek-ek feature yung biometrics na iyon; pero sa tingin ko wala) lalakad pa ako ng ilang minuto para makarating sa building E 2 nd floor kung nasaan pansamantala ang faculty; tapus kukuha pa ako ng gamit sa may building D sa pinakadulo 2 nd floor pa rin at lalakad papuntang building A paakyat sa 4 th floor kung nasaan ang room ng advisory class ko. Kaya sa umaga pa lang, jogging / walkathon na. ...