Jasper 01: "Sana naman amazing!"


                Wala ako masyadong ideya sa kung sinu-sino ang mga estudyante na kabilang sa advisory class ko ngayon taon (10 – Jasper); maliban na lang sa iilan na kilala ko na dahil naging estudyante ko sila noong grade 7. Kaya malinaw na dalawang beses kong silang matuturuan sa junior high.

                Naalala ko tuloy yung mga estudyante ko noon sa private school; ako na nga yung science teacher nila ng 3rd year, ako pa rin ng 4th year. May awkward feeling tulad ng paano ako ulit makapag-i-establish ng bagong routine eh nakasama ko na sila? May advantage rin kahit paano dahil alam ko na ang likaw ng kanilang bituka – mga kakulitan, kalokohan at attitude sa pag-aaral; gayunpaman, lagi namang may bagong discoveries.

                Ang nakaka-excite lang sa para sa ilang estudyante na kilala ko na sa advisory class ko ngayong school year ay yung makita kung gaano na ba sila nag-mature mula noong una kong silang naturuan noong grade 7. Physically, kitang-kita ang pagma-mature nila; yung mga dating hindi naman lumalampas sa balikat ko yung height, ngayon yung iba sa kanila halos mas matangkad pa sa akin; yung mga dating maliliit lang tignan sa klase, ngayon malalaking bulas na. Sana lang, nag-mature na rin ang kanilang attitude sa pag-aaral.

                Ito ang unang araw na nakita ko ang karamihan sa kanila. Una kong nakilala sila Edilbert, Bhenedick, John Mark, Erica at L J, sila kasi ang nakatulong ko sa pagbibigay ng mga libro. Ito na rin marahil ang unang tala ko tungkol sa kanila bilang adviser ng “Jasper”.

                Kaya good luck sa amin this school year! Sana naman amazing!


2017 06 01



Mga Komento

  1. Awh :) The life of being a teacher seems to be really amazing. Especially since you get to see them grow up to become professionals

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Totoo! Minsan nakaka-amaze lalo na kapag yung dati kong pasaway o hindi naman masipag mag-aral dati ay nakatapos na sa kolehiyo at may maayos na trabaho, yung feeling na "buti na lang okay na siya" :)

      Burahin
    2. Right now my first babies(interns/mentees) are going to take the board exams this August and I am really excited and at the same time scared for them. :) Being a teacher is really fulfilling.

      Burahin
  2. Teacher! This is a great post kasi i always think when i was younger how do teachers think toward their students?... or how my teachers thought of me. This is indeed a grasp. Parang totoo ba talaga na love niyo kaming students? haha.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ang sabi, ang isang guro raw ay tulad isang kandila "it consumes itself to light the way for others"; ganyan kamahal ng mga teachers ang kanilang mga students (pero syempre minsan tao rin kami at hindi kandila haha).

      Burahin

Mag-post ng isang Komento