Hindi
ako mahilig manuod ng mga Korean teleserye (o K-drama series ba ang tawag
dun?), kaya nga nagtataka ako kung bakit napakarami ang nahu-hook sa panunuod
ng mga ganun. Manuod ng Korean movie pwede pa, dahil mahusay naman talaga sila gumawa ng pelikula, pero yung mga drama-teleserye-thingy… hindi talaga.
Pero
kanina, habang kumakain ako ng lucky me instant lomi with egg di ko sadyang
napanuod ang The Legend of the Blue Sea sa channel 2 (nakabukas ang tv eh).
Natawa ako sa ilang eksena, tulad ng may kakayahan pala yung lalaki dun na
masagap sa isip nya ang kung ano mang naiisip ng babae, kahit kasi di literal
na nagsasalita yung girl eh ang dami-dami naman nyang naiisip, tapus yung ibang
eksena ganun din laughtrip!
Uso rin sa mga estudyante
ngayon yung salitang “oppa”; oppa ng oppa; minsan kairita sarap “oppa”-kan ng
mga bibig hahaha. Hindi pa naman siguro ganuon kasama ang sobrang pagkapanatiko
ng mga kaibigan, kakilala, at pati na mga estudyante ko sa mga Korean… sa tingin
ko hindi pa naman. Kahit na feeling ko parang virus ito na lumalaganap (parang
yung The Flu lang). Yung nakikita ko na ang profile pic nila sa fb ay isang
Korean guy, pati na sa wallpaper ng cellphone ay Korean pa rin, wala pa naman
sigurong masama doon hahaha. Pero sana talaga wag naman tayo sobrang malunod
sa kanila, kasi baka malusaw naman yung sa atin.
Nito ring nakaraan,
habang nag-aalmusal, at syempre bukas ang tv, napanuod ko sa CNN Philippines
(channel 9) ang tungkol sa iba’t ibang grupo na gumagamit ng ating mga
indigenous na bamboo musical instruments. Sa isang bahagi ng palabas ay
ininterbyu ang isang lalaki tungkol sa kanilang adhikain na mapalaganap, maipakilala
at maipagamit lalo na ng mga estudyante ang ating sariling mga instrumento.
Naalala ko nung
nakapagturo ako ng MAPEH (isang quarter lang), isa sa mga topics ay
tungkol sa musical instruments ng Cordillera. Napakahirap ituro iyon dahil
unang-una wala namang mga bamboo musical instruments na available kaya hanggang
video na lang nauuwi ang pagtuturo ko noon ng Music. Tama ang sinabi ng lalaki,
mahalaga na matutunan din ng mga estudyante kung paano ito gamitin, na meron
talagang mga ganitong instruments na nag-eexist (hindi lang sa picture at video
o makikita lamang sa mga bulubundukin). Ngunit dahil nga sa kakulangan ng
kagamitan hindi nama-maximize ang pagkakataon na mapalalim pa ang pagkilala sa
sarili nating kultura.
Na-imagine ko lang, what
if bawat isa sa atin ay mayroong indigenous bamboo instrument, napaka-unique
siguro at ang saya ng jamming! Sa ngayon, bamboo flute lang ang meron ako,
nabili ko lang ng 50 pesos sa Sagada hahaha. At oo, di pa rin ako makatugtog ng
kahit na ano gamit iyon, sintunado pa rin ang lumalabas na tunog, parang boses
ko.
Nung miyerkules naman ng
gabi, sa hindi ko mawari kung bakit, nanuod ako ng ilang mga fliptop battles sa
youtube (pamilyar lang ako sa fliptop kasi ginagawa yan ng mga bata dito sa
labas namin pero hindi ko alam na isa rin pala itong malaking subculture(?);
ang mga napanuod ko ay ang laban nila badang vs zaito; loonie vs shehyee; at
sinio vs shehyee. Ang masasabi ko lang (bilang first time ko silang napanuod) –
magaling maghabi ng mga salita si Badang (kaso sayang nagka-kaso siya);
laughtrip na ka-battle si Zaito; iba ang
mga suntok ng linya ni Loonie; si Shehyee naman sa tingin ko ay mas ok siya sa
mainstream; at si Sinio magaling naman siya pero nung napanuod ko ang laban
nila ni Shehyee saka ko lang naintindihan yung sinio-issue noon sa fb, eh hindi
ko pa naman kilala noon kung sino si Sinio.
Ang pinaka-natutunan ko
sa araw na ito ay kung paano maging creamy ang lucky me instant lomi at maging
evenly distributed ang egg sa sabaw nito. Dapat pala nakapatay na ang apoy,
tapus ilalagay mo na ang itlog sa sabaw, at hahaluin ng dahan dahan, hanggang
makita na mala-hibla hibla na ito. Ganun pala yung teknik, now lang ako ng
nagbasa ng instruction sa likod ng pakete. (So hindi pala dapat hinahalo agad
ang itlog at sabay na pinakukuluan kasama ng noodles lol.)
2017 06 15
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento