na-break na ang sumpa :)


Nag-text si Sarah na magkikita-kita ang grupo para sa birthday ni Tina. Nag-reply agad ako sa kanya dahil matagal ko na rin silang di nakikita; pero nagduda ako kung matutuloy ang pagkikitang ito, kasi ang alam ko (pati na rin nila) na may “usapan” kami na dapat daleyed ng 1 month ang pag-celebrate ng birthday dahil ganun yung nangyari kay Olan (na unang nag-birthday sa amin dahil month of January siya), isa pa ay mukhang hindi pwede si Ayz dahil yun din ang expected nyang mangyari.

                Pero, nagwagi si Sarah na ma-break ang sumpa! Kaya nagkitakits ang grupo ng 5pm sa Teapop. At syempre, di naman kami sakto pumunta dahil kung di si Olan ay ako ang matagal na kumilos bago umalis. Kagigising ko lang nun, nag-muni-muni pa bago maligo, nag-ayos at hinanap pa ang keychains na ipamimigay namin ni Olan sa grupo.

                Sa madaling sabi, nauna na si Clang at Sarah, at saka naman ang pagdating namin ni Olan, hanggang sa maya-maya ay dumating na rin sila Ayz at Nhie kasama ang cute na si baby Naru! Maraming ring mga kakilala ang nakita ko sa Teapop – mga kasamahan sa trabaho (na nasa ground floor); mga dati kong advisory class (na actually nung una ay hindi ko agad na recall ang mga pangalan samantalang tatlo lang naman silang naroon, pagkauwi ko ng bahay saka ko lang na-recall ang kanilang mga pangalan, kung hindi ako nagkakamali sila Remaylyn, Ana Mae at Trisha); isang dating estudyante at mga kasama niya; at bago pa silang lahat una ko pa palang nakita ang magulang ng dati ko ring student sa private school na isa ring public school teacher.

                Isa na nga talaga sa mga perks(?) ng pagiging guro; kahit saan ka mapunta may kakilala.

                Kwentuhan muna habang naghihintay sa pagdating nila Mam Alo at Tina. Ikinabit ang tarpapel na gawa ni Sarah at syempre ang cute na si baby Naru ang sentro ng aming atensyon habang naghihintay.

                Napag-usapan na rin ang tungkol sa eskwela, nabanggit ko kay Clang na hindi pa ako excited sa darating na school year, kahit pa ina-anticipate ko naman ang mga bagong students, mga challenges at surprises na mangyayari sa school year na ito, pero hindi na katulad ng dati. O baka kasi di pa nagsi-sink in sa akin na pasukan na, yung tipong alam ko na pero di ko pa nari-realize (o dinadamang mabuti).

                Nakapag-order na kami nang dumating sila Mam Alo at Tina, sakto lang din para hindi kami masyadong maghintay. Makailang beses din sinubukang tawagan ni Mam Alo si Budang pero walang sumasagot.

                Di ko na madi-detalye ang kwentuhan at tawanan, mga catching up stories o ilang updates sa kani-kaniyang ganap sa buhay. Pero ngayon lang namin nalaman ang tungkol sa inguinal hernia ni Clang; mukhang hindi pa naman ito malala kaya sana ay maagapan niya. Iyon pala ang dahilan kung bakit siya nagpunta nitong nakaraan sa PGH.

                Bago umuwi ay dumaan muna kami ng Mercury, at hindi ko rin malaman kung bakit ako napabili ng V-cut (potato chips) at Mars (chocolate); ang alam ko, binibili ko lang ang mga ito bilang comfort food tuwing busy or stressful days.

                Dalawang bagay ang na-realize ko sa araw na ito –

(1) minsan, may awkward moment talaga kapag nami-meet mo unexpectedly ang mga dati mong students, pero hindi sa tatlo kong students na nakita kong magkakasama, masaya akong makita sila na close pa rin, naalala ko pa nga habang nasa trike kami ni Olan na ang batch nila ay graduating na this school year sa kani-kanilang kurso sa kolehiyo; at lalong hindi rin sa isang katatapos lang na student ko (sa junior high) na nagawa pa ngang magmano nung nakita ako;

(2) na it is always a good feeling to be with your friends! Napakaliit lang ng circle of friends ko, pinaka-kaunti na yung tatlo kami at pinakamarami na ata yung 12; may iba’t ibang grupo pero hindi rin ganun karami. With my personality na introverted, mahirap para sa akin ang laging nasa malaking grupo o maramihang grupo ng mga kakilala at kaibigan; una ay nanghihinayang ako na sa sobrang laki ng grupo ay hindi ko naman nakikilala nang lubos ang bawat isa, kaya lagi kong preferred ang small group na gathering; pangalawa ay magiging manipis lang ang attention at affection na maibibigay ko sa mga maramihan at malakihang grupo, mahirap para sa akin na i-accommodate yun. Hindi ko alam kung naiintindihan ba ito ng marami pero sa mga kapwa ko introvert marahil gets nila ‘to.

Ang exciting lang na isipin sa ngayon ay kung ano ang mga magaganap pa sa aming magkakaibigan like after 10 or more years, for sure malaki na si baby Naru pati na rin yung mga anakis nila Mam Yna at Marco; like sino naman kaya ang susunod na ikakasal o may bago na naman bang baby sa grupo?  Marami pang mga positibong bagay ang maaaring mangyari sa mga kaibigan, mga kaklase ko at mga naging students ko at pati na rin sa buong Pilipinas! Kaya let us hope for the best! Ganun.


2017 05 30



Mga Komento