• 7:07 PM 4/4/2020 Ilan sa binili ko kanina sa grocery ay nail file, nail cutter, at saka cuticle remover. Natuwa lang ako kasi medyo may kalawang na yung nail file na kasama ng nail cutter kong luma, eh dahil sa may nakita akong nail file, binili ko na. Bumili rin pala ako ng kojic soap! Nagkakaubusan ng kojic soap kanina. Bakit ba kahit alam kong ‘di naman talaga ako puputi eh nagpapadala pa rin ako sa whitening soap na ito? Naka-imprint na ata sa isang sulok ng utak ko ang colonial mentality na magkaroon ng maputing balat kahit alam kong kayumanggi at kuntento naman na ako sa kulay ko. • 4:44 PM 4/6/2020 Nakikinig ako ng podcast tungkol sa procrastination. Pinabagal ko ang bilis sa 0.75 para mas maintindihan ko kasi ingles eh, at saka may ginagawa kasi ako (SF 10) habang nakikinig. Hanggang sa napagtanto ko na hindi madaling mag-encode habang iniintindi yung pinapakinggan kong podcast, (lalo pa’t ingles, kailangan ng focus). ...