Lumaktaw sa pangunahing content

2026 Day 249

 

9:54 PM 1/9/2026

 

            Oo na, wala akong entry nung Day 8, hahaha. Ewan ko ba, nahiga lang ako saglit kagabi, natuloy na hanggang kinabukasan yung idlip ko.

 

 

3:52 PM 9/6/2026

 

            Noong new year (2026), ang sabi ko ay ibabalik ko yung daily journal ko. Nagawa ko naman for the first seven days, tapos pumalya na nung Day 8. At heto, Day 249 na ako nakabalik. Yung nasa taas ay last draft sa journal ko – naitulog pa nga. Hindi ko rin malaman kung saan ako napadpad ng buhay, kung bakit inabot ng 200+ days na nawala ang journal sa routine ko. May ilang sulat naman ako sa notebook.

 

            So, anong gagawin ko ngayon? May nakita lang ako sa fb na “send me a number and I’ll give you an answer” – yung may set of questions sa picture, tapos kung may gusto, ilalagay sa comment section yung number ng tanong na gusto nilang sagutin mo. Pero, dahil hindi naman ako active mag-post sa fb at hindi rin para maglaan ako ng time (o baka wala rin naman kasi mag-respond) kaya dito ko na lang sasagutin. Ako na lang din ang pipili ng mga tanong para sa sarili ko. Maitawid lang ang journal na ito, haha.

 

1. Height – feeling ko 5’9” ako eh, pero parang 5’6” lang talaga, haha.

 

2. Dream job – ilang beses ko na nakikita na hiring sa national museum, ewan ko ba, parang gusto ko i-try. Madedestino nga lang sa ibang lugar. At saka gusto ko rin muna malaman kung ano ang job description ng museum researcher. Kasi sa isip ko, yung dream job ko ngayon ay yung nagko-collect at nag-prepare ng mga specimen bilang nag-collect ako ng mga stones at kaunting fossils. Gusto ko, ako naman ang makakahanap ng mga specimen, maipadala sa malalayong lugar ganun. Mag-training, matuto ng bago, yung hands-on at skills-based.

 

3. Relationship status – single, hahaha! (Masaya ba yun or sad?)

 

4. Favorite color – gusto ko yung mga bright at warm colors. Yung hindi nakaka-depress tignan. Yung nakaka-energized dapat. Nakaka-enlighten ganun.

 

5. Favorite season – summer. Yung summer na maaliwalas. Na-miss ko na kasi maglakad at mag-bike.

 

6. Dream vacation – hindi naman sa pangarap, pero gusto ko lang magawi ulit sa Aurora, Quezon Province, at Nueva Ecija.

 

7. Favorite place to shop – Shopee, eme.

 

8. Shoe size – size 9, size 42.

 

9. Favorite animal – aso saka pusa, kasi ito yung meron dito sa bahay. Pero, naisip ko mag-alaga ng isopods at springtails, or ng colony ng ant, kahit na anong low maintenance. Yung kahit titigan ko lang mabubuhay pa rin, haha.

 

10. Something that cheers me up – yung mga mababait na tao. Yung tipong kinakausap ako hindi para lang may mapag-usapan, yung kausap ko siya/sila kasi may pinag-uusapan talaga kami, haha, gets ba.

 

11. Favorite holiday – Christmas!

 

12. How you feel right now – medyo stress, anxious sa mga magaganap. Kaya siguro ako nag-journal pang-divert lang.

 

13. If you had to get a tattoo, what would it be of? – plan ko na talaga magdagdag ng tattoo. Goal ko sana one tattoo a year. Yung gusto kong idagdag ay Suminagashi style na tattoo ng water or wave.

 

14. If you dyed your hair, what color would you dye it? – well, wala na nga akong hair eh, haha. Yung tumubo muna talaga ang hair ko (halaman?).

 

15. What inspires you? – yung mga tao sa paligid. Yung mga masisipag. Yung mga hardworking. Yung mga patas lumaban. Na hopefully ay ganun din ako katapang at kapursigido like them.

 

            Yan, out of 52 questions, yan lang yung biglang basa ay may naisip agad ko na sabihin, the rest loading kasi dami kong pwedeng maisip. Na-realize ko rin na hindi naman siguro required na may entry ako daily sa journal na ito, pero sana naman self ay hindi 200+ days ang pagitan, haha. At saka magbasa ka rin self, naistambay na yung mga libro.



Mga Komento