Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na eksena

“Iba talaga ang mga bata ngayon eh,”

     Kaninang tanghali habang naglalakad ako sa covered court papunta sa faculty, nasalubong ko si student A (na isa sa aking advisory class) kasama ang ipinakilala niyang parent o nanay niya. Pinasunod ko sila sa faculty para maibaba ko muna ang aking gamit at makausap ko silang mag-ina. Ang totoo niyan, hindi lang ang parent ni student A ang pinapupunta ko (last week pa) kundi pati na rin ang ilan sa mga kaklase niya, ngunit laging ang sagot sa akin ng mga bata ay hindi raw makapupunta ang kanilang magulang sa sari-sarili nilang dahilan.      Ang dahilan kung bakit ko pinatatawag ang kanilang magulang ay dahil sa kanilang pagka-cutting class. Kasagsagan noon ng habagat at kare-resume pa lang ng klase; itong sila student A and company ay hindi pumasok sa eskwela, sa halip ay nagpunta sa mall at sa bahay ng klasmey nila. Ang idinahilan sa akin ng isa ay dahil daw sumakit ang tiyan nya. Wow ang galeng! So, kapag sumakit ang tiyan ay sa mall...

bakit ganun...

2018 07 04 (Wed, 9:34 PM)             Sabi ko na nga ba, naglalaro ang mga daga kapag wala ang pusa; sa puntong ito, ako yung pusa at ang mga bagets naman ang daga.             Habang wala pa silang teacher, napadaan ako sa room nila, at naaktuhan ko ang mga bubwit na lalaki na naghaharutan sa likod ng room. Gamit ang 4 na hard hats na suot nila, at ginawa pang espada ang mga walis. Nung nakita nila ako na naglalakad patungo sa kanila, biglang kumaripas ang mga bubwit; akala naman nila ay hindi ko nakita kung sino-sino ang mga iyon. Kaya sinabihan ko si student J na wag munang pauwiin ang mga pasaway, saktong may last period pa ako kaya di ko sila mahaharap pa.             After ng last period, dali-dali akong bumalik sa faculty, nag-ayos ng gamit at binitbit ang aking bag papunta sa aming classroom. Kinausap ...

21. pwedeng both?

         Ang lugar na iyon ay parang faculty namin sa tanghali (ang oras kung kailan naghahalo na sa iisang room ang mga AM at PM teachers). Samu’t saring usapan ang iyong maririnig. Parang tiangge ganun. Kung hindi man dedma, natatawa na lang kami kapag nagaganap iyon sa faculty; normal lang naman ang ganung eksena, tatahimik din kapag nakauwi na ang mga AM teachers at kapag nasa klase na ang karamihan sa mga PM teachers.             Sa ganung sitwasyon ko maihahalintulad ang coffee shop na iyon.               Hindi naman talaga magkape ang main objective namin; maaaring isa na yun kasi malamang mapaalis kami kung wala naman kaming order lol, pero higit sa lahat kailangan namin ng lugar kung saan kami makakapag-usap at makapagpapalitan ng ideya, makagagawa ng TOS at pre/post test ni Dreb. Tapus, kung anu-ano na lang ang aking napansin -       ...

"Daig pa hangover sa inuman."

                Ipinagsangag kami ng kanin ng nanay ni Tina, at ipinagluto pa ng bagong huling alimango. Dapat sana ay paalis na kami noon ni Olan, pero ipinaghain pa kami ng almusal bago umalis.                 Tig-dalawang tasa ng kape, otap at chicharon. Yan ang pinagsaluhan namin sa magdamag na kwentuhan at panggugulo sa bahay nila Tina, mula pasado alas-dose ng hating gabi hanggang alas-singko ng umaga. Ang tatag naming tatlo; walang tulugan. Napag-kwentuhan na mga ‘ganap’ namin sa buong araw, at kung anu-ano pa wag lang matulugan.                 Nakita na lang namin na may dalang malaking alimango ang tatay ni Tina; kuha sa kanilang palaisdaan. Agad naman itong niluto ng nanay niya, at yun na nga nagsangag pa.      ...

"Sa isip ko ay ‘epal’ lang talaga ang batang ito."

                Gutom ang inabot ko sa mahabang byahe pauwi.                 Magti-take out na lang sana ako sa kainang nasa tapat ng Ever, kaso nang banggitin ko ang aking order, hindi raw ito available. At hindi na rin ako nakapag-isip pa ng iba. Idagdag pa na matagal mag-prepare ng pagkain doon, tapus blockbuster pa ang bilang ng mga kumakain noong araw na yun.                 Sumakay ako ng trike para doon na lang kumain sa Bhoogle Mac (branch ng Mc Domeng). At least doon, alam kong kaunti lang ang customer. Umorder ako ng liemposilog at cheeseburger na pang-take out.                 Habang naghihintay, sa harap ko ay may isang batang lalaki. Nanghihingi ng barya. Hindi nam...

talsikan festival :)

1. Kung may matalsikan man, dedma na lang. 2. Pulutin at ibalik sa bibig. 3. Bigyan ng plus 5! Ang mga nabanggit sa itaas ay ilan sa mga maaaring gawin kapag tumalsik ang iyong laway habang nagtuturo ka hahaha. Ito ay naitala mula sa kwentuhan naming magkakaibigan sa isang kapehan. o-O-o 1. Pupunasan nang palihim. 2. Matalim na pagtingin. 3. Dedma na lang din. Ang mga ito naman ang ginagawa ng mga estudyanteng natatalsikan ng laway . At oo, ito talaga ang isa sa mga naging usapan namin; it’s so interesting! Lols.

Kahit saan mapunta, may magsasabing “Hi Sir!”.

                Nasalubong ko si Jasper (dati kong estudyante) sa footbridge. Nagkamustahan ng kaunti. Saglit kaming tumigil sa mismong hagdanan, mabuti na lang at kaunti lang yung dumaraan. Tinanong ko kung saan na siya nag-aaral; sa pagkakatanda ko kasi ang sabi niya sa akin noong nagpi-fill up siya ng form para sa senior high ay magti-TESDA siya. Ang sagot niya, siya raw ay nag-aapply na ng trabaho. Hindi ko na nausisa pa, dahil nasa hagdanan kami ng footbridge at baka kami ay makaabala, ‘good luck’ o ‘ingat’ ba ang huli kong nabanggit sa kanya, hindi ko maalala eh.                 Ang awkward o nakakatawang part ay yung mismong nagkasalubong kami. Sanay ang mga ka-batch na estudyante ni Jasper magmano sa mga teachers nila, pero sa kung anong dahilan hindi niya naituloy yung akmang magmamano sana siya sa akin, di ko na rin naiabo...

"nakakaumay ang pagkayas sa makating gabi..."

                May twitter account na pala ako (actually, iyon ay binuhay na account lang; mabuti nga’t natandaan ko pa ang password). Sa palagay ko kasi ay mas payapa sa twitter.                 One time, nakita ko na naka-follow na si Neri (at tatlo pa, ang dami na hahaha). Sa twitter ko sinimulang ibahagi ang ilan sa mga recent na nagagawa kong blogpost. So, ngayon marahil ay alam na ni Neri (pati na si Eldie) na mayroon akong blog. Na madalas, sa mga nakalipas kong posts, ay nababanggit ko sila, dahil sila lang naman ang lagi kong kasama tuwing weekend (sa eskwela, sa pagkain at kaunting gala).                 Binalak ko rin naman na i-share ito sa kanila. Pero di ko lang talaga magawa. Ang una kong rule ay para lang ito sa makakatuklas nang hindi k...

dagli 16: lights out

                Wala kahit na kaunting pangamba kong inakyat ang ikatlong palapag ng bahay. Umuulan kasi nang malakas, nag-alala ako na baka nakalimutan o may hindi naisara na bintana (ang lagay eh aanggi ang tubig-ulan sa kwarto, masisisi pa ako lols). Wala rin ni isang ilaw na nakabukas kahit pa sa may hagdanan. Walang-wala lang din sa isip ko ang pumanik kahit na madilim, binuksan ko ang pinto, kinapa sa kanang bahagi ng pader ang switch. Nang mag-on at magliwanag ang kwarto, inisa-isa ko ang bawat bintana, mabuti na lang lahat naman ay nakasara… walang problema. Nasa tarangkahan na ako ng pintuan para patayin na muli ang ilaw nang maalala ko ang isang pamilyar na eksena sa pelikula na Lights Out ... naisip ko kapag pinatay ko na ang ilaw sa kwarto mababalot na ako ng dilim. Ang ginawa ko – binuksan ko muna ang ilaw sa may hagdanan para kung papatayin ko na ang ilaw sa kwarto ay meron pa ring liwana...

dagli 12: spaghetti

                Di naman talaga kita kilala. Nakita lang kita habang kumakain akong mag-isa. May nakasuksok na bluetooth earphone device sa iyong kanang tenga; tapus naka shades ka pa, bitbit mo ang tray na may spaghetti, naupo ka at kumain. Naalala ko tuloy si Eldie (at ang paborito n’yang spaghetti)… kaya nag-text na lang ako kay Neri –                 “Hindi masayang kumain mag-isa sa Jollibee.” Sunday, pasado alas-dose ng tanghali Jollibee Malanday 2016.06.13

Just another 'sirang plaka' kind of story.

Hindi ko alam kung bakit lagi kong nari-recall yung kagustuhan ko na maging isang 'terror' na teacher. Ang bait-bait ko kaya. Hindi bagay. Siguro kasi yung ugali ng ilang mga mag-aaral ngayon ay higit pa sa isang terror , kaya naisip kong maging mas terrorista pa sa kanila lols. At saka nagbago na rin ang panahon. Kwento nga ni Pope Franics, nung s'ya daw ay nasa grade four pa, may nasabi s'yang hindi maganda sa isang guro. Pinatawag ng guro ang kanyang magulang. Ang kasama nyang nagpunta ay ang kanyang ina at sinabihan sya ng kanyang ina na humingi ng paumanhin sa guro. At pag-uwi nila, alam nyo na ang nangyari... katakot-takot siguro na sermon ang inabot nya sa kanyang ina. Pero ngayon, dagdag ni Pope, kapag nagpatawag ng magulang ang isang guro, maaaring dalawa pa nga ang magpunta, ngunit ang pinagkaiba, hindi na sa bata ang sisi, kundi sa mismong guro na. Nagpadala ako ng materials para sa activity ng mga bata. Simple lang – short bond paper, pencil ...

Exciting din pala ang magkaroon ng electric fan.

Ika-02 ng Hulyo, 2015 Huwebes, 7:08 ng gabi             First time kong ma-excite para sa balita na kahit paano ay naayos na raw ang dalawang electric fan sa room namin, ayon sa text ng ka-partner kong adviser sa room na panghapon, kani-kanina lang. Okay lang kahit kami pa muna ang magpaluwal sa gastos, walang-wala yun sa pakiramdam na excited na akong makita ang advisory class ko bukas na nag-aaral nang may electric fan J Hindi rin kaya biro ang isang buwan na magklase sa loob ng room na halos lahat kami ay nagmumukhang ‘hot’ lol.             Kaya sana bukas, totoo! Hay… dahil kung hindi, hotness never ends na talaga.

Mudra Knows the Hardest! :)

Ika-08 ng Abril, 2015 Miyerkules, 11:58 ng gabi Hard Scene 01: Umaga. Sa kwarto. Nagtutupi ng damit. Me: Ma, sabi sa klase namin sa genetics , kung gusto mo malaman ang future ng hairline mo, tignan mo daw yung buhok ng tatay o kaya mga tito… Mudra: Oo, kaya tignan mo si Papa mo, yung mga tito mo ang ninipis na ng buhok! Me: Eh nung nagpagupit ako ang sabi coming soon na daw itong buhok ko. ***lungkot effect lol Mudra: Ganun talaga! Whether you like it or not! ***may ngiting pang-asar hehehe Me: Ganun?! Bakit kasi ang naninipis ng buhok niyo, wala bang naligtas? Mudra: ***dedma, silent mode Me: *** afraid sa future ng buhok ko lol Hard Scene 02: Tanghali. Sa kusina. Kumukuha ng pagkain. Mudra: Oh, anung nangyari sa mukha mo bakit may butas-butas? Me: Bakit? Dati pa naman yan ah! Mudra: Saka naging nognog ka na, kaka- bike mo yan eh. Me: Eh summer naman, buti nga nagba- bike pa ako eh. Mudra: Sama...

About Compliments and Being Stranded. (Maka-title lang ng english, yey!)

Ika-16 ng Marso, 2015 Lunes, 2:38 ng hapon             “Ikaw lang ata yung nakita kong haggard na kalmado,” walang kaabog-abog na pagsabi sa akin ni Sir C na klasmeyt ko sa subject P habang abala ako sa pag-aayos ng report at pagsulat ng sagot sa mga task sheets.             “Pwede bang kalmado na lang?” banggit ko sa kanya, sabay dugtong ng tawa kong awkward lols.             Yung mga moment na ganito, na di mo alam kung compliment ba o inuuyam ka na hahaha. Kahit saan talaga, lumulutang ang ka- haggard -an ko. Hahaha!             Anyways…             Dinagdagan pa ng pagkasira ng LRT nung sabado ang kadukhaan ng aking pagkatao. Uwian pa naman. Hindi na bago ang pagkasira ng m...

CRATER :)

Ika-06 ng Marso, 2015 Biyernes, 2:48 ng hapon             Ang awkward at sarcastic ng lesson ko kanina – The Sun, Earth and MOON .             Nag- enjoy ako sa pagdi- discuss tungkol sa parts ng sun at sa pagbibigay ng ilang amazing trivia , ganun din naman sa Earth . Pero sa pagdating sa moon … hay naku… hahaha .             Sa isang klase ko, ang sabi ni Angelo –                         “Sir di ba may CRATER ang moon?”                         Sa isip ko, ito na ang usaping crater , common knowledge naman na ito kaya maikling “Oo meron. Kasi walang atmosphere na nagpro...

"…oo na, isa lang ito sa mga kababawan ko."

Ika-20 ng Pebrero, 2015 Biyernes, 6:09 ng gabi             Sa umaga, tuwing sasakay ako ng LRT , lagi akong nakaharap sa bahagi kung saan sumisikat ang araw. Yung damang-dama ko yung liwanag na tumatagos sa loob ng tren. Nagpapapikit saglit sa aking mga mata. Banayad na dumadampi sa aking pisngi at iba pang bahagi ng balat. Pagkasilaw sa malumanay na paraan. Maginhawang pakiramdam habang bahagyang nasisikatan.             Kulay orange hanggang sa matingkad na dilaw ang paligid. Pumuporma ang anino ng mga bagay na against the light / sikat ng araw. Pang- pictorial ang effect .             Ang saya! Ang sarap sa pakiramdam!             Lagi kong inaabangan ang tagpong ito…             …oo na,...

“Kati-kati”

Ika-07 ng Pebrero, 2015 Sabado, 8:45 ng gabi             Umaga.             Mahangin at malamig.             Sa loob ng jeepney.             Si ‘ateng’             Nakalugay ang buhok             Sa aking tabi.             Lumilipad.             Humahampas Ang kanyang ‘long hair’             Kasabay ng hangin.             Ang saya-saya!             Ang kat...

"BACK AND FORTH..."

Ika-28 ng Enero, 2015 Miyerkules, 2:26 ng hapon             Nakasabay ko si ‘ate’             Sa photocopy han (o xeroxan) .             Ang sabi…             “Pa-photocopy nga,             BACK AND FORTH…”             J             Buti na lang naka- poker face ako kanina.             Basta, peyborit ko pa rin ang hopia.             

PILA

Ika-12 ng Enero, 2015 Lunes, 7:59 ng gabi             Di sinasadyang sa pag-atras ko’y             Natapakan ko ang iyong paa.             Isinenyas mo ang iyong kamay,             Na nangangahulugang ‘okay lang’.             Sayang…             Sana pala idiniin ko na.             Okay lang naman pala.             Hahaha!             “Pila”             (eksenang pang-jeepney)