Lumaktaw sa pangunahing content

2026 Day 4

 

10:16 PM 1/4/2026

 

            Bilang isang nilalang na trentahin, wala akong ganap ngayong araw. Natulog lang ako maghapon. Kaya mag-comfort cards na lang ulit ako. Bunot ako ng tatlo.

 

[1] Ano ang bagay na you’re so afraid to lose pero nawala pa rin?

 

            Nung nabunot ko yung card, ang una kong nabasa ay “afraid to lose” kaya ang unang pumasok sa isip ko ay sila mudra at pudra ko, syempre ayoko silang mawala sa akin, eh may kadugtong pala “pero nawala pa rin” – eh nandyan pa naman sila, so hindi sila ang sagot sa tanong na ito, hahaha. Nakakakaba naman mga ganyang tanungan.

 

            Sunod na naisip ko, na talagang afraid ako to lose, ay ang aking buhok, hahaha. Napaka-eme naman kasi ng genes eh! Sana nga ay hindi na umabot sa “nawala pa rin,” meron pa naman pero progressive na talaga ang pattern baldness ko. I mean, hindi na rin naman ako bata, at naintindihan ko naman na ganun yung na-inherit kong genes, pero hindi ko pa talaga accepted na mawawala yung buhok ko at tuluyan akong makakalbo, hahaha. Siguro, when I get older pa, mas matatanggap ko na, pero ayoko talaga, hahaha. Umay.

 

[2] How’s your relationship with your father?

 

            It’s okay. Sobrang okay naman. No issues ganun. Talagang mas close lang ako kay mudra, but it doesn’t mean na may mas mahal ako sa kanilang dalawa. I love both of them.

 

[3] Kung nakikinig ang taong nanakit sa’yo ngayon, ano ang sasabihin mo sa kanya?

 

            Gaya nga ng naisulat ko sa Day 3 journal, hindi ako yung tipo ng tao na nag-hold ng galit or nagtatago ng hinanakit. At saka wala naman recently na taong nakapanakit sa akin. So, wala akong sasabihin or pagsasabihan.

 

x-o-x

 

            Nga pala, para ma-obliga ko ang sarili ko na magbasa, ang unang libro na napili kong basahin ay “Happiness: Lessons from a New Science” ni Richard Layard. Dahil ang ultimate goal ko sa buhay ay ang maging masaya. Sa libro ay mababasa raw ang seven causes of happiness.

 

 

Mga Komento