10:54 PM 1/7/2026
Ang sabi ko, hindi na muna ako
magku-kwento ng tungkol sa trabaho. Pero, medyo na-bothered lang kasi ako
habang nag-check ng essay kanina [ng homogenous class]. Sa tagal ko nang
nakagawian na mag-include ng essay questions sa mga assessment ay nagkaroon na
ako ng ideya at expectation sa mga dapat maisagot ng mga bagets. Pinakamasakit
sa ulo chekcan nung mga grade 7 pa yung hawak ko na mapagbibigyan ko pa kasi
nga grade 7 pa lang naman. Nung napunta ako sa grade 10 at sa ngayon nga sa
grade 9 [na ilang years na rin], syempre mas itinaas ko ang expectation sa mga
sagot nila, lalo na sa homogenous class. Natatandaan ko sa mga previous
batches, naluluwa yung mata ko kakabasa dahil sinisiksik talaga nila lahat ng
alam nila sa mga tanong sa essay, okay din kaysa walang mabasa, may laman pa
rin naman, accurate pa rin naman ang mga concept. Ngayon, parang may iilan na
sumasablay. Marunong naman mag-english pero hindi nagtutugma yung mga sinasabi,
alam mo yung parang random na copy paste na pinagsama-sama. Ang ikinababahala
ko pa is yung misconception sa ilan kong mga nachekan. Maganda rin talaga na
may combination ng objective type at itong essay. Dito ko talaga nakikita kung hanggang
saan yung natutuhan nila. Ngayon, mahalaga sa batch na ito yung feedback sa
klase, kaya kahit natatamad ako mabuhay sa mga nagdaang araw at hanggang
ngayon mabuti na lang naging routine ko talaga na mag-check agad ng mga
output tuwing break ko sa faculty.
Oh ayun, hindi ko mawari yung
gagawin ko, idagdag pa yung sa heterogenous class. Systemic na kasi talaga ang
problema eh. Kahit hindi ko kausapin yung ibang mga kasama ko sa trabaho,
mariringgan ko sila ng parehong experience at dismaya sa mga mag-aaral ngayon.
Pare-parehas kaming nagre-reflect at napapatanong na bakit naman noon seryoso
pa mag-aral yung mga bagets, pero ngayon… yung pag-aaral sa mga bagets ay para bang
passing kineme na lang. Iba lang ba talaga ang panahon? O nabubulok na kasi ang
sistema ng kagawaran? Ewan. Kaya nga ayoko pag-usapan yung ganito eh, hahaha.
Tapos kanina timing pa na may magulang na gusto nang pahintuin sa pag-aaral ang
anak niya na naaadik sa computer games. Ano na? To be fair, may potensyal at talented
pa rin naman ang mga bagets ngayon, totoo. May mali lang talagang nangyayari
eh.
Isang comfort card muna ang bubunutin
ko –
[1] Kailan
mo naramdaman na hindi ka napatawad ng ibang tao?
Sa totoo, hindi ko alam, hahaha.
Hindi nga kasi ako nag-hold ng grudge. So, sa akin, wala na yun, at madalas
naman hindi ako yung nagdadala dahil lang sa hindi pa nagpatawad.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento