Lumaktaw sa pangunahing content

2026 Day 5

 

10:42 PM 1/5/2026

 

            Mahirap mang simulan ang unang araw ng pasok mula sa mahabang bakasyon, eh wala naman ako [kami] choice. Sabi nga ni Ma’am D kanina, gusto rin sana niyang umabsent pero “teacher ako [kami] eh,” hahaha. I am grateful lang na kahit pa parang lutang ang lahat ay naitawid naman ang unang araw, bukas balik na ulit sa routine. Buti na lang din at cooperative ang mga bagets today.

 

            Am I dragging myself to work? Oo, hahaha. Parang di na kasi worth it maging guro sa bansa na ito. Do I still like what I do? Oo pa rin naman ang sagot ko. Lalo na kapag nasa harap ako ng klase. Napapakinggan at nakakapagturo. Siguro yung mga anek-anek na gawain yung nakakapagpa-drain sa akin. Sabi ko nga kay Clang kanina, parang okay na ako siguro sa 8-to-5 na work. Yung pag time out eh wala na, out na talaga.

 

            Kanina pagbili namin ng meryenda nakalimutan kong dalhin yung cellphone ko, pipiktyuran ko sana yung mga ibon na pakalat-kalat sa school ground at dun sa patio sa may simbahan. Ibong bato daw sabi ni Clang, eh syempre di agad ko maniniwala hahaha. Medyo mailap lang sila kapag nilalapitan pero laging pakalat-kalat sa paligid. Naisip ko, baka naiiba na yung feeding habit nila, baka kaya sila pakalat-kalat sa school ground at malapit sa mga tindahan sa patio ay para dun na sila nanginginain.

 

            Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming internet connection. Ang galing kasi ng Converge eh, shuta. Wala na ba akong ibang ikukwento… nauumay na ako sa mga ganap sa school, hahaha. Anyways, bubunot na lang ako sa comfort cards, isa lang for today.

 

[1] Ano ang pinakamalaking “what if” sa buhay mo na hirap kang bitawan?

 

            Hindi naman ito malalaking “what if” sa buhay ko, at hindi rin mahirap bitawan, kasi tanggap ko naman na iba na ang nangyari at grateful pa rin ako sa nangyari. Naglista ako [ng mga biglang sumulpot sa isip] -

 

            What if… hindi kami lumipat ng Valenzuela, at natuloy akong mag-high school sa Quezon City? Ang saya siguro kasi kasama ko yung mga kaklase ko nung elem. At malamang mga kumpare at kumare ko na sila kung nagkataon.

 

            What if… natuloy akong mag-exam sa UP? Pumasa kaya ako? Makakapasok kaya ako?

 

            What if… hindi Science yung major ko? Filipino talaga yung una kong naisip, hahaha.

            What if… hindi na lang ako nag-educ? Ano naman kaya ang naging kurso ko?

 

            What if… naging pasaway na lang ako? Para hindi ako ganito ka-bored, hahaha.

 

            What if… naging okay naman yung salary dun sa private school na pinanggalingan namin? Eh di sana magkakasama pa rin kami. Sana masaya lang ang buhay, hindi maraming anek-anek na gawain na di ko malaman kung bakit gagawin o kailangang gawin.

 

            Wala na.

Mga Komento