Ayon
kay Robert Waldinger, ang ika-apat na director ng 75-year old study tungkol sa adult
development, hindi lamang wealth, fame o achievement ang nagbibigay sa atin ng
kaligayahan o satisfaction sa buhay; bukod dito, ang pinakamahalaga nilang
natuklasan mula sa kanilang pag-aaral ay ang pagkakaroon ng “good
relationships” sa pamilya, mga kaibigan at komunidad. Dagdag pa niya, ang mga
taong malapit sa kanilang pamilya o mga kaibigan ay higit na masaya kaysa sa
mga taong less socially connected; at hindi rin sa dami kundi sa “quality” ng
relationships ang nakatutulong sa atin upang mapanatiling malusog ang ating pangangatawan
at kaisipan. Sabi nga niya, sa pagtatapos ng kanyang talk – The good life is built on good
relationships.
Matapos
kong mapanuod ang talk ni Robert Waldinger (noon pang buwan ng Enero), naisipan
kong magtanong sa mga kaibigan ko sa fb (at random) kung ano ang tatlong bagay
na pinakamahalaga sa kanila sa taong ito
2017 (dahil nga kaka-new year pa lang noon). Na-curious lang ako sa kanilang
isasagot, kung mangingibabaw din ba ang “relationships”, kahit pa parang hindi
naman parallel yung tanong ko sa napanuod kong talk ni Robert Waldinger; pero
di ba kung ano ang mahalaga sayo ay yun din ang kaligayahan mo sa buhay? Hindi
ko alam kung konek lol, pero narito ang kanilang sagot:
*At dahil nga napaka-random ng ginawa ko
noon, di ko na naipagpaalam sa kanila na gagamitin ko ang kanilang sagot sa blogpost na ito, kaya itago na lang
natin sila sa mga codenames.
- Why so serious – health, money, cellphone.
- Naruto librarian – family, work, health.
- Travel buddy – people, travel, savings.
- Donya – relationship sa kapwa, time management, paglago ng pagkatao.
- The artist – career, family, love.
- DSWD – panahon, pera, relationships.
- Labanos – family, health, safety.
- Highschool friend – family, friends, work / career.
- Idol many license – health, relationship, wealth.
- From the Middle East – Diyos, pamilya, kalusugan.
- The very energetic & spontaneous – pamilya, pera, edukasyon.
- English man – gym equipment, new mcbook laptop, family.
- The German – family, lovelife, studies.
- Juris – family, career and investments, pay it forward acts.
- Airport – baby xia and husband, mama at papa, work.
- Novita & doraemon –health, family, career.
- K-pop fanatic – health, family, career.
- Metaphor – kalusugan, pamilya, kaibigan.
- Third world traveller – family, health, love for country.
Kung susumahin, sa 18 out of 19 makikita ang mga sagot na
may kinalaman sa “relationships”. Kaya sa munting pa-survey na ito makikita na
marahil ang sagot nga sa “What makes a good life?” ay ang pagkakaroon ng
malapit na koneksyon sa ating pamilya, mga kaibigan at komunidad.
Kaya maraming salamat sa
19 na taong sumagot sa napaka-random at unexpected na tanong ko sa kanila noong
araw na iyon! Yey!
x-o-x-o-x
P.S.
January, 2017
1. Dapat pala ay inayos ko ang tanong; hindi dapat
ganuon ka-impulsive. Kaya siguro hindi sumagot ang iba dahil napaka-spontaneous
nito (walang objective o paliwanag kung para saan ang tanong na iyon, kaya
salamat talaga sa mga sumagot hahaha, sa tingin ko naman nakakuha ako ng
napaka-raw answers dahil sa biglaan na paraan).
2. Nakakatuwa kasi bigla akong nagkaroon ng koneksyon
sa mga taong matagal ko na rin hindi nakakasama o nakakausap. Yung kahit paano
ay naka-chat ko sila sa fb kahit saglit lang.
3. Naging interesting ito para sa akin. Ang sarap
sa feeling na magpa-survey nang walang kinalaman sa research sa school o pag-aaral;
yung wala kang inaalalang pagpasa o deadline!
bonggels! bat di ko to nabasang tanong sa fb?!
TumugonBurahinPero, totoo naman talaga :D
Masaya ang research diba :D
cher Kat, isa ka sa mga sumagot dyan :)
Burahinhanapin mo na lang kung alin, binago ko kasi yung pangalan eh :)