Homeroom
(2017 06 16)
Ang
una ko talagang naisip gawin sa aming homeroom ay magpa-survey at humingi sa
kanila ng opinyon tungkol sa paggamit ng red ballpen ng mga teachers sa
pagtsi-check ng kanilang mga output. May article kasi akong nakita na
nagbibigay ng suggestion na mas mainam daw ang paggamit ng green ballpen (pero
actually di ko pa nababasa lol), narinig ko rin na ibinalita ito sa tv.
Kung
hindi man iyon, ang pangalawa kong naisip ay magkaroon kami ng isang group
discussion sa isang bagay na maaari nilang pakinabangan; naisip kong pag-usapan
namin ang isa sa mga video na meron sa The School of Life sa youtube. Halimbawa
yung usapin sa paano ba maging mas confident, o kaya ay mapataas ang
self-esteem o kahit na ano pang topic na may pakinabang sa kanila na hindi masyadong
napag-uusapan o nabibigyan pansin sa mga regular na subjects na meron sila
ngayon.
Ngunit
sakto naman na nagkaroon ako ng task sa scilab. Kailangan mailabas ang lahat ng
gamit sa stock room dahil aayusin na iyon. Kaya kinailangan ko ang kanilang tulong
para magawa ang task. Mabuti na lang at wala pa akong nabanggit tungkol sa
gagawin namin sa homeroom kaya hindi naman ako nabigo sa kanila.
Ang
nakakatuwa pa, halos lahat talaga sila ay may naitulong at nagawa. Kahit pa
paglilipat lang ng gamit ang task namin, sila na yung nag-volunteer na magpunas
sa mga lamesa, mga bintana, walisan ang stockroom, pati na magdilig ng halaman.
Sana ay lagi silang ganun, lalo na paniguradong hindi ito ang huling
pagkakataon na kakailanganin ko ang tulong nila.
Kaya
sa susunod na homeroom na lang namin gagawin ang naisip ko.
Awesome! another teacher's perspectives here!
TumugonBurahin