Jasper 03: homeroom


                Homeroom (2017 07 21)

                Pagdating ko sa klasrum, nagtaka agad ako kung bakit hindi naka-uniform si Paula. Btw, hindi biro ang makarating sa room namin; kapag nakapag-time in na ako sa gate (biometrics, sosyal haha, pero I wonder kung gaano na karaming bacteria ang meron dun sa dutdutan ng daliri; pwera na lang kung may ionizing antibacterial ek-ek feature yung biometrics na iyon; pero sa tingin ko wala) lalakad pa ako ng ilang minuto para makarating sa building E 2nd floor kung nasaan pansamantala ang faculty; tapus kukuha pa ako ng gamit sa may building D sa pinakadulo 2nd floor pa rin at lalakad papuntang building A paakyat sa 4th floor kung nasaan ang room ng advisory class ko. Kaya sa umaga pa lang, jogging / walkathon na.

                Biglang lumapit si Patrize, nakikiusap kung pwede raw ba nilang gamitin ang oras ng homeroom sa pagpa-practice ng kanilang musical play; hindi dapat ako papayag kasi ready din ako nung araw na yun (may dala pa nga akong projector eh para may mapanuod sila lol) pero yung mga mukha kasi nila wala sa mood, kaya naisip ko baka masayang lang ang effort kong magturo kung ang inaalala naman nila ay ang kanilang practice, at isa pa ay homeroom time naman iyon. Sa madaling sabi, pumayag na ako.

                Hindi ko sure kung dala lang ba ng “cramming” kung kaya nakitaan ko sila ng unity noong araw na yun. Kahit limitado lang ang space sa loob ng klasrum, nagawa pa rin nilang magbukod sa tatlong grupo para maturuan ng kani-kanilang part sa musical play. At dahil may mga “dancer” naman sa section kong ito, sila yung nagturo sa mga klasmeyts nila. Lahat ay nag-participate.

                Ilang beses kong binuksan at in-off ang camera ng cellphone ko sa pagtatangka na kunan sila. Naisip ko sanang i-document ang pagpa-practice nila, pero baka ang “korni” kasi practice lang naman yun, at saka baka mawala sila sa focus ng kanilang practice kung magpipiktyuran pa kami, magkakagulo lang sa klasrum. Kaya, nakuntento na lang akong panuorin sila. Inisip ko na lang na at least isa ito sa magandang memory ng section na ito; yung kahit madalas silang maireklamo sa kanilang kadaldalan ay marunong naman din pala silang mag-work as a group.


o-O-o


                Homeroom (2017 07 28)

                Actually, wala naman talagang homeroom ngayon.
               
Wala naman kasing pasok eh dahil sa bagyong Gorio; pangatlong araw na mula noong Miyerkules. At ang galing din ng timing, dahil kung kelan walang pasok saka naman ako na-trangkaso, pero oks lang at least nakapagpahinga pa rin.

                May baha sa may labas namin, lubog hanggang paa; pero nag-improve na ito, dati nga hanggang dibdib pa at di ka makakalabas kung walang bangka. So, sana next week umayos na ang pakiramdam ko at ang panahon.



Mga Komento

  1. Get well soon, Cher Jep!

    It must have been a joy to see them work together on their own, diba?
    For sure, it was already a captured moment in your heart. Hindi na kelangan ng camera to preserve it.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Thanks cher Kat!

      True! Alam kong alam mo rin ang ganuong pakiramdam :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento