When In Tawiran 04: binary sunset


Tawiran, Bulacan. (2017 05 22 / Mon, 6:39 PM)


Namangha ako noong araw na iyon dahil sa tingin ko ay dalawang papalubog na araw ang pinapanuod ko; sa kapal kasi ng ulap, nahati nito sa dalawa ang liwanag ng papalubog na araw.

Ginoogle ko yung term na "twin sunset", ito kasi yung naisip kong ilagay na caption sa instagram, pero wala atang ganun. Ang term na "binary sunset" ang lumalabas; at ito rin ang pamagat ng soundtrack ng Star Wars (na hindi ako masyadong pamilyar).

Ang "Tatooine" ay isang fictional na planeta sa pelikulang Star Wars na may orbit sa isang pares ng binary stars. Ang sabi, naging iconic image ng film ang kuhang binary sunset nito.

Fictional man ang planetang "Tatooine", ang tawag pala sa mga ganitong planeta ay "circumbinary planet" at merong mga nag-i-exist na ganito sa sansinukob tulad ng PSR B1620-26, HD 202206, HW Virginis at iba pa.


Mga Komento