"saan located ang ovaries..."


                Noong nagkaroon ako ng student teacher (intern) last school year ang naging plano kong gawin ay magtala ng mga anekdota tungkol sa mga nangyayari sa classroom habang nagtuturo siya. Naisip kong gawin sa perspective ng isang observer at bilang kanyang cooperating teacher.

                Ang plano ko ay araw-araw, kahit maiikling tala lang. Bukod sa mga nangyayari sa klasrum, nakapaloob na rin sa mga tala ang mga naging epektibo niyang pamamaraan ng pagtuturo at mga bagay na kailangan pa niyang i-improve. Tapus, sa huling araw ng kanyang practice teaching ay iaabot ko sa kanya ang mga nalikom kong anekdota (na parang naka mini-book); para kahit paano ay makakapag-reflect siya sa kanyang naging pang-araw-araw na performance at mababalikan niya ang ilang kwento na halimbawa ay nakakatawa o nakakainis noong araw na iyon.

                Pero, ang hirap! Kahit may student teacher na ako noon, naging busy pa rin ang buhay. Naging mas madalas na lang ang direktang pagtatala ko ng “positive” at “needs improvement” sa notebook (wala nang halong istorya); at sa umaga o pagkatapos ng mga klase ay verbal ko na lang na sinasabi sa kanya yung mahusay niyang nagawa at mga reminders para sa susunod na klase o pagtuturo niya. Sa tingin ko, natatandaan naman niya ang aking mga sinasabi o komento, dahil mas madalas naman na naia-apply niya agad ito sa klase.

                Nakagawa naman ako ng isa (at hindi pa ata solid na patungkol sa kanya, eh kasi sa advisory class ko ito naisulat);

*Ang pangalan ng mga mag-aaral ay pinalitan.


December 1, 2016
Grade 10 – Topaz; 8:00 – 9:00 AM

                Si Miggy lingon nang lingon dito sa akin sa likod ng klasrum; nag-aaral na daw siya, nagre-recite at may hawak pang libro. Palibhasa maganda ang kanilang student teacher, inspired ata lol. Pero aktibo naman talaga itong si Miggy sa klase, wag lang matatabi sa mga kadaldalan at kaharutan niya.

Sa lugar ko ngayon bilang observer, mahirap talagang magturo sa may 45 hanggang 50 mga bata sa isang klase. Mahirap na mapanatili ang atensyon nila mula umpisa hanggang dulo ng lesson. Naitanong ko tuloy sa sarili ko kung nagagawa ko ba yun kapag ako  ang nagtuturo; pag nasa harap ka minsan akala mo “oo”; pero iba  pag nandito ka na sa likod (ng klasrum).

Si Robby, pilosopo talagang bata. Kung hindi mo kilala ang ugali niya maiisip mong bastos ang batang ito; at minsan talaga umaabot ang pagka-pilosopo niya sa ganun.

Si Anggy, hindi makalabas, hindi napayagan na mag-CR, ihing-ihi na lol.

Laughtrip tong si Pinny! Tinanong siya ng ST kung saan located ang ovaries... sa “ lower abdomation” daw (dapat ay abdomen).


o-O-o


P.S.

                Nag-chat bigla yung dati kong student noong nasa private school pa ako, naging teacher na rin kasi siya. At ang mas nakaka-amaze ay yung student teacher ko last school year at siya ay mag- co-teacher naman ngayon sa isang private school! Napakaliit talaga ng mundo (o ng lugar namin hahaha).


Mga Komento

  1. Yung tinuturuan mo noon, nagtuturo na rin ngayon.. Shemai!! tumatanda na tayong lahat! Aykennat!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. yan din ang unang tanong ko sarili, "ganun na ba ako katanda?"
      ang sagot ko sa sarili, "parang di naman" :)

      Burahin
  2. Sinabi mo pa Cher Yccos pero ako pa rin ang wagi sa patandaan, ha,ha,ha. Anyway, highway, may message po ako sa iyo Cher Jep sa messenger.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento