Pauna Lang para Sa Oktubre :)

            Dahil sa tagal ng panahon na hindi na naman ako nakapagsusulat, medyo nahihirapan na ulit akong makapagsimula. Pero okay lang ganun talaga marahil. Eh di naman sa lahat ng oras ay magkakaroon ka ng panahon para gawin ang mga bagay na gusto mo. Inaamin ko na may mga pagkakataon na naipamumuhay ko yung buhay sa paraang kung paano ko siya nai-imagine. At oo, masarap sa pakiramdam, kahit pa di mo alam kung magpapatuloy ba yun hanggang kinabukasan o maghihintay ka na naman ulit ng panahon para maranasan mo iyon. Ang ipagpapasalamat mo na lang ay kahit paano, hindi man palagi, maaari rin pa lang matupad ang buhay na nasa isip mo…

            Nakakatuwang isipin na bawat tao ay gustong magkaroon ng marka o bakas na maaari nilang iwan dito sa mundong ibabaw. Na lahat ay may ganung klase ng struggle. Na alam mo at ramdam mo na kung nasaan ka ngayon ay hindi mo deserve kung meron ka lang ibang choice… yun nga lang hindi lahat ng mapipili mong choice ay dapat o agad-agad na mangyayari… minsan o madalas, kailangan mong maghintay muna. Tulad ko, naghahanap ako ng ibang trabaho bukod sa pagiging guro, yung tipong bukas sana o sa makalawa ay nais ko nang palitan ang aking trabaho pero di ko magawa kasi nga di ko naman pwedeng iwan bigla ang mga estudyante ko at di rin naman pwedeng magpabaya kahit ayaw mo na dahil sila naman ang magsa-suffer kung gagawin mo yun. Kaya nga kahit aandap-andap na ang apoy, pagtyagaan na lang muna sa ngayon. Ayoko rin naman wakasan ng ganun ganun lang ang career na ito. Kapag naiisip ko na baka ito na ang huling pagkakataon na makapagtuturo ako, saka naman parang nadadagdagan yung desire mo na ‘sige pa, baka may topak ka lang’ lols. Kung magkaganun nga baka sa iba naman ako pumunta.

            Napakadami mong pwedeng gawin sa buhay na to. Yun nga lang kung di ka naman kikilos para gawin yun, wala rin, parang hanggang ‘window shopping’ lang ang ginagawa mo. Tingin lang ng tingin pero wala namang nakukuha. (mag-shop lift na lang kaya? Lols)

            Dati naniniwala ako na dapat may magpakitang isang kakaibang tao para maimpluwensayahan ang mga tinatawag nating common people- ito yung mga tao na laging nasa mainstream ideology ng society. Yung mga kakaiba naman ay yung mga taong nasa kabilang direksyon ng mainstream current, lumilihis sa daloy ika nga. Pero, hindi pala ganun… dapat ikaw mismo sa sarili mo ang gumawa ng pagbabago sa mundong ginagalawan mo. Sabi nga ni Paulo Coelho, ang mundong ito ay magbabago sa pamamagitan ng iyong mga example, hindi dahil sa mga opinyong pinuputak ng mga nagsasabing sila’y kakaiba, na magddulot sila ng pagbabago, na hindi sila tulad ng marami. Shut up! Hehe. Paniniwalaan ko lang sila kapag may nagawa na sila ayon sa kanilang mga paniniwala, prinsipyo at pilosopiya. Hangga’t wala pa, ang mga salita’y mananatili lamang na mga salita.

            Kaya nga nakakainis ng todo-todo ang mga pulitiko sa ngayon. Sa kanilang mga commercial lalo na nung campaign period akala mo ang titino at walang bahid dungis ng pulitika, yun pala mga nakakasuka! Puro corrupt din pala… Yung kapag nakita mo sila sa daan, sana pwede mo nang bangasan nang walang humpay ang mga mukha nila haha. Akalain mo yun, ang hirap kumita ng pera sa ngayon at maraming naghihirap tapus sila nagpapasasa sa ating mga pinagsama-samang buwis na dapat sana ay ginagamit nang matiino sa pagpapaunlad ng ating bansa… Pero dahil mga baboy sila, ayun nilamon ng mga gahaman ang salapi ng bayan.

            Parang ang korni at ang sakit sa tenga kapag nakikipatol ka pa sa mga isyung alam mo namang ang tagal tagal as in patay ka na ata ay di pa rin malulutas lols… tulad ng korupsyon na yan at mga pulitikong puro porma. Kung totoo lang sana ang magic at sumpa, how I wish bigla na lang sana silang mag- vanish! Hehe. As in, now na…


            Sana, araw-araw ay maaraw.

Mga Komento

  1. hay talking about struggles.... naiintindihan kita dyan Sir.. sa ngayon ang lahat ng ginagawa ko parang laging may dreaded YES or NO button... na pag nag kamali ka ng pindot eh parang tapos na ang buhay mo... lolz. joke lang. Pero nakakarelate ako sa sitwasyon mo...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. at sana naman maging madalas na tama ang ating mga ginagawa at desisyon :) gudlak sa mga struggles natin :)

      Burahin
  2. Ay! wala na yung pic mo? :(

    Sorry walang konek sa post :p

    TumugonBurahin
  3. pero looking at the good side naman, umuunlad naman ang ating bansa slowly but surely. yun nga lang sagana pa rin sa maling bisyo at korupsyon ang karamihan sa mga nasa gobyerno.

    pero sa kabila noon, ayos sa olrayt pa rin yang propeson mo dahil ikaw ang bida sa mga batang natuturuan mo.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sana nga magtuloy-tuloy na ang pag-unlad na yan, hindi lang sa imahinasyon at salita :)

      mahirap din pong maging bida... kasi may mga kontrabida din :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento