Kwentong Key Chains

           Isa lang naman ang susi ng locker ko sa school pero sampung key chains ang nakasabit dito hehe. Nakahiligan ko kasi ang pangungulekta ng ‘key chains’. Halimbawa, kung makapunta man ako sa isang lugar, ang hinahanap ko kaagad ay kung saan makabibili ng key chain para remembrance na rin o souvenir na bukod sa mga larawan, ang mga key chains ang nagpapaalala sa akin tungkol sa lugar na yun. Okay lang din kung minsan ay bigay ng mga kamag-anak o kaibigan, yung kahit di pa ako nakapunta kung saan man nagmula ang key chain na ibinigay nila ay okay na rin kasi baka sa hinaharap ay marating ko rin yun.

            Lahat ng nakolekta kong key chains ay inilagay ko sa isang lalagyan. Ni hindi ko nga sila binalak na gamitin para wag maluma o masira, pero nung binagyo yung bahay namin, nung Ondoy pa ata yun, ayun nabulok sa pagkababad sa baha ang lahat ng mga key chains ko, na karaniwan ay gawa pa naman sa kahoy. Mula nun ay itinigil ko na ang pangongolekta ng key chains, nanghinayang kasi ako.

            Kaya sa tuwing may nagbibigay sa akin ng key chain ay isinasabit ko na sa susi ng locker ko. Narito sila hehe:


01. Yung maliit na rosary ay ibinigay sa akin ni Ma’am T.S.A. noong birthday ko. Feeling ko safe ang locker ko dahil sa rosaryong ito. (kahit wala namang kayamanan sa locker ko kundi mga papel at libro)

02. Ang bangkang key chain naman ay bigay ni Ma’am C.A.A. Pasalubong niya yan sa amin nung nag-swimming sila sa Subic.

03. Ang JEFF na key chain ay bigay ng isang estudyante bilang pasasalamat niya sa lahat ng mga guro. Siya ang valedictorian ng kanilang batch. Nakakatuwa lang dahil di ko naman siya naging estudyante pero lahat kami ay binigyan niya ng key chain na may mga pangalan namin.

04. Yung Singapore key chain naman ay bigay ni Ma’am V.O. Minsan naghahalungkat siya sa locker niya tapus nakita niya ang mga key chains na ito, ayun mapalad akong nabahagian haha. Di ko lang alam kung galing nga ba talaga sa Singapore ang key chain na ito lols. Nanggaling man o hindi, ‘it’s-not-a-big-deal’.

05. Pero itong elephant na key chain ay galing talagang Thailand na bigay ni Sir D.G. nung siya ay naglamyerda doon.

06. Ang Pagudpod key chain ay binili ko lang nung mapadpad ako sa lupain ng Ilocos. Pampasalubong lang talaga ang bibilhin ko nun, pero di ko napigilan na bumili ng isa para sa sarili ko lols.

07. Si Bonie ay bigay ni Ma’am D.A. bilang nakunsensya siya nung minsan ay nabagsak niya ang heavy weapon kong key chains at nabiyak sa dalawa ang Pagudpod key chain ko. Dahil di siya nakuntento sa pagra-rugby ng key chain ko na yun, ayun ibinahagi na niya sa akin si Bonie na napigtas na ang isang paa dahil di na niya kinaya ang pakikipagbanggaan niya sa iba pang mga kasaping key chains hehe.

08. Di ko na talaga matandaan kung sino ang nagbigay sa akin ng sapatos na key chain na yan, nalilito ako kung sino haha. Oh baka magtampo.

09. Ang ‘God will watch over your life’ ay bigay naman ni Sir E.N. nakalimutan ko na rin kung anung meron at namigay siya ng mga key chains na may quotes.

10. At ang panghuli, ay ang nag-iisang survivor ko na Jeff key chain na nabili ko pa sa Pandayan nung college pa ako haha! So mga 7 years na yan sa akin, kaya kita naman na dugyutin na di ba hehe.

            At kapag pinagsama-sama sila, heto ang kalalabasan:

(Hanapin ang nag-iisang susi…)

            Dati, kapag pinagmamasdan ko ang koleksyon  ko ng mga key chains, palibhasa’y binili ko lang kung saan man ako mapadpad, tanging mga alaala ng lugar na iyon ang aking nababalikan. Ngayon, kapag kinukuha ko aking susi kakabit ng mga ibinigay na key chains sa akin, pakiramdam ko di ako nag-iisa. Dahil minsan, sa punto ng aking buhay ay nakasama ko rin sila… (makapag-drama lang lols)
            Ikaw, anung kwentong key chain mo? (parang rebisco lang ulit)

Mga Komento

  1. naalala ko tuloy yung movie na four sisters and a wedding jan sa last line mo...hehehe
    anyway, collector din ako ng keychains.. but since i moved to this new house of mine, yung iba hindi ko na makita.. dati, sa workstation ko, nakamount ang mga keychains.. ngayon, i had them mounted in a corkboard--sa aking dreamboard--- kasama nga ibang anik-anik na papel, pictures, letters and reminders.. sobrang konti na lang nila ;(

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. gusto ko rin yang dreamboard, matagal ko nang balak yan kaso wala ako mapaglagyan haha :)

      Burahin
  2. Quite cool! I always love to collect souvenirs and kept it in special places..Consider ko rin itong mga alaala sa lugar nga napuntahan ko at sa mga taong nagbigay sa akin...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. masarap din talagang mangolekta ng mga bagay lalo na kung bigay sayo, nagiging memorable :)

      Burahin
  3. I also collect things when I travel pero karamihan ng keychains bigay din lang sa akin. I had three glass cabinets just to display them pero sa ngayon, nakakahon na silang lahat which is another story. Mas maganda talaga yung may istorya behind something given to you. Ngayon alam ko na ang gusto mo, may pasalubong ka na sa akin this January, ha,ha,ha.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. bakit nakakahon na lang sila ngayon sir? (gustong malaman ang story hehe)

      aabangan ko po yang pasalubong niyo, sana di ko mahulaan :)

      Burahin
  4. Alam ko na ibibigay ko sayo ser! Key chain! Para madagdagan yang collection mo!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento