Hopia!

Hindi naman halata na sa larawan pa lang ay isa na ako sa mga ‘die-hard-fan’ ng hopia haha. Kaya nga kung mabubuhay lang sa totoong mundo si Doraemon, magkakasundo kami!

            At isa nga sa mga ‘peyborit’ kong hopia ay ang murang-mura lang at ‘afford’ ng lahat na ‘Baker’s Fair Specialty Hopia’ (ube at mongo, mapa-dice or round pa yan), Php 100 lang per box! Mainit-init pa kung bibilhin, so freshly made talaga. Hindi naman ako binayaran ng Baker’s Fair dito, pero kung mabasa man nila ito, pwede na ang ‘one year supply’ ng hopia lols.

            So, temang kababawan lang naman ang post na ito na patungkol lang sa ating mga minamahal na ‘comfort food’, yung tipong kapag sobrang pinagkait na ng kapalaran ang kaligayahan ay ikakain mo na lang ito ‘to the patay-gutom level’ haha.

Kwentong ‘comfort food’…

1. Kapag badtrip, tatlong pagkain lang ang binibili ko- root beer, potato chips at syempre pa ang hopia! Yang tatlo ang masarap at masayang combi!

2. Meron pa akong isang brand ng hopia na binibili (bukod sa Tipas Hopia, ayan ah promotion na naman), nakalimutan ko yung pangalan, basta 5 pirasong siksik na hopiang mongo yun (meron ding hopiang baboy). Kapag yun ang binibili ko, I challenge myself na ubusin yung 5 na yun, pero hanggang tatlo lang talaga, kasi nakakabusog na. One time, pinilit kong maubos yung lima, ang ending masuka-suka na ako at nakakabundat ng tiyan hahaha.

3. Yung tipong, kahit malayo ang bilihan ng Baker’s Fair Specialty Hopia (todo promote na yan ah), magbibyahe pa rin ako after school makabili lang. (at todo effort pa yan ah, baka dedmahin pa rin ako ng Baker’s Fair lols).

4. Dati ayoko ng hopia mongo ng Baker’s Fair kasi kapag mainit pa, parang lasang ‘cerelac’ - yung pagkain ng mga baby haha, pero masarap pa din! (kaunting kabig, baka di ako mabigyan ng ‘one year supply’)

5. At para sumakto hanggang panlimang bilang, masarap din ang hopia ka-partner ng mainit na kape o tsaa lalo na kung tag-ulan. Nakakaginhawa talaga sa pakiramdam, yung feeling mo may ‘tea ceremony’ sa bahay haha.

The End. Sa mga may-konek sa Baker’s Fair baka magkalimutan, ano po? Haha. Ikaw, anong kwentong Baker’s Fair mo? (parang Rebisco lang lols)

Mga Komento

  1. paborito ang egg pie ng baker's fair... :D

    comfort food ko ang cerelac, siomai at tipas hopia napalitan ng pastel pero bumalik ako sa hopia. pagtrip kong mag-emote, gusto ko ng isang bag ng butong-pakwan, yung tipong hahapdi na ang labi ko saka lang ako titigil kakangata...hahaha....

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. gusto ko rin ng egg pie, wag lang sobrang tamis :)
      grabe ka naman mam sa butong pakwan, di ko kaya yun hehe,

      Burahin
  2. masarap nga sa hopia ang mainit-init at bagong luto.... Gusto ko yung hopiang baboy, matamis-tamis :D

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento