“NANDITO AKO”
(Lyrics
by: Paolo Villaluna / Music by: Pike Ramirez / Sung by: Veena Ramirez)
Sana may kasama ako sa paggising
May kasalo sa pagod ng araw ko
May kasama tuwing natatawa
Sabay sa sarap ng ligaya
Alam niya bang nandito ako’t kailangan
ko siya
Alam niya bang napakalungkot dito
Alam ba niya?
Di ko kayang isipin na ako’y nag-iisa
At hindi ko siya kasama
Sana may kasama ako sa pagtulog
Katabi kapag maginaw ang gabi
Kaagaw sa kumot ng kamang masikip
Sabay sa sarap ng ligaya
Paano na?
Paano siya?
Paano na ang gabi?
Paano’ng umaga niya?
Nag-iisa na siya
Walang katabi, walang kakampi
Paano na ngayon?
Paano siya ngayon?
Alam niya bang nandito ako’t kailangan
ko siya
Alam niya bang napakalungkot dito
Alam ba niya?
Di ko kayang isipin na ako’y nag-iisa
At hindi ko siya kasama…
x-o-x-o-x
1. May bago na akong
pampatulog / pampakalma na kanta, ito ay ang “Nandito Ako” mula sa indie
film na “Selda”. Pinalitan ko na
ang kanta ng The Smiths na “Sing Me to Sleep” hehe. Kumbaga, gasgas
na sa aking tenga ang tugtog na yun, saka di na siya nakakaantok, medyo
nakakatakot na ang “Sing Me to Sleep”
dahil baka di na nga ako tuluyang magising lols.
2. Sa mga hindi pa nakakapanuod
ng “Selda”, madali lamang itong
hanapin sa YouTube. Rated SPG para sa mga bata (o nag-iisip bata) na manunuod. Gayundin
naman, mahahanap din ang kantang “Nandito
Ako” sa nasabing website para sa
mga gusto itong marinig (kaysa abangan pa
habang nanunuod ng pelikula). At hindi naman halatang todo promote ako sa bago kong natipuhang
kanta. Di naman di ba?
3. Marami pang iba
akong napakinggan na mga soundtrack
ng pelikula na hindi madaling hanapin (o
sadyang kulang pa ang aking skills sa pag-google lols) tulad ng mga
sumusunod: (sana pag nahanap niyo, bigay
niyo naman sa akin, thanks! hehe):
“But I Do” (Written and Performed by Roxanne Hale)
“What I Want” (Written and Performed by Roxanne Hale)
for mem mas magaganda ang mga kanta gamit sa mga series, movies and the likes... and yung mga kanta ng mga indie bands... bat ba hindi na lang sila ang sumisikat? hehehe..
TumugonBurahinas for the googling skills, kaya mo yan! hahaha.. mahirap maging dependent sa google, pero, aminado akong ako ay isnag alipin nito... *laslas-pulso
SPG yung movie, bawal sakin yun! charot lang! hahaha
tama ka mam yccos, mas magaganda nga yung mga music ng ilang mga movies,
Burahingusto ko talagang mahanap ang mga yun.
at medyo spg nga ang movie na selda hehe :)