26. hella cute questions (?)


10:17 PM 1/29/2018

*Nabagot ako habang nagpi-print ng certificates ng mga bagets; ang slow motion kasi ng printer ko eh. Nakita ko mula sa Twitter ang mga "hella cute questions” (?) kaya sinagutan ko muna habang naghihintay.

1. Who's the last person you held hands with?
Myself.

2. Are you outgoing or shy?
Shy.

3. Who are you looking forward to see?
Yung pamangkin kong si Avram, kasi ang kulit nya at sarap asarin hahaha.

4. Are you easy to get along with?
Yes! (without reservations unlike Alma…)

5. If you were drunk, who will be the person you like to take care of you?
My mudra. (Pero di naman ako umiinom, as in sobrang dalang).

6. What kind of people are you attracted to?
Yung mga creative na tao; yung may passion sa buhay; yung may sariling galaw sa mundo (hindi yung may sariling mundo, char).

7. Do you think you'll be in a relationship two months from now?
NO! Hahaha. 2 months from now ay March. Gawaan ng grades, forms, reading of forms, preparation sa Moving Up, may portfolio at kung anu-ano pang submission tuwing magtatapos ang school year. Saan lulugar ang love life? Saan? Wala na nga. Wala…

…pero sana akala ko lang wala, kasi sana MERON, MERON, MERON!

8. Who's on your mind?
Sa mga oras na ito, wala. Ang mas nasa isip ko ay yung mga task ngayong gabi na dapat kong matapos 10:34 PM 1/29/2018

9. Does talking about sex make you uncomfortable?
No. (O kaya ay depende sa kausap).

10. Who was the last person you had a deep conversation with?
God.

11. What does the most recent text that you sent say?

gudpm po. maaari po b kaung mgpunta s polo nhs bukas 6am-7am rm 402A para po malaman ang updates sa grades po ni ***. salamat po, sir buendia po e2, adviser nya GRADE 10 JASPER
(Sent: 01-28-2018 07:44PM)

12. What are your 5 favorite songs right now?
Hindi naman sa favorite. Sakto lang na nagpapatugtog din ako ngayon at ang nasa playlist ay  -
(1) Holocene ni Bon Iver, acoustic cover;
(2) Use Somebody ng Kings of Leon;
(3) Sex on Fire ng Kings of Leon;
(4) Meaningful Silence ng The Ridleys; at
(5) Numb ni David Archuleta.

13. Do you like it when people play with your hair?
Opkors nat!

14. Do you believe in luck and miracles?
Yes.

15. What good thing happened this summer?
Last summer, nakapagpa-tattoo ako sa Buscalan!

16.  Would you kiss the last person you kissed again?
11:01 PM 1/29/2018 – ang gara pa rin ng printer ko as of this moment, pupugak-pugak ang pag-print, so anong oras ako matatapos nito?

17. Do you think there is life on other planets?
I hope so! At saka curious ako kung mahilig din ba sila mag-videoke (or any equivalent activity nito sa kanilang planeta) tulad ng mga kapitbahay namin.

18. Do you still talk to your first crush?
Pang slum book naman ang datingan ng tanong na ito. Ayoko nga sagutin, ang korni hehehe.

19. Do you bubble baths?
Applicable lang ba ito sa may mga bath tub? Wala kasi kaming bath tub eh. Pero, kung ang pagbula ng sabon na gamit ko ay bubble bath na, OO. At saka ang sarap din kaya maghilod!

20. Do you like your neighbors?
Very much! Hahaha. Sila ang nagturo sa akin to stay focus sa ginagawa ko kahit na nanggagalaiti ang mga lalamunan nila sa videoke!

21. What are your bad habits?
Are?... so hindi pwedeng isa? Grabe, nakakahiya. Mmm, procrastination. Anu pa ba? As in napaisip ako hahaha. Siguro dati madalas akong ma-late (lalo na nung student pa ako), pero hindi na ngayon, as in I have changed na.

11:11 PM 1/29/2018 yes! 4 pages na lang, matatapos na..

22. Where would you like to travel?
Thailand. China. Japan. Korea. Europe. Buong Pilipinas. Last stop yung Batanes, kasi dun ako na ako maninirahan.

23. Do you have trust issues?
Ang ibig bang sabihin nito ay kung madali o hindi ako madaling magtiwala sa iba? I believe, nararamdaman at nalalaman naman natin kung sino ang mga mapagkakatiwalaan sa paligid, and I thank you!

11:19 PM 1/29/2018 3 pages na lang, sa bagal ng printer ko, uumagahin pa ata ako…

24. Favorite part of your daily routine?
Yung stretching sa umaga. o kaya pag may chance, yung biking!

25. What part of your body are you most uncomfortable with?
Wala naman. Di rin naman perpekto yung katawan ko, pero siguro as you age, na-aaccept mo na lang ang iyong mga imperfections. Kung meron man (meron naman pala kung anu-ano pa sinasabi hahaha, eh kasi now ko lang naisip) yung receding hair line! Bakit ganun???

26. What do you do when you wake up?
I open my eyes??? yun nga, stretching bago maligo.

27. Do you wish your skin was lighter or darker?
Kahit alin sa dalawa. Kasi ang wish ko talaga ay kuminis! Hahaha!

28. Who are you most comfortable around?
Bukod sa family, syempre mga kaibigan.

29. Have any of your ex's told you they regret breaking up?
Sana magkaroon muna ako ng ex para masagot ko yan.

30. Is your hair long enough for a ponytail?
No. (Bakit feeling ko sarcastic ang tanong na ito, at ito pa talaga ang huli? Very finale!)

11:28 PM 1/29/2018 Last page na! at sakto natapus ko ang 30 questions, akala ko may matitira. Ang husay talaga ng printer ko.




Mga Komento

  1. Ang winner! Gusto ko rin sagutin! HAHAHA. Pag may time na ko ng slight.. Busy pa now eh.. :/

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ay.. change topic sya sa question 16. Booooo! HAHAHA

      Burahin
    2. Truliii hindi masyadong obvious yung change topic sa 16 ahahahahahah

      Burahin
    3. dahil ang Q#16 ay para lang sa mga sweet 16 hahaha
      sinagot ko naman ah :)

      Burahin
  2. I enjoyed reading this, Jep.

    It warms my heart sa sagot mo sa no.5. Bilang nanay, I feel happy na my kids calls my name every time they are sick or they have a problem, and they need an ear to listen or a shoulder to cry.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat po!
      wala na kasing da best pa sa pag-aalaga ng mga nanay :)

      Burahin
  3. Hindi ko na nagawa yung isang questionnaire. Procrastination kasi. Bow. Anyway, kudos to listening to Kings of Leon. Grabe, kapag pinapakinggan ko boses ng lead singer nila at yung song ng Use Somebody at Sex on Fire, parang nakikipag wild sex lang ako sa boses niya. Hahaha! Grabe talaga that's why I love that band.

    Sabihin mo sa mga kapitbahay mo naghahanap ang NASA ng volunteer na ipapadala sa Mars. Madalas daw ang videoke ng mga Martians dun.... Hehehe!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kung olympic sport nga lang ang videoke, may first gold na tayo hahaha :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento