ART PROTIS | Federico Aguilar Alcuaz



            07 April 2018. Pumunta kami ni Clang sa Recto para bumili ng mga gintong medalya na ibibigay sa mga bagets; bale bumili kami ng tig-25 na piraso. Mabilis lang kami nakabili dahil halos wala na rin namang pagpipilian pa, pero bongga na rin yung nakuha namin.

Syempre, ininstagram ko muna ang medalya ng mga bagets bago ko ito ipinamahagi sa kanila :)

            Sinabi ko kay Clang na after namin bumili ay dadaan pa ako sa SM Manila kasi na-miss na ng mga kamay ko na salatin ang mga maaalikabok ng libro sa BookSale charot, at pupunta rin ako sa National Museum dahil target kong makita doon yung mural na gawa ni Carlos “Botong” Francisco na naka-exhibit sa Old Senate Session Hall ng National Museum of Fine Arts, at saka para maglibang na rin. Sa madaling sabi, sumama si Clang (yun lang talaga ang gusto kong puntuhin, pero syempre dapat maraming paligoy).

"Pagpupunyagi ng mga Pilipino sa Daloy ng Kasaysayan"  |  Carlos Francisco, 1968

            Bukod diyan ay namangha rin ako sa isang gallery na inilaan para sa Art Protis ni Federico Aguilar Alcuaz. Kakaiba ito para sa akin. Sa unang tingin, akala ko ito ay cross stitch o parang binurda, pero hindi eh. Ang sabi sa mga caption doon –

            …ang Art Protis ay isang unique na Czech art technique na-develop noong 1950s ng mga textile researchers na sila F. Pohl, V. Skala at J. Haluz ng State Wool Research Institute;
            …ang technique na ito ay ginagamitan ng warp-knitting machine (may pa-time space warp pala);
            …una itong ginamit sa paglalagay ng disenyo sa mga pambabaeng coats at top clothing;
            …at ang pamamaraan na ito ay inadapt ng mga textile artists para gumawa ng kanilang mga obra na Art Protis wall art.

            At isa nga sa mga ito ay si National Artist for Visual Arts na si Federico Aguilar Alcuaz (1932 – 2011) na kilala sa larangan ng Abstraction at Modernism; narito ang ilan sa kanyang mga likha:

 
"Show Window"  |  Federico Aguilar Alcuaz, 1980


"Reminiscencia No. 25"  |  Federico Aguilar Alcuaz, 1979


"Reminiscencia No. 14"  |  Federico Aguilar Alcuaz, 1979

"Reencuentro C"  |  Federico Aguilar Alcuaz, 1980

"Apatheosis"  at  "Metaphor"  |  Federico Aguilar Alcuaz, 1980


Mga Komento

  1. I really don't understand anything about contemporary art. O siguro kulang lang ako sa art education. It's nice that our national museums are free. Hindi katulad dito, may bayad. Affordable naman pero siyempre, art should be for everybody.

    Sad thing is a kahit libre hindi naman masyado pinagpapapansin ng mga pinoy sa atin.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ako rin Mr. T, di ko rin masyadong gets ang mga abstract na uri ng sining; pero nakakabilib talaga yung creativity at idea ng artist :)

      Para sa good news, lalo pang lumakas ang pagbisita ng madlang Pilipino sa National Museum, dahil bukod sa libre ito ay may bagong bukas pa na National Museum of Natural History :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento