anyway...



2018 06 30 (Sat, 8:47 PM)

            Na-miss ko na pumasok ng school tuwing sabado. Hindi kasi ako nag-enroll ngayong sem, eh kahit naman mag-enrol pa ako ay hindi na rin every Saturday ang pasok dahil natapos ko na ang mga kailangan kong subjects; in other words nahihirapan akong sabihin na nasa thesis writing na ako dahil ewan ko ba kung bakit wala ako masyadong motivation para doon; feeling ko tulad na rin ako ng marami na matapos makuha ang lahat ng units at makapasa ng compre ay heto na, stagnant na sa thesis writing…

            Anyway. Baka ang gusto ko lang talaga ay ang mag-aral. Yung malibang. Na pagkatapos ng isang linggo na ako yung nagtuturo gusto ko naman na kahit isang araw lang eh ako naman yung tuturuan, matututo at magkakaroon ng bagong kaalaman.

            Gusto ko na nga mag-enroll ng panibagong kurso, o kaya yung mga diploma courses na hindi nangangailangan na gumawa o magsulat ng thesis (meron bang ganun?). Gusto ko lang talaga mag-aral. Tapus maka-meet ng mga inspiring at masisipag na pipol para mahawaan nila ako at nang hindi naman ako nalulurkey dito sa sarili kong mundo. Napakawindang ng mga bagay-bagay sa buhay ko ngayon lol. Pangalawang anyway.

            Pangatlong anyway.



Mga Komento