2018 06 25



2018 06 25 (Mon, 9:29 PM)

            Bale, nasa baba ako ngayon sa sala, may inaabangan kasi akong palabas sa channel 11. Sakto na wala naman nanunuod, so makakapanuod ako (di ko nga lang maalala if anong oras, SONA pa lang ang palabas; patok sa balita ang pangulo dahil sa kanyang “stupid god issue”).

            Kaninang tanghali, yung section ko ang naka-assign para mag-present ng video habang nakapila ang panghapon at hinihintay na makalabas ng room ang mga pang-umaga. Medyo sayang ng kaunti dahil di masyadong makita ang video dahil may defect na yung projector, at lalong sayang yung paliwanag ng president at vice president ko dahil ang transition time ang isa sa maiingay na oras sa school. Proud pa rin naman ako kila students J and J, kahit kabado sila at may kodigo pa ng sasabihin, at least ginawa nila ang kanilang makakaya.

            Observation ko rin kanina sa klase para sa first quarter. Hmm, hindi ako contented. Idagdag pa, badtrip ako sa mga students na kahit may observer ay wapakels ang emote. Gusto ko silang tanungin ng naka-CAPS LOCK, naka-bold at naka-underline na BAKIT?...

…dahil di naman ganun ang klase na yun. Nanibago tuloy ako sa kanila. Kaya sa susunod na meeting ako naman; titiyakin kong sila naman ang maninibago. Mabuti na lang online si Neri kanina, at least may napagsabihan ako ng not-so-good-thing today. At inaliw ko na lang ang sarili ko sa mga fb post na may dalang good vibes!

            May pagbabago sa aking schedule.



Mga Komento