Megavitamins. Makaton. Urbana at Feliza.


                Isang 4” by 6” na green index card ang ginagamit kong pananda sa libro (bookmark) para sa kasalukuyan kong binabasa – Erick Slumbook. Medyo improving sa pakiramdam kapag nakikita kong unti-unting kumakapal ang mga pahinang nasasakop ng pananda… ibig sabihin nagbabasa pa ako – nang higit pa sa foreword at nang wala pang laktaw.

                Kung tutuusin, madali naman na tapusing basahin ang libro na yun… isa o dalawang araw lang. Talagang inaantok lang ako kung minsan (sa pagbabasa)… o medyo may ginagawa… o kaya ay nakakatamaran na lang hanggang sa nalimutan ko na.

                Sa ikalawang kabanata pa rin –

… (1) nabasa ko ang tungkol sa “megavitamins” na iniinom ng mga batang may autism. Parang narinig ko na ang tungkol dito dati, pero ngayon lang kasi ako nakabasa mula sa isang personal na karanasan o salaysay. Totoo pala.

Ang buong akala ko, ang mga may kondisyon na autism ay higit na nangangailangan ng training, therapy at/o special education kaysa mga gamot. Pero katuwang na rin pala ng kanilang pag-improve ang pag-inom ng mga ito.

Sa kaso ni Erick, ang vitamin B6 at magnesium ang nakatalang kanyang iniinom (sa aking pagkakatanda).

May ilang pag-aaral na nagsasabing ang large doses ng vitamin B6 ay nakakatulong para makontrol ang hyperactivity; ma-improve ang kakayahan sa pagkatuto; at mapalawig ang kanilang pokus o atensyon. Gayunpaman, may paglilinaw akong nabasa na ang epekto ng mga gamot na ito ay unique para sa isang batang may autism… nangangahulugan, na hindi dahil may mabuting epekto ito sa isa ay magiging applicable na rin ito sa lahat.

… (2) ang pangalawa ay tungkol sa “Makaton” signs. Ito ang ginagamit ng sped teacher ni Erick (na si Cecile) upang makapag-communicate sa kanya (bilang si Erick ay maaaring ikategorya sa mga batang may autism na nonverbal). Nagkaroon ako ng interes dito (pakiramdam ko tuloy ay mag-aaral na rin ako ng SpEd tulad ng ginawa ni Cecile upang maging personal na therapist ng kanya ring anak na may autism).

Sinasabing ang paggamit ng Makaton ay nakakatulong upang ang isang batang nonverbal ay ma-develop sa verbal na pakikipag-komunikasyon. Bukod sa mga signs and symbols, isinasabay na rin sa bawat gestures ang spoken words; upang unti-unti ay matutunan nila ang ibig sabihin ng bawat simbolo at ang katumbas nito sa verbal sa pamamagitan ng mga salita.

Si Fanny ay naging creative sa paggamit ng mga signs and symbols para mas mapadali itong maintindihan at makagawian ng kanyang anak. Naging malikhain din si teacher Cecile sa kanyang mga pamamaraan para maturuan si Erick.

Kung bakit nga pala Makaton; ito ay hinango sa mga unang letra ng pangalan ng tatlong speech at language therapists na proponent ng language programme na ito – Margaret Walker, Katharine Johnston at Tony Cornforth.

… (3) ang huli ay tungkol kina “Urbana at Feliza” (Pagsusulatan nang Dalawang Binibini na si Urbana at si Feliza) na isinulat ni Modesto de Castro. Hindi ako masyadong pamilyar sa akdang ito; sinasabing ito ay naglalaman ng palitan ng liham ng dalawang magkapatid. At sa akdang ito inihalintulad ni Fanny ang palitan nila ng sulat ni Cecile gamit ang Home School Log.

Nakaka-enganyong basahin ang palitan nila ng liham sa Home School Log upang ma-update ang isa’t isa sa kasalukuyang estado ni Erick sa paaralan pati na rin sa bahay; ang kanilang mga palitan ng kuro-kuro, suhestyon, komento at ideya.

Naisip ko… paano kung mayroon ding Home School Log sa regular na paaralan. Sa bilang ko, humigit kumulang 250 na mga high school students ang naha-handle ko sa loob ng isang school year… gustuhin ko man na ma-update at makipag-palitan ng ideya mula sa kanilang mga magulang, sa tingin ko ay sa ibang paraan na lang hahaha! Pagsulat nga lang ng LP, hirap na… paano pa kaya ang individual na Home School Log. Oo nga… ibang paraan na lang talaga. Call for parent na lang o kaya ay i-update na lang sila tuwing kuhaan ng card.


2016.05.08 (Sun, 10:28 AM)



Mga Komento

  1. Aba, marami akong natututunan sa mga posts mo. Ma google nga ang mga iyan at baka puwedeng magamit sa klase. Ang mga bata kasi ngayon, ibang iba from yesteryears. Lahat tuloy nabibigyan ng label, gamot kaagad kapag hindi ma ka concentrate. There are many reasons for such changes, and for sure times had changed teaching and how we should approach it.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. At napakarami na rin talagang umusbong na teaching methods... resources na lang talaga ang kulang para maging makatotohanan :)

      Burahin
  2. bukod sa vitamin C nagtatake na din ako ng Vitamin B complex. haizt ang hirap pag nagiging matured. lolz

    TumugonBurahin
  3. ang megavitamins ba at multivitamins ay iisa?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sa pagkakaintindi ko, kapag 'megavitamins' mas mataas sa normal na dosage o amount ang nandoon para sa isang vitamin, pero kapag 'multivitamins' ibig sabihin nagtataglay ng higit pa sa isang vitamins sa normal na amount...

      ...o kaya baka may iba pang paliwanag si google lols :) napaisip ako ah :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento