Erick Slumbook – ang librong nadampot kong basahin
para sa buwan ng Mayo. Natapos ko nang basahin ang pambungad na parte. Parang
dejavu lang. Foreword lang din ang nabasa ko sa huling librong tinangka kong
basahin hahaha. Pero may feeling akong matatapos ko ito, kasi interesting sya
at higit sa lahat tagalog.
First time kong magkaroon ng otomycosis (isang fungal
infection sa tenga). Uso daw ito kapag summer, lalo na sa mahilig mag-swimming
na nalalagyan ng tubig ang tenga na nagiging suitable breeding area para sa mga
pasaway na fungus, o kaya naman ay sa mga mahilig magkalikot ng tenga (tulad
ko). Duda ko, kung hindi sa ilog (noong survival camp) ay noong swimming sa
dagat ko ito nakuha. Sana naman bukas pagbalik ko sa clinic ay matanggal na
sya. Ang hirap pag di masyadong makarinig ang isang tenga, di ko alam kung
mahina o malakas na ba ang pakikipag-usap ko sa iba. Kaya ear drops ang peg ng
buhay, hoping mapatay ang mga fungi.
Ang daling sabihin na mag-aayos na ako ng mga kalat
sa kwarto… pero bigo pa rin ako. Lol.
***Ika-02
ng Mayo, 2016 (Lunes, 8:40 ng gabi)
lolz ako din yung libro na sinimulan ko basahin ng december hanggang ngayon din ko pa tapos basahin. Saklap!
TumugonBurahinOkay lang yan, at least na-accomplish mo na ang second degree burn mo lols :) Congrats again! We're proud of you :)
Burahinnyahahaha. Salamat Sir Jep.
BurahinNaalala ko yung forward only na nabasa mo before. May bago ka na namn pala, pero sabi mo nga in Filipino so matatapos mo yan.
TumugonBurahinAt otomycosis, may narinig na ako g ear infection right after swimming pero hindi ko alam ang name, baka ito na ito. Siya, akala mo siguro bumubulong ka pero sumisigaw ka na pala. Take care!
Baligtad nga sir Jo eh, akala ko ang lakas na ng boses ko yun pala halos pabulong lang sa kausap ko :)
BurahinAng mahal pa naman ng ear drops. Pahirap!! Yung Erick Slumbook parang may nakitaan ako ng student ko before na meron nyan.
TumugonBurahinSinabi mo pa... Interesting ang libro, tungkol sa kwento ng isang ina sa kanyang anak na may autism, at sana mabasa ko sya ng buo :)
Burahin