pagsusuri sa pagkakatulad ng mga weblog authors (mga naitalang ideya mula sa binasang journal)...


Mga naitalang ideya habang binabasa ang Content-Based Similarity Measures of Weblog Authors* nila Christopher Wienberg, Melissa Roemmele, at Andrew S. Gordon (2013):

Sinasabi na ang karakter ng isang indibidwal ay maaaring makita o malaman sa pamamagitan ng kanyang sulat-kamay (handwriting). Sa ganitong analohiya ikinumpara nila C. Wienberg et al ang pangunahing pokus ng kanilang pananaliksik – ito ay ang malaman ang pagkakatulad ng mga weblog authors batay sa kanilang mga naisulat. (Halimbawa, pagkakatulad batay sa kanilang demograpiko, kultura, relihiyon, at iba pa).

Sa pag-aaral na ito, aalamin ang pagkakapareha ng mga weblog authors batay sa resulta ng automatic text analysis at human judgment ng mga mambabasa.

Ang paggamit ng automatic text analysis ay maaaring makatulong halimbawa sa pagtukoy kung sino ang nagsulat ng isang partikular na akda. Ito ay batay sa ideya na ang bawat manunulat ay nag-iiwan ng sarili niyang stylistic footprint sa kanyang mga akda.

(At bigla na lang humirap ang content ng journal… nakakalunod na hahaha.)

Para sa ilang naitalang resulta ng pag-aaral –

…unexpected para sa mga mananaliksik nang kanilang malaman na statistically ay may significant correlation ang judgment ng mga mambabasa para sa kategorya ng values. Ibig sabihin nagkakatugma ang resulta ng pagkukumpara ng similarity ng mga sinuring teksto/akda ng mga weblog authors. Ito ay sa kabila na ang values ay maaaring ituring na mas abstract kumpara sa iba pang kategorya, halimbawa ay cultural, political at personality.

…sa automatic text analysis, sa pamamagitan ng personal pronoun count (na isa lamang sa method na kanilang ginamit) ay maaring masuri ang gender, age at/o mental state na pagkakatulad ng mga weblog authors batay sa mga pronouns na kanilang ginamit. Ngunit lumalabas na hindi ito sapat upang matukoy ang pagkakapareha ng mga weblog authors.



 *Kung nais mabasa ang kabuuan ng research journal, narito ang link.


Mga Komento