"...nakadalawang chapter na ako,"


                Ngayon ko lang na-encounter ang terminong Lamaze – na nabasa ko sa Erick Slumbook (na sa tagpong ito ay nakadalawang chapter na ako, nalampasan ko na ang paborito kong part… ang pambungad o foreword lols).

                Lamaze is a method of preparing women to give birth to children without the use of drugs – ito ay ayon sa Merriam-Webster. Na hindi ko agad malalaman dahil sa hindi naman masasagi sa aking isip ang panganganak at di ko rin naman uusisain pa dahil di ko naman ito mararanasan hahaha.

                Ang may akda ng kasalukuyang libro na aking binabasa ay si Fanny A. Garcia – isang ina at isang manunulat. Sa kanyang akda kung saan sa kanila mismo umiikot ang takbo ng kuwento – siya bilang isang ina, iba pang mga miyembro ng pamilya at lalo na sa kanyang anak na si Erick (na sa paglaon ay unti-unti na nyang natutuklasan na may kondisyon na autism).

                Sa ikalawang kabanata ay matutunghayan ang struggle ng isang ina sa pagtanggap sa kondisyon ng kanyang anak – kung paanong sa simula ay nagiging mahirap para sa kanya na komprontahin ang bagay na ito hanggang sa prosesong unti-unti (sa tulong ng mga kakilala at resulta ng ilang pangyayari) ay nagkakaroon siya ng tamang kaisipan / pagtanggap / pag-usisa sa kondisyon ni Erick.


2016.05.05 (Thu, 7:20 AM)



Mga Komento

  1. Mahirap magturo ng isang batang may autism, lalo na kung marami pang complications. I did, once in my teaching career, severe autism, kakaiyak. Paano pa kaya ang isang ina, o pamilya na may autistic na anak?

    Sige, i book report mo every chapter para hindi ko na basahin, yung gist mo na lang,

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Kailangan talaga ay naiintindihan nang lubos ang kondisyon ng mga espesyal na bata, mahirap talaga, dahil mas ma-effort para sa kanila. At least nasubukan mo :)

      Sana nga mai-book report ko kada kabanata... kapag hindi, alam na hahaha :)

      Burahin
  2. nung na encounter ko ang work na yan nung highschool sa Physical Education iba naisip ko. Buti na lang naexplain ng mabuti ng teacher ko.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento