"...pero sige, nag-polo ka pa rin."


                Akala mo kasi napaka-appropriate nang maisipan mong mag-polo para sa birthday party (ng isang bata). Nag-worry ka naman na mainit isuot iyon… pero sige, nag-polo ka pa rin.

                Mahaba ang byahe… at inakala mo na magiging okay lang ang buhay sa MRT… ngunit naging malupit ito sayo – nasiksik ka, nadikdik, nanlagkit sa init. Tapus, paglabas mo ng ‘hell train’ pawis na pawis ka na, parang bagong hango sa labada ang itsura.

                Nagmadali kayo… naglakad at naghanap ng mapagbibilhan mong pamalit na t-shirt. Sakto, napunta sa Prego. Naisip mo, hindi ba’t meron ding Freego? So, ano ito… ah imitasyon ng brand? mockery ng brand? kawalan ng orihinal sa pangalan? Pero dahil SALE, pinalampas mo na lamang iyon. (Palibhasa, di ka rin naman masyadong maalam sa mga brand ng damit, so dedma lang sa naisip mo).

                Humalukay sa dami ng t-shirt na mapagpipilian, pati tuloy ibang kasama mo nadamay na rin sa pagpili at pagbili. Nakakita ka ng kulay gray… tapus naisip ni Neri na lagi ka na lang naka-gray… ah oo nga, nag-agree ka pa, lagi ka nga pa lang naka gray.

                Yung gusto mo sanang magpalit ng kulay, pero mukhang di ka mapapayapa kapag ibang kulay ang susuotin mo. Nag-meditate ka at nag-consult sa iyong inner-self, hanggang sa mapagtanto mo na hindi ka lalabas sa mall na iyon na iba ang kulay na nabiling t-shirt. Dapat talaga gray!

                Laking ginhawa nung nakapagpalit ka na. Fresh na ulit ang feeling though haggard sa looks.

                Sa wakas, nakarating na kayo kung saan gaganapin ang birthday party (ni Marcus). Bigla ka na lang nanghinayang ka sa paper bag na pinaglagyan ng binili mong t-shirt. Sayang! Kaya para magkaroon sa sentimental value, nagpasulat ka ng mensahe (on-the-spot) sa apat mong mga kaibigan, tig-isa sa bawat kanto ng paper bag. At heto ang mga naging mensahe nila sa’yo –





                “To Jep, Kaloka ka!!! Dahil sa’yo napabili kami ng damit nang wala sa oras. Salamat!!!”
– mula kay Biso (Dranreb)


                “Sabi nga nila change is the only thing that doesn’t change. Nag eevolved ka na, isa ka nang tunay na Hokage!”                                                                                                  
 – mula kay Eldie


“Dati akala ko si Jep ay seryosong tao, yun pala pag bumanat may ‘saltik’ din… Palagi ayaw umuwi bakit nga ba ayaw umuwi ng maaga huh… At ang nakakaloka matagal pumili ng damit…hehehe.”
– mula kay Neri


“Hoy Jep, kahit dq alam ang mga pangyayari saksakan ka ng echosero! Stay hot!”
– mula kay Denise
(na hindi nasaksihan ang pangyayari dahil sila ang host ng b-day party)


                Mula noon, isa nang resolusyon, na hindi mo na ulit susuotin ang polo na iyon… lalo na kung mainit ang panahon. Pero ang gusto mo pa nga, wag na lang isuot yun forever! Lol.


2015.12.29



Mga Komento

  1. Sobrang magiging memorable ang grey shirt na yan, not only because of the situation but also because of its stories. May fan signing pa! Saan ka pa?

    I do like your friends, sobra silang understandable sa mga eccentricities mo, ha,ha,ha. No offense meant, that makes you unique! Have a great weekend!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Lahat naman kami may 'ganun' kaya give and take lang :)
      Kaya rin siguro kami magkakasama.

      Burahin
  2. Akala ko din imitation ng Freego... pero nameeen may Facebook page at Twitter hahaha

    Wrecking ball aura mo lagi paglabas ng MRT hahaha Yung umaga mo, mukha ka nag uwian pag labas mo. Been there done that hahaha At kung hindi mo na -experience 'to... well sorry hindi ka tao hahaha

    Yung tshirt na yan... mukha forever na yan sa 'yo. Hinding hindi mo yan pagpapalit kahit anu mangyari...


    Yung KonMari na book.. bwiset ako. May humiram, wala na atang plano ibalik...medyo pricey pa naman un. Yung sa book museum eto pala yun link
    https://www.facebook.com/BookMuseum/

    Punta tyo minsan, kapag naligaw kayo sa marikina :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Well, na-experience ko na hahaha.
      Haggard na nga yung pagkatao ko tapus haggard pa rin ang byahe, ano na lang ang natira sa akin :)

      Sasabihin ko nga sana sa comment ko na bibili sana ako nun, kaso nakita ko yung price, wag na lang lol. Anyway, nagawan mo naman ng review, so masaya na ako dun.

      Sana nga makabisita kami dyan sa Marikina (kung kelan man kami maligaw).

      Burahin

Mag-post ng isang Komento