Walang ibang tao. Kaming tatlo lang nila Eldie at Neri ang bisita ng museo. (2016.05.23) |
Neri, Ako at Eldie (2016.05.23) |
Ang nakaka-good vibes na painting (2016.05.23) |
Natawa kami dahil halos mag-camouflage na si Neri sa painting hehehe (2016.05.23) |
Wala naman akong lakad noong araw na yun. Kaya
sinamahan ko na lang sina Eldie at Neri sa pag-enroll ng kanilang e-card sa
GSIS. Napagkasunduan namin na pagkatapos ng pagproseso ng kanilang e-card ay
sasaglit kami sa Museo ng Sining (binalak rin namin na bisitahin ang National
Museum dahil libre ang entrance fee dito para sa buwan ng Mayo, pero di namin
nagawa dahil hapon na kami nakababa ng Central Station, sarado na).
Maraming magagandang paintings ang makikita ngayon sa
Museo ng Sining (GSIS). Gusto ko mang lagyan ng titulo at pangalan ng lumikha
ang mga nakunan kong larawan ay hindi ko magawa dahil nung pumunta kami doon ay
nasa pag-aayos pa rin ata ang mga staff (pero open naman ang museo sa mga
gustong bumisita). Sa katunayan, mga tags pa lang na may code (letra at numero)
ang nakalagay sa bawat likhang sining (painting at sculpture).
Na-enjoy namin ang paglilibot, dahil nung mga oras na
yun ay kami lang tatlo ang nasa loob ng museo! Di ko nga alam kung pamilyar ba
yung mga nakasabay naming nag-enroll ng e-card na may museo na maaari nilang
daanan bago umuwi (lalo na’t wala namang entrance fee) o baka wala lang talaga
silang oras para sumaglit.
Kung manggagaling ka ng Monumento (tulad namin),
sumakay lang ng LRT Monumento Station at bumaba sa Gil Puyat (Php 30.00 ang
pamasahe). Maglakad ng kaunti, hanapin ang mga orange na multicab na maghahatid
sayo mismo sa GSIS Main (Php 7.00 lang) at mai-enjoy mo na ang mga likhang
sining!
2016.05.23
Ganda ng museum. Bet ko yung pic ninyo with the smiling family. Gumagwapo ka yata, may reason? Kuwento naman. (Yours truly, gumagaya lungs)
TumugonBurahinIlilibre kita ng meryenda hahaha!
BurahinIkaw nga ang may dapat na ikwento... share it :)
Ang ganda ng museum! At yes.... hahaha.. kala ko talga ikaw yung nakita ko sa Baguio a weekend ago. LOLs.. Gusto ko yung paint ng old couple...
TumugonBurahinKami rin! Feel na feel namin tignan yung painting na yun.
BurahinDapat piniktyuran mo sya cher Kat, baka sya na yung nawalay kong kapatid :)
Hmmm dito galing ang bago mong profile pic noh?
TumugonBurahinYup! :)
Burahin