Dapat sana ay lunes ng gabi (May 02) ko pa nai-post ang dagli 08… pero kasi, bago
ko pa ma-click ang ‘publish’ bigla na lang nag-brownout. Kaya yun… nauwi na
lang sa paypay to da max.
Medyo napi-feel ko na ang bakasyon… ang tulalang
bakasyon! Pero, pabor pa rin naman, mas okay ang mas maraming muni-muni time.
Nasanay na rin ako sa panaka-nakang pagbalik sa skul (parang ulan lang). Minsan
nandun ako, minsan nandito lang. Pero dati ay hindi ko ito matanggap, dahil
nasanay ako na kapag bakasyon ay hindi ko muna makikita ang paaralan sa loob ng
2 buwan… pero kasi, iba na ngayon (nung nasa private school ko lang nakagawian
ang ganun). Naisip ko, pampabawas na rin ng tulala moments… at least productive
(feeling binobola ang sarili lols).
Natanggal na rin ang isang colony ng fungus sa tenga
ko hahaha. Parang may amplifier na ang kanan kong tenga, lahat na lang
naririnig. Masakit din ah, pero ngayon maginhawa na.
May isang kwento, ang sabe – ang isang artist gumugugol
ng maraming oras sa pagpa-practice para mas mapahusay ang kanyang gawang
sining. Kaya, halimbawa… nagpaguhit ka ng iyong mukha at saglit nya lang iyon
na nagawa, tapus siningil ka ng mahal. Ang sabe sa kwento, yung husay ng isang
artist para magawa nya yun sa sandaling oras lang ay dulot ng mahabang panahon
ng pagpapabuti ng kakayahan… at hindi mo yun mababayaran.
Ang kwento na iyon ang nai-relate ko sa experience ng
pagkakaroon ng otomycosis (fungal infection sa tenga) – ang pagpapa-check-up,
ang ear drops at ang pagbalik para sa pagpapatanggal. Sa dalawang beses kong
pagbalik sa clinic, laging mas mahaba pa talaga ang paghihintay kaysa sa
mismong encounter mo sa espesyalista, at kung gaano yun kabilis, ganuon din
kabilis mawawala ang pera sa iyong kamay. In short, gastos lang talaga ang
gusto kong puntuhin. Magastos ang magpagamot hahaha. Kaya… oo nga, health is
wealth talaga.
At colony talaga, at ang title ng post, nakaka-enganyo, ha,ha,ha.
TumugonBurahinTignan mo sa pagtuturo, ang tagal, isang taon natin gagawin tapos kakarampot pa rin ang suweldo, mag doktor na nga lang.
Kaya nga... sampung buwan kang mangungunsume sa humigit-kumulang 250 na mga bata, tapus ganun lang? Hustisya! Hahaha :)
Burahinif gastusin dahil sa gamot ang punto mo nakakarelate ako lolz
TumugonBurahinYup, sa gamot at check-up.
BurahinNakakadiri ang title pero nagclick pa rin ako. Hahaha. Whats wrong with me?
TumugonBurahinIt's not you, it's me lols :)
Burahin