Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ako at ang Aking Cross Stitch :)

         Noong isang araw (umaga) , habang nagliligpit ako ng kumot at unan, iniabot ng nanay ko ang project kong ito, nakita niya nung nag-ayos siya ng mga gamit namin. First year high school ko pa ‘to ginawa. At hindi ko malilimutan ang cross stitch project na ito dahil hindi ko yan tinulugan makaabot lang ako sa huling araw na ibinigay sa amin ni Ma’am Z. para makapagpasa.             Medyo napatingin ako ng sandali sa project kong ito (hindi dahil sa sobrang ganda o husay ng pagkakagawa) , na- amaze lang ako kasi naluma na pala siya haha . Sampung taon na ang nakalipas, nasa bahay pa pala namin ang cross stitch kong ito (parang ang tanda ko na lol) .             Dati kasi naka- frame pa yan, pero kita mo naman after 10 years , wala na yung frame , medyo madungis na at niluma na ng panahon ang sinulid at tela.     ...

Sembreak Notes

Ika-27 ng Oktubre, 2013 Linggo, 5:18 ng hapon             Unang araw ng sembreak . Hapon na pero wala pa rin akong plano kung paano ko uubusin ang isang linggo para naman maging makabuluhan ang sembreak ko, hindi yung lagi na lang akong ‘tulala’ at tulog. Marami naman akong naiisip gawin pero di ko masimulan. Sabi nga eh, ang pagsisimula ng isang gawain ang pinakamahirap lalo na kapag mas pinapaboran mo ang katamaran hehe .             Hindi naman ako makapanuod ng tv , dahil yung nag-iisa naming tv ay nasa kwarto ng ‘best enemy’ kong kapatid. Kaya radio lang at mga music sa cellphone ang napakikinggan ko sa maghapon, pati na rin pala yung ingay ng mga butihing kapitbahay lalo na ang kanilang ‘never-ending-concert’ sa kanilang videoke . Anyway , di naman talaga ako madalas manuod ng tv …             Bu...

Kwentong Key Chains

           Isa lang naman ang susi ng locker ko sa school pero sampung key chains ang nakasabit dito hehe. Nakahiligan ko kasi ang pangungulekta ng ‘ key chains ’. Halimbawa, kung makapunta man ako sa isang lugar, ang hinahanap ko kaagad ay kung saan makabibili ng key chain para remembrance na rin o souvenir na bukod sa mga larawan, ang mga key chains ang nagpapaalala sa akin tungkol sa lugar na yun. Okay lang din kung minsan ay bigay ng mga kamag-anak o kaibigan, yung kahit di pa ako nakapunta kung saan man nagmula ang key chain na ibinigay nila ay okay na rin kasi baka sa hinaharap ay marating ko rin yun.             Lahat ng nakolekta kong key chains ay inilagay ko sa isang lalagyan. Ni hindi ko nga sila binalak na gamitin para wag maluma o masira, pero nung binagyo yung bahay namin, nung Ondoy pa ata yun, ayun nabulok sa pagkababad sa baha ang lahat ng mga key chains ko, na karaniwa...

Hopia!

Hindi naman halata na sa larawan pa lang ay isa na ako sa mga ‘ die-hard-fan ’ ng hopia haha. Kaya nga kung mabubuhay lang sa totoong mundo si Doraemon, magkakasundo kami!             At isa nga sa mga ‘ peyborit ’ kong hopia ay ang murang-mura lang at ‘ afford ’ ng lahat na ‘ Baker’s Fair Specialty Hopia ’ ( ube at mongo, mapa-dice or round pa yan ), Php 100 lang per box! Mainit-init pa kung bibilhin, so freshly made talaga. Hindi naman ako binayaran ng Baker’s Fair dito, pero kung mabasa man nila ito, pwede na ang ‘ one year supply ’ ng hopia lols.             So, temang kababawan lang naman ang post na ito na patungkol lang sa ating mga minamahal na ‘ comfort food ’, yung tipong kapag sobrang pinagkait na ng kapalaran ang kaligayahan ay ikakain mo na lang ito ‘ to the patay-gutom level ’ haha. Kwentong ‘comfort food’… 1. Kapag badtrip, tatlong pagkain lang...