Ika-18
ng Enero, 2014
Sabado,
12:11 ng madaling araw
1. Masaya na ako
kapag naisasalba ako ng musika at pagsusulat (pati na rin ng mga random quotes na nababasa ko) mula sa mga harsh realities ng buhay. Mahirap din
kasing laging panatilihin ang sarili mo sa iisang mundo lang, minsan kailangan
mong ikubli ang sarili sa isang lugar na ikaw ang maylikha nang sa gayon mabawi
mo naman ang iyong lakas at mapanghawakan mong muli ang lahat ng katotohanang
iyong tinanggap at mga prinsipyong dumadaloy na sa iyong katawan.
2. Napakahirap
magdesisyon kapag napakadami mong iniisip. Minsan itutulog mo na lang o
ilalamon ng marami haha (lamon talaga?).
3. Mahirap ding
panghawakan ang mga salita. Dahil naniniwala ang mga tao na ikaw at ang iyong
mga sinasabi ay iisa. Hindi mo rin masisisi. Yun lang ang paraan para
magtiwala.
4. May lungkot at
kaba sa ngayon. Pero nakaka-excite pa rin at
the same time, depende sa kung paano mo titignan ang sitwasyon. Wala namang
mali. Meron lang masyadong nadadala ng mga sabi-sabi ng ilan. Pero di naman
sila ang nagpapatakbo ng buhay mo… hindi sila… kundi ikaw!
5. Inaantok na ako.
I-rootbeer na lang ito. Cheers! Lols.
Natawa ako kasi walang kinalaman ang rootbeer sa random entry mo haha! Walang connect lols!
TumugonBurahinTama ka! We always need a "Me Time" for ourselves. That time, where we just wanted to be alone and be care-free even for a short period of time, erasing all that our minds had been soaked to. It is important, kasi sabi mo nga, napagkukuhanan mo din ng panibagong lakas ang mag liwaliw muna ang iyong utak malayo sa mga current situations na meron tayo.
Unclog your minds first before entertaining a decision. Dissect each issue and face them squarely. And yes, if di kaya ng madaliang pagde-desisyon, mas mabuti pang i deviate mo muna ang isip mo through doing something interesting o kaya kumain nga ng parang wala nang bukas haha.
Whatever decision we choose to make, it's still up to us how we'll face it, shall we go on the negative approach or be into the world where optimism is. If I may say so, I choose the latter.
Just stay on the positive. If people around you say that you didn't make the right ones, do not fret, it's you not them who will face it anyway. After all, what they have is only opinion and not facts. Go with your guts!
wala po talagang 'konek' ang title haha, naitanong ko lang dahil nabanggit ko ang rootbeer sa last part lols :)
Burahinsalamat sa iyong advice sir jay...
gudlak sa ating mga mithiin sa life! :)