Natatandaan mo pa ba
yung eksena sa klase na naka-upo ka lang habang ang professor / instructor ninyo ay walang tigil sa pagbibigay ng lecture? Yung kailangan mong magtiis ng
isang oras o higit pa para mapakinggan siya, gayung pwede mo namang basahin ang
lahat ng sinasabi niya sa hawak-hawak niyang libro hehe. Pero maaaliw ka na lang sa kung paano niya nakabisa ang bawat
detalye ng pahina, walang mintis / walang impormasyong hindi mababanggit!
Kaya para maibsan ang hirap na ito
ay kanya-kanya na lang kayo ng mga kaklase mo sa paggawa ng ‘teknik’ kung paanong magpapanggap na
nakikinig lols. Yung pinipilit ko na
lang na gumawa ng outline mula sa
mabilis niyang pagsasalita kahit pa alam ko na magpapa-photocopy pa rin naman ako ng libro para makasagot sa kanyang quiz hehe. Para lang masabi ko na di ko
naman binalewala ang kanyang effort
na maibahagi ang kanyang kaalaman sa amin. (nagpapanggap
na mabait)
Na akala mo yung katabi mo ay busy rin sa paggawa ng lecture, pero yun pala busy pala siya sa paggawa ng sulat haha. Not once but twice akong nakatanggap ng kanyang sulat kapag di niya
trip makinig, narito ang isa ---
Sept.
3, 09
hi ‘nhong,
La kasi aqkung magawa kaya ryt nalang acu sau, haha,
akalain mo yun magkatabi pa tau sinusulat qo to. hmf. anu bang sasabihin cu. hmf.
Lapet na taung maggraduate, mamimiz cu kayo, huhu, cry cry. wew. drama di naman
naiiyak.
Nakikinig kba kay sir? acu kasi indi kaya nga nasusulat
cu to ee, haha. wafu ni sir ngayon mukha xang malinis. Inspired ata kay mam
shammy, tse. Si Donnie nagkakamot ng ulo, wew namumula ang labi, san kapa. hehe
share cu lang naman sau ‘nhong ee.
ayan ah, lang purpose at sense yung sulat cu sau. basta makasulat
lang. Nga pala kita nalang tayo sa abroad ha. hahaha. paggraduate naten sana me
reunion agad. Til here nalang tinitingnan mo kasi sau naman to mapupunta. haha…
INGATZ Study
Hard fo!!!
Godblessyou.
always,
‘Nhang
Aubrey : )
Hahaha! Oh di ba ang galing ng kaibigan kong ito. Nagsusulat siya
sa gusto niyang sulatan kapag medyo naiinip na siyang makinig sa klase lols. Hindi ko naman ito ginawa para
mabuko siya (gayung parang ganun na nga
haha). Pero higit sa lahat gusto ko lang kamustahin ang kaibigan
kong ito na sinusuportahan namin kapag may mga singing competition sa school at
kilala namin bilang matatag at may talino lalo na sa math!
x-o-x-o-x
Today’s Query:
Describe yourself at age 90?
Uhm… kung aabot man ako ng age 90 siguro ang tanda-tanda na talaga
ng itsura ko. Puting buhok, kulubot na balat, lawlaw ang pisngi haha,
nakapustiso lols, sobrang malabo na ang mata (eh ngayon pa nga lang hirap na ako kapag di nakasalamin), mas
payat pa at limitado na ang kakayahang kumilos.
Pero bukod sa pagbabago sa katawan. Gusto
kong maging malakas pa rin sa edad na 90.
Siguro mai-enjoy ko na yung pag-inom
ng kape kasabay ng pagbabasa ng dyaryo (with
magnifying glass lols) tulad nung mga matatandang nakikita ko sa umaga. Ang
sarap siguro sa pakiramdam na matanda ka na at hindi mo na kailangan pang
magtrabaho, na na-fulfill mo na ang
lahat ng gusto mong mangyari sa buhay mo.
Kung aabot man ako ng 90 years old, dun na ako magchi-chillax ng todo sa buhay! Panahon naman
yun para sa akin na ihanda ang sarili sa kabilang buhay sa heaven! (wow sa heaven talaga
ako mapupunta haha). At syempre gusto ko at 90, ako ay nagba-BLOG pa rin! Lols.
Hahaha.. Lately, sarap lang magkalkal ng mga archives and letters and mangumusta ng mga taong matagal nang hindi nakakausap...
TumugonBurahinPag 90 years old na ko? Actually, ayokong tumanda, gusto kong mamatay after kong mafulfill ang mga mission ko sa buhay. Ayoko kasing makaabala ng ibang tao sa pagaalaga sakin pag nagkataon, so no, I dont see myself turning 90 years old.
nabasa ko nga rin yung huli mong post,
Burahinat parehas pala tayong nangalkal ng mga nagbigay ng sulat sa atin,
ang sarap naman kasing alalahanin :)
ayoko rin umabot pa ng 90 years old kung magiging alagain lang ako,
gusto ko kung 90 na ako ay strong pa rin hehehe :)
Maraming boring na professors sa college. At meron talagang walang ka sense sense ang mga sinasabi. Meron nga nakikipag chikahan nalang sa aming mga students eh. Na mas interesado pang pagkwentuhan ang mga bagay bagay sa labas compared sa dapat na lesson na ibinabahagi sa amin. Ang ending, natapos ang isang oras at nasayang na naman ang oras sa isang subject dahil sa walang kabuluhang ginawa ni prof. At eto pa, ang mga walang interes kung mga classmates, mas tuwang tuwa pa na makinig sa chikang walang kwenta kesa i-encourage ang prof na mag lecture na - katamaran kasi sa katawan ang umiiral.
TumugonBurahinBragging aside, ako kasi ang tipo ng estudyante na nag aaral talaga ng mabuti esp. sa mga major ko. Being part of the honor's list in HS, I was trained to be competitive kaya pagdating ko ng kolehiyo nadala ko ang attitude na iyon. Kaya pumipili talaga ako ng mga students na babarkadahin. Yung tipo kung barkadahin yung mga competitions ko sa buong class or sa buong batch. Naniniwala kasi ako na kapag doon ka bumarkada sa mga may alam or marurunong, mas lalo pang mahahasa ang dunong na meron ka.
Pero marunong din naman ako ng sinasabing "have fun while studying" - pambalanse kasi iyon lalo pa kung mahihirap na na talakayin ang mga nakasuong sa study life mo. Kumbaga, relax-relax din pag may time.
Natutuwa naman ako sa iyong kaklase (dati pa di ba?). She's one creative gal who finds something awesome while killing her boredom out of a not so interesting topic or professor. While in the midst of listening (kunwari), she's into her own realm, her own world, doing something that'd make her very hour entertained. Nakakatuwa!
nakaka-relate din ako sa mga tagpong ganyan! :)
Burahinyung dinadaldal na lang namin yung prof para maubos ang oras haha, o kaya di mo na talaga namamalayan na naaliw ka na masyado sa kanyang 'story-telling-to-kill-the-time' lols
nakakakilig pa nakakatanggap ako ng sulat nung gradeschool hanggang college hahaha. pero ngayon sulat ng bills ang natatanggap ko eh hahaha
TumugonBurahinat least may dumarating pa rin na mga sulat sa iyo...
Burahinkailangan nga lang bayaran ang mga sulat na yun lols :)