"Larawan
sa mga lumang libro,
binigyang
kulay gamit ang mga Crayola ko.
Ngunit
pa’no kung pudpod na ang mga ito?
Saan
pa maaaring gamitin ang mga crayolang ito?"
Parte na ng pagiging
estudyante ko ang pagkakaroon ng crayons.
At ang isa sa mga popular na brand ng
crayons hanggang ngayon ay ang Crayola. Kasama lagi ang Crayola 24 pack crayons sa listahan ng
mga school supplies na binibili namin
bago magpasukan (hanggang 24 pack crayons
lang kasi magagalit yung nanay ko kapag lampas pa dun ang pinabili ko hehe).
Yung
paramihan pa kayo ng mga kaklase mo (nung
elementary) ng mga crayons, na kapag
mas marami, mas sosyal at mas astig ka sa klase! Lol. At hindi mo rin maiaalis ang mga ‘parasitiko’ mong kaklase na kung makahiram ng crayons akala mo ay ‘hayok’
sa pagkulay lalo na kapag Arts ang subject niyo. Na kapag ibinalik sa iyo
ang mga crayons daig pa ang pambura
ng bagong mongol pencil sa pagka-flat o kaya naman ay lasog-lasog na at
putol-putol pa! Na wala ka na lang masasabi kapag nakuha mo na ulit ang box ng crayons mo, na hindi ka makapag-react
sa sobrang pagka-shock hahaha. Na parang kanina lang ay bago pa
ang iyong mga Crayola pero pagbalik
sa iyo ay naluma na!. At wala kang magagawa kundi tasahan na lang ang mga buo
pa (oha nung panahon namin, uso ang
pantasa ng crayons).
Pero pa’no nga ba kapag ang mga ito
ay sobrang pudpod na? Yan naman ang pinoproblema ko nung high school na ako (ang lalim
ko mag-isip di ba lols.) Nanghihinayang kasi ako kung itatapon na lang ang
mga ito, kaya ito ang trip ko sa mga
pudpod kong mga crayons:
1. Ipunin ang mga ito
at tadtarin sa maliliit na piraso. (tadtarin
talaga para pino hehe).
2. Ilagay sa bond
paper. Ibudbod na parang mga toppings sa pizza (ikaw na bahala kung paano mo ipupwesto ang bawat kulay, mas maganda
kung random ang pagkakaayos).
3. Takpan ng isa pang
bond paper.
4. At plantsahin!
5. Paghiwalayin ang
dalawang papel at patuyuin.
6. At charan! Ikaw na ang bahala kung ano ang
nais mong gawin sa mga bond paper na tinunawan ng mga lumang crayons, maaaring
gupitin at ayusin sa kung anong imahe ang nai-imagine mo.
Ito ang ilan sa mga
gawa ko nung high school (feeling artist
lang lols):
“Every
child is an artist. The problem is how to remain an artist once we grow up.”
- Pablo Picasso
MUSHROOM (June 03, 2004)
FLOWER (June 03, 2004)
BANCA (June 03, 2004)
BUTTERFLY (June 03, 2004)
BIRD (June 03, 2004)
LEAF (May 23, 2005)
WILD ROSE (May 23, 2005)
P.S.
Mga taga-Crayola! Hello! Hahaha.
Kahit isang buhos
lang ng mga Crayola products lols.
x-o-x-o-x
#ILoveCrayola
#MyCrayolaDays
#MyArtWorks10YearsAgo
#WhenImBoredWithMyCrayons
Brilliant! Naalala ko yan when I was still in school at sayang nga naman kung itatapon. Good you kept those art works and shared them with us. Happy Sunday!
TumugonBurahinini-imagine ko po kung paano mo sasabihin yung word na 'brilliant' kung sakaling ikaw yung teacher namin noon sa Arts :)
Burahinunexpected na nahanap ko pa ang notebook ko na ito na pinaglalagakan ko ng kung anu-ano...
hapi sunday din sayo sir Jo!
I work in an art based school and I am an artist as well. Hindi ordinaryo ang art na naitago mo. Puwede siyang examples for a writing piece, bigyang buhay ang bulaklak sa pamamagitan ng kuwento.
Burahinay oo nga pala sir jo, naalala ko na yung mga art works na nai-post mo sa iyong blog... uhm, mukhang magandang idea yung gawan ng kwento ang mga ito, i'll try kapag may naisip po ako :)
BurahinHahaha.. I have art-deprived brains. Lels... Ang gumagawa ng art projects ko nun ay ang papa ko or ang kuya ko. Sa ngayon, destressor ko ang pagkukulay at color pencils ang gamit ko.
TumugonBurahingood thing talaga ang arts kasi nakakabawas talaga ng stress :)
Burahinako rin naman ay deprived din ang talent sa arts, nagpapa-drawing nga lang ako dati sa katrabaho ng tatay ko pag may mga project hahaha (elem days)
Miss ko na ang crayola. Nakakainggit dati classmates ko pag more than 24 colors meron sila tas ang gaganda na ng name each color.. ahahaha, walang pink nun! carnation pink. nyaha
TumugonBurahinpero ang mas nakakainggit ay yung may Faber Castell colored pencils! :)
Burahinsila na mayaman hahaha
Ahahahah, totoo yan Jep. Name pa lang nganga ka na.
Burahinna nagkakandahirap ka pa nga kung pa'no bibigkasin ang Faber-Castell :)
Burahinwow galing. never ata ako nag karoon ng talent sa art hehehe. ang sarap balikan ang pag kabata. oo tama tinatasaan ko nga krayola ko nun haha.
TumugonBurahinipagawa ko nga sa mga pupils ko yan lols
sosyal may pantasa ka ng crayola hahaha :)
Burahinteacher ka rin pala? nice to know!
sana makita ko ang output ng iyong mga pupils kung ipapagawa mo man ito sa kanila (sana)... i'm sure mas creative ang mga bata ngayon :)
isang magandang art ang crayon canvas tulad nyan.
TumugonBurahintama! pwede ito sa mga hindi masyadong nabiyayaan ng husay sa pagkukulay :)
BurahinI'm a CRAYOLA kid too.
TumugonBurahinWow, what a lovely creations. Artist sparks creativity. His works oftentimes are more appreciated by the people who have parallel interest. Nice one! :)
mabuhay ang mga batang CRAYOLA hehehe :)
Burahinngayon kasi mga batang PHOTOSHOP na...