BALAKUBAK


BALAKUBAK

Tulad mo’y isang balakubak,
Na hindi ko mabakbak.
Kaydikit sa anit,
Di maialis sa isip.

Balakubak ay panandalian,
Ikaw nama’y walang hanggan.
Maglaho man ang balakubak sa anit,
Sa puso at isip ko’y di ka mawawaglit.


x-o-x-o-x


P.S.
            Hindi ko alam kung bakit binabalakubak na naman ako. Di naman ako ganun ka-stress, normal lang ang stress level na nararamdaman ko (according to myself haha). O baka naman dehydrated lang ako, lagi kasing kape at softdrinks ang iniinom ko. O baka sa shampoo naming Palmolive (haha kontra-promotion pa) o baka ‘uso’ lang ang ‘dandruff’ ngayon, so naki-uso na ako lols
  
x-o-x-o-x


Tanong:

              Alin sa mga shampoo na ito ang mabisa laban sa ‘balakubak’? (as recommended by my co-dandruff-victims)

A. Head and Shoulders Smooth and Silky
B. Head and Shoulders Cool Menthol
C. CLEAR Men Anti-Dandruff Shampoo
D. GARD Anti-Dandruff Shampoo


x-o-x-o-x







#ShorTULA
#AngKatiMoSaAnit
#BakitPatiKilayKoMayBalakubakDin



Mga Komento

  1. Parang ALL OF THEM naman hehe! Pero ang pinaka mabisa is by rinsing thoroughly your hair and scalp.:)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. nakakabalakubak kasi ang paggamit ng wax... kaya yun, may 'snow' sa mga pinupuntahan ko :)

      Burahin
  2. Clear ang gamit ko. ni minsan di ako nawalan ng balakubak at yan ang aking battle sa katawan dahil sa stress at paggamit ng wax.. hahhaha.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento