Ika-01 ng Enero, 2014
Miyerkules, 9:45 ng
gabi
Bigla ko lang naalala…
Na-miss ko lang yung panganay kong
ate. Sa kanya lang ako kumukuha ng maturity hehe. Ibig kong sabihin, siya yung
ginagawa kong example sa kung pa’no ba maging mature. Dahil siya nga yung
panganay, malaki na siya nung bata pa ako lols, kaya never ko siyang nakita as ‘childish’… sa tingin ko astig din ang
buhay niya dahil mabarkada siya at maraming kaibigan, at higit sa lahat
matatag.
Kaya naalala ko na rin yung
pangalawa kong ate. Hindi ko makakalimutan yung pagtuturo niya sa akin kung
paano gamitin ang LCD (least common
denominator) para ma-add ang dissimilar fractions, kaya ang yabang ko
nung itinuturo na yun nung teacher
namin nung grade 3 dahil alam ko na
yung lesson haha. Na-miss ko na rin
makipag-tadyakan sa kanya bilang siya lang naman ang pumapatol sa kaharutan ko
nung bata. Damang-dama ko talaga yung
flying kick niya na halos ikasira ng cabinet
namin noon, ganun pala yung feeling
ng lumipad sa ere literally.
Syempre di rin pahuhuli yung
pangatlo kong ate, siya lang naman ang ka-bonding
ko sa pagbabasa tuwing gabi. Kaya siguro nahilig din akong magkwento dahil
nakahiligan ko rin ang magbasa noon ng maiikling kwento. Dati tuwang-tuwa ako
sa makakapal na libro ng ate ko sa Filipino
nung high school pa siya kasi marami
kang mababasa doon, di tulad ngayon, ang ninipis na ng mga libro. Kaya nung
wala na rin siya sa bahay, parang nakakatamad na ang magbasa, kasi parang ako
na lang ang gumagawa ng ganun ngayon. Siya lang din ang kaagaw ko nun sa dyaryo
kasi parehas kaming matagal magbasa dahil binabasa namin lahat ng section sa
dyaryo para lang mainis namin ang isa habang naghihitay sa kanyang chance makapagbasa ng dyaro lols.
Ngayon kasi… iba-iba na ang priority nila sa buhay, dahil nga may
mga pamilya na rin sila. Iba na rin ang mga usapan, di na kasing simple nung
dati. Ngayon, yung mga makukulit nilang anak ang nakakasama ko kapag bumibisita
sila sa bahay, na ayoko namang laging kasama dahil di na ako natutuwa sa mga
kaharutan nila haha. Cute lang talaga ang mga bata kapag baby pa sila, pero
kapag lumalaki na, nakakairita lols.
The Smiths…
Nahihilig na naman ako sa mga awitin
ng The Smiths. Para sa akin, sila yung foreign
version ng Eheads. Di ko naman
sila inabutan, dahil sumikat sila nung 80’s hanggang early 90’s. Nung napanuod
ko yung The Perks of Being a Wallflower,
dun lang ako nagsimulang maging familiar sa mga kanta kanila. Pero ewan ko,
pakiramdam ko dati ko pa sila napapakinggan, siguro sa mga inuman nung mga
matatanda sa amin hehe. Para silang astig
na version ng The Beatles, ganun.
Speaking of inuman…
Nung Noche Buena, nasa bahay ang pamilya ng ate kong panganay, habang
kumakain, nag-iinuman ang tatay ko at ang aking bayaw, tapus inaya nila ako at
hindi ko alam kung anung gagawin ko haha-
Umeksena na lang yung ate ko ng- “Wala pa yan sa bokabularyo niya…” (kahit 24 na ako haha) na muntik ko nang
ikinasamid habang kumakain hahaha… Awkward!!!
Ang weird pala ng feeling yung umiinom ka naman (occasionally) kapag kasama ang mga kaibigan o katrabaho, pero di mo
alam kung bakit di mo yun magawa sa loob ng bahay kahit pa ang kasabayan mo
naman ay mga kapamilya mo hahaha. Grabe naman din kasi sila mag-inuman,
hanggang mabangag, di pa naman ganun ang level ko haha.
So kamusta naman ang new
year?
Uhm… hindi naman ako nag-expect ng
todo-todo. Yung tipong paggising mo o pagsapit ng bagong taon pakiramdam mo
dapat lahat ay bago na hindi naman talaga maaari. Natuto na akong tanggapin (I hope
so) ang mga bagay na nandyan na, dahil kalendaryo lang talaga ang napapalitan
pagsapit ng new year. The rest will depend sa mga gagawin at nais mo for this
year!
JepBuendia
10:36
ng gabi
P.S.
At hindi ko alam kung bakit lagi
akong nakakapanuod ng docu about sa Japan tuwing bisperas ng bagong taon.
Ganung oras din, mga 2 hours bago mag-new year, habang naghihintay. Last year
ang napanuod ko ay yung tungkol sa pagsu-suicide ng mga Japanese, ngayon namang
taon ay tungkol sa Love Industry sa Japan. Ang weird na hindi na pala gusto ng
mga Japanese na mag-asawa at magkaanak kaya tumatanda na talaga ang kanilang
population. Mas mabenta pa nga daw ang mga adult diapers kaysa mga baby
diapers. At maraming mga kung anu-ano na lang na gawain ang meron para lang
kahit paano ay ma-suffice nila ang kanilang need sa pagmamahal. Halimbawa, yung
mga love dolls, virtual gf, mga pubs na binabayaran ang mga host/hostess para
sa isang gabing kwentuhan, may mga place din para may makasama kang matulog at
kayakap at marami pang iba, para lang dagli nilang mapunan ang kawalan ng
karelasyon. Habang tumatagal tuloy, mas nagiging interesting ang bansang Japan
sa akin.Ang unlad niyang bansa pero ang dami rin niyang kawirdohan. Bagay ata
ako dun hehehe.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento