Intro:
Salamat kay Ma'am Yccos para sa LIEBSTER AWARD! Sana lang ako talaga yung Jep Buendia sa list mo haha, kasi baka may kapangalan ako, tapus ang labas eh 'assuming' pa pala ako lols. Narito ang aking mga sagot para sa mga nilikha mong tanong:
1. Bakit ka nga ulit
nagboblog?
Hindi naman talaga
ako matutuloy sa pagba-blog kung hindi nagkaroon ng computer at internet connection sa bahay. Dati kasi sa mga notebooks lang ako nagsusulat ng kung anu-anong naiisip ko. Eh para
hindi naman masayang ang computer at internet, nag-try na rin akong gumawa ng animo’y online journal ko.
At bakit ba ako nagba-blog? Una, di naman lahat ng nasa isip mo ay
maaari mong sabihin ng direkta sa mga kausap mo. Halimbawa, pag may naisip kang
maikling tula, hindi mo naman ito iri-recite
agad-agad sa kausap mo para malaman niya na may naisip kang tula hahaha. At di naman lahat ng topics or issues sa mundong ito na
interesado ka ay kahalintulad ng sa iba, kaya ginagawa ko itong outlet
para sa lahat ng nararamdaman ko at naiisip.
Sa madaling sabi, nagba-blog ako
dahil masaya itong gawin!
Nakalilikha ka ng sarili mong mga katha, nakabubuo ka ng mundong ikaw ang ‘super bida’ hahaha, nakakapag-share ka ng iyong thoughts sa mga kapwa blogger o mambabasa, nati-treasure mo ang mga magagandang tagpo sa
iyong buhay, naitatala mo ang mga natutunan mo sa mundong ibabaw, at
nakatutulong na makilala mong lubos at mapaunlad pa ang iyong sarili.
2. How do you mend a
brokenheart?
Hindi ko alam. Wala pa akong karanasan
sa mga ganyan hahaha. Totoo walang
halong biro! Di ko alam kung abnormal
ba ako para sabihin ko na kuntento na ako sa pagmamahal ng aking pamilya at mga
kaibigan (weh? hahaha).
Pag may nakikita nga ako na brokenhearted na mga estudyante at umiiyak
pa, iniisip ko kung gaano ba kasakit yung nararamdaman niya para magmukha
siyang pinagsakluban ng langit at lupa na para bang wala nang ibang tao na
magmamahal sa kanya… na wala akong magawa kundi patahanin na lang yung umiiyak
kasi mahirap din naman magsabi ng payo if
NOT based on experience hahaha. So hanggang
‘words of wisdom’ at ‘move on’ statements lang ako.
3. Have you ever wondered
kung bakit di ka crush ng crush mo? Anong napala mo sa pag-iisip?
May mga gusto ako na
alam kong gusto rin ako whahaha
(kakapalan na ito lols). Pero kung may gusto man ako at di niya ako gusto,
siguro kasi we are not meant for each
other! Gawin na lang nating ganun ka-simple. Kasi masisiraan ka lang ng
bait kung ipipilit mo pa, eh ayaw nga… so wag na lang kaysa maging awkward or unfair para sa isa.
4. If you're not human, what
are you? Why?
Kung hindi ako tao…
siguro ako ay isang multo. Gusto ko
kasi yung nasasaksihan ko ang mga nangyayari sa paligid pero di nila alam na
nandun pala ako. Mang-trip kung
minsan lalo na sa ayaw maniwala sa mga ‘mumu’
o kaya maging witness (pa’no kaya yun)
sa mga bigating personalidad na nadadawit sa ilang mga kaso. Dun ako magmumulto
sa bahay nila para mamamatay sa takot ang lahat ng mga masasamang tao hahaha. At least kung maging multo man din sila, di na nila ako
magagantihan dahil pare-parehas na rin kaming mga walang buhay hahaha.
Actually,
anghel sana ang isasagot ko, kaso
nahiya naman ako sa kabaitan at kabanalan ko lols.
5. Tent Camping or Hotel
staycation? Why?
Hotel
staycation na lang. Maganda rin sana yung tent camping kaso ayokong maging uncomfortable (kaartihan?). Saka depende siguro sa kasama. Kung ako
lang din, hotel staycation na lang.
6. Quickie or Take your
time? Why?
I want to take my time. May mga
tagpo sa buhay na napakadalang lang mangyari, kaya kung sakaling nandun na ako
sa tagpong iyon, gusto kong sulitin ang oras ko hehehe.
7. What's the best lesson in
life you've learned so far?
Na
maraming paraan para mabuhay. Na hindi mo kailangang maging kaparehas ng
iba o sumunod sa mga nakagawian na. Napakasarap mabuhay kapag nagagawa mo ito
sa sarili mong paraan, dahil sa huli, hindi mo naman madadala ang lahat ng material na bagay, higit sa lahat mas
gusto kong maging mayaman sa karanasan at kaisipan.
8. What's your ultimate goal
this 2014?
Uhm… parang napakalaking bagay naman
ng ‘ultimate’ goal, na ang saklap
kung hindi naman matupad. Ang gusto ko
lang ay masulit ang bawat araw ko para sa taon na ito. Yun lang.
9. What food do you hate the
most?
Ayoko ng mga exotic food hahaha, tulad ng kamaro at anu-ano pang
mga insekto, mga bayawak, ahas at iba pang hayop na madalang kainin. Pero kung
may Php 1 million prize tulad ng sa Fear Factor o Extra Challenge, why not hahaha.
10. Coffee or tea?
Coffee. Mas nakasanayan ko na kasi,
at sa tingin ko mas marami kasing pwedeng gawing ‘pakulo’ o ‘paandar’ sa
kape kumpara sa tsaa.
11. What is the Theme Song
of your life?
No
Boundaries by Kris Allen (para sa
lahat ng mga ‘lofty dreams’ ko).
For
Good from Wicked (para sa lahat ng
taong naging bahagi ng pagiging ‘tao’ ko).
x-o-x-o-x
Narito ang mga ginawa kong tanong: Pakilagay ang sagot sa comment section o pakisagutan bilang isang blog post.
1.
Ano ang pinakagusto mo sa iyong sarili? Ipagyabang mo ito ng lubos.
2.
Bakit mga magaganda lang ang may pageant? Bakit walang ugly pageant?
3.
Okay lang ba ang same-sex marriage? Ipaliwanag.
4.
Kaya mo bang lumahok sa Oblation Run? Nang walang takip ang mukha?
5.
Anong pelikula ang malapit na representasyon ng iyong buhay?
6.
Kung ikaw ay manunulat, tungkol saan ang iyong magiging mga likha?
7.
Kung may bubuhayin ka kapalit ng sarili mong buhay, sino siya? At bakit?
8.
Kung papangalanan mo ang (mga) patay mong kuko, anong pangalan ang ibibigay mo?
9.
Kung makakausap mo si God ng harapan, buhay ka pa ba nun o nananaginip lang?
10.
Bukod sa ‘world peace’, ano ang magiging ambag mo sa mundo?
11.
Ano ang gusto mong itanong sa iyong sarili? Sagutin.
x-o-x-o-x
Note: Nahirapan akong mag-nominate na 11 bloggers, dahil halos lahat sa mga gusto kong bigyan ay nakatanggap na rin naman nito, at kaunti lang din ang 'circle of friends' ko (na baka assuming na naman ako haha) sa blogosphere, pero kung ganun talaga ang rules, narito po sila:
1. Jonathan
2. Geosef Garcia
3. Ignored Genius
4. Mecoy
5. Jei Son
6. Rixophrenic
7. Archieviner
8. Kamilkshake
9. Jay Rada Rafol
10. Mr. Tripster
11. Kulapitot
1. Jonathan
2. Geosef Garcia
3. Ignored Genius
4. Mecoy
5. Jei Son
6. Rixophrenic
7. Archieviner
8. Kamilkshake
9. Jay Rada Rafol
10. Mr. Tripster
11. Kulapitot
Awww, naka tag pala ako dito hehe. Pero honestly, di ko nga alam kung ano itong "Leibster Award" hehe. I will try my best to come up with my own. I hope I can do it soon. :) Thanks for the tag.
TumugonBurahinhihintayin ko ang iyong mga sagot :)
BurahinDito na lang me sasagot huh. :)
TumugonBurahin1. Ano ang pinakagusto mo sa iyong sarili? Ipagyabang mo ito ng lubos.
~ Ang aking lips. Asset ko to eh. :P
2. Bakit mga magaganda lang ang may pageant? Bakit walang ugly pageant?
~ Meron kaya. Ang tawag doon, Quiz Bee. Lels, biro lang po!
3. Okay lang ba ang same-sex marriage? Ipaliwanag.
~ Opkors! Ang habol ko dun ay civil rights ng bilang mag-asawa. Hindi yung symbolism ng union in a religious perspective.
4. Kaya mo bang lumahok sa Oblation Run? Nang walang takip ang mukha?
~ Sa totoo lang, nakalahok na ko dito. *hihi* Pero may takip nga lang ang mukha. :P
5. Anong pelikula ang malapit na representasyon ng iyong buhay?
~ Uhm, yung ano... 'Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros' *hahaha!*
6. Kung ikaw ay manunulat, tungkol saan ang iyong magiging mga likha?
~ Tungkol sa sex. :)
7. Kung may bubuhayin ka kapalit ng sarili mong buhay, sino siya? At bakit?
~ Si Ninoy na lang. Sayang kasi siya eh.
8. Kung papangalanan mo ang (mga) patay mong kuko, anong pangalan ang ibibigay mo?
~ Jep Jr. *hahaha* Joke lang. Ewan ko... Ang weird ng tanong na to. *hahaha*
9. Kung makakausap mo si God ng harapan, buhay ka pa ba nun o nananaginip lang?
~ I think baka naka-drugs ako nun. *hehe*
10. Bukod sa ‘world peace’, ano ang magiging ambag mo sa mundo?
~ Ang aking alindog. *hihi*
11. Ano ang gusto mong itanong sa iyong sarili? Sagutin.
~ "Bakit ko ba pinatulan tong mga tanong ni Jep?" *hahaha!* *mwah*
Salamat sa pag-tag! :D
nakakatuwa ang mga sagot mo :)
Burahin1. kissable lips hehehe
2. so mga panget lang ang sumasali sa Quiz Bee? hahaha
4. amazing! next time dapat talaga walang takip sa mukha :)
10. sige ikalat na ang alindog na yun hehehe
salamat din sa pagsagot! :)
1. *ehem* Hindi lang for kissing magaling to. *hihihi!*
Burahin2. Kelangan din ng talino no. *hehe* Joke lang ulit.
10. Matagal ng pakalat-kalat. *ahahaha!*
1. ikaw na! hehehe
Burahin2. so mga panget *na matalino* lang ang sumasali sa Quiz Bee? hahaha (edited lols)
awts ahaha ako ay nakatag din pala dito sorry pero sasagutin ko po ang tanong mo sa post na ito;)
TumugonBurahin1. Ano ang pinakagusto mo sa iyong sarili? Ipagyabang mo ito ng lubos.
- yung pagiging introvert ko. Madami ang indenial at ayaw maging introvert sila pero nakakaligtaan nila na higit kanino man dapat ay maintindihan mo muna ang sarili mo dahil sa malalaman mo kung paano makisalamyha sa ato pag nakilala mo kung sino ka at ano ang gusto mo.
2. Bakit mga magaganda lang ang may pageant? Bakit walang ugly pageant?
- meron din naman ata... kaso lang kung lahat sila sasali lahat sila panalo... mahihirapan magdecide ang judge. lolz.
3. Okay lang ba ang same-sex marriage? Ipaliwanag.
- Medyo mahirap na tanong ito. Maraming opinion ang tao dito pero siguro para sa akin ay mas masarap pa ang pag usapan kung ano ang ulam mamayang hapunan. lolz
4. Kaya mo bang lumahok sa Oblation Run? Nang walang takip ang mukha?
- hmmmm hindi siguro... sa fun run na lang ako sasali lolz
5. Anong pelikula ang malapit na representasyon ng iyong buhay?
- Avengers.... dahil ako ang superhero ng buhay ko lolz.
6. Kung ikaw ay manunulat, tungkol saan ang iyong magiging mga likha?
- tungkol sa kwento ng tunay na buhay o hanggo sa tunay na buhay na kapupulutan ng aral ng mga walang magawa ganyan lolz
7. Kung may bubuhayin ka kapalit ng sarili mong buhay, sino siya? At bakit?
- Ang Mama ko, sa ngayon ay guminhawa ng kaunti ang buhay namin. Gusto ko naman maranasan nya ang buhay na hindi ganun kadami ang problema at maranasan/maramdaman nya ang saya na di nya naranasan nung kasama pa namin sya
8. Kung papangalanan mo ang (mga) patay mong kuko, anong pangalan ang ibibigay mo?
- yung pangalan ng kaaway kong boss ahaha
9. Kung makakausap mo si God ng harapan, buhay ka pa ba nun o nananaginip lang?
- ahaha ako ipipilit ko na panaginip lang yun.... gusto lang ng subconcious mind ko na kausap si God
10. Bukod sa ‘world peace’, ano ang magiging ambag mo sa mundo?
- siguro kabaliwan ko para naman masaya ang lahat lolz
11. Ano ang gusto mong itanong sa iyong sarili? Sagutin.
- bakit ba baliw ako? hindi ka naman baliw kasi inilalabas mo lang ang ibang personalidad mo sa pagsusulat.... Bipolar ka di ba?
1. marami kasi ang nag-aakala na ang pagiging introvert ay pagiging tahimik lang, but we are more than that! :)
Burahin2. :)
7. hindi niyo man kasama ang Mama niyo ngayon, I'm sure happy siya sa inyong kasalukuyang kalagayan :)
8. hahaha :) name it!
9. ano nga kaya kung nakakausap natin si God kapag natutulog tayo...
10. yeah, at nararamdaman ko yan sa pagbabasa ng mga post mo :)
11. uhm, kanya-kanyang 'sapi' lang yan hehehe (parang yung anime lang na Shaman King)
nyayaya... Amidamaru sa loob ng Harusame... lolz
Burahintama! nanunuod ka rin pala nun :)
BurahinI love it!!! Sobrang salamats :D hihi
TumugonBurahinthank you din! :)
Burahin1. Mata. very singkit eh at lagi yan ang pinupuri ng iba sakin. saya lang. Thanks God.
TumugonBurahin2. Meron narin ngaun Pagent para sa mga panget pero di nga lang natetelivize. lugi ang producer.
3. okay lang para sakin. basta right person
4. yan ang di ko magagawa.
5. man Of Steel. wow superhero. hehehe
6. tungkol sa pagtuklasng tunay na katauhan ng mga kabataan. identity crisis ang peg
7. wala. mas importante buhay ko kaysa saka nila. hahaha
8.wala akong patay na kuko eh. pero kung meron man. KUTAY. kukong patay
9. feel ko patay na ako nun at tinatawag na ako sa kanyang kaharian. sana nga lang malayo pang mangyari yan
10. pag hubog ng mga bata. teacher eh
11. bakit ka ba kasi nagkaganito. Kasi kulang ka ng Paternal guidance. hahaha
1. karaniwan talaga ay gusto natin ang ating mga mata, lalo na kung expressive ang mga ito :)
Burahin2. hahaha, malulugi ba? :)
5. sino-sino naman ang mga nailigtas mo na? mahirap ding maging 'hero' para sa iba, pero kung worth it naman, why not :)
6. it can be a big help to many :)
8. nice name! hahaha, ako rin wala pang patay na kuko, at ayoko magkaroon :)
10. that is great!!!
maraming salamat sa iyong mga kasagutan! :)
Yay! Thank you Cher Jep sa pagpatol!! Very many thanks po talaga..hihi.. Sasagot din ako dito pero matutulog muna ko ngayon para tumangkad ako :D
TumugonBurahincge po, aantayin ko ang iyong mga sagot :)
Burahin1. Ano ang pinakagusto mo sa iyong sarili? Ipagyabang mo ito ng lubos.
BurahinKumopya ng sagot sakin si Sepsep eh! My lips :D
2. Bakit mga magaganda lang ang may pageant? Bakit walang ugly pageant?
Ay.. Meron! Panoorin mo sa Hiraya Manawari. Hihi
3. Okay lang ba ang same-sex marriage? Ipaliwanag.
Hmm.. Ok lang naman. Basta invited ang friends. Charot. Seriously, basta nagmamahalan at tapat sa pagmamahalan, pwedeng ikasal.
4. Kaya mo bang lumahok sa Oblation Run? Nang walang takip ang mukha?
Hindi! Manonood na lang ako. Haha.. Flying birds all over!
5. Anong pelikula ang malapit na representasyon ng iyong buhay?
Ang hirap sagutin. Lels. Little Miss Sunshine siguro.
6. Kung ikaw ay manunulat, tungkol saan ang iyong magiging mga likha?
Mga masasaya at inspiring na mga kwento ;)
7. Kung may bubuhayin ka kapalit ng sarili mong buhay, sino siya? At bakit?
Si Cory. Andami nyang sikreto eh!
8. Kung papangalanan mo ang (mga) patay mong kuko, anong pangalan ang ibibigay mo?
Anakngpitongkubanaman oh! Ayan :P
9. Kung makakausap mo si God ng harapan, buhay ka pa ba nun o nananaginip lang?
Gusto ko buhay pa ko, para Im a living witness of His presence.
10. Bukod sa ‘world peace’, ano ang magiging ambag mo sa mundo?
Ang maging molders of young minds :D
11. Ano ang gusto mong itanong sa iyong sarili? Sagutin.
Bakit ko ba sinagot tong mga tanong na to?! Hahahaha
1. mukhang malulupit ang inyong mga 'labi' ni sep hehehe
Burahin2. anung title ng episode? di ko ata napanuod yun ah
4. flying birds! :)
7. secrets, like ano? :)
9. same here! gusto ko buhay pa ako :)
10. great!!!
salamat sa pagsagot mam yccos! :)
more power! :) :) :)
Salamat po sa award Jep. Di ko maalala pero parang may natanggap na kong ganitong award before and not sure kung nasagot ko na nga rin. parang ata. hanapin ko. hehehe. Salamat po sa pagsama sa napakalupit na lineup na ito ng iyong mga awardee. And I enjoyed your answers by the way.hehehehe.
TumugonBurahinyou're welcome!
BurahinI will wait for your interesting answers :)