Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Usapang Half-Half & Bisaya Accent :)

Mga Usapang ‘Half-Half’             Tandang-tanda ko pa noong nasa elementarya pa ako, kapag napag-uusapan naming magkaka-klase ang tungkol sa kung anong lahi meron sa aming mga sarili o pamilya, para bang hindi mo pwedeng sabihin na isandaang porsyento na ikaw ay Pinoy! Dapat meron kang ibang ‘blood line’ ika nga, para astig at sosyal lols. Mas magandang lahi mas bida, parang mga ‘aso’ lang…             Ang pinaka talamak na sagot sa aming magkaka-klase ay ang pagiging ‘half chinese’, at dapat may pruweba para maniwala sila sayo. Halimbawa, gagawin mong mapungay ang iyong mga mata para naman makita nila na ikaw nga ay singkit (kahit di naman talaga lols) o kaya dapat ay makabanggit ka ng ilang mga salita para mapatunayan mo na ikaw ay may dugong ‘banyaga’, o kaya naman, kung hindi talaga lumabas sa ‘itsura’ mo ang lahing ibinibida mo, dapat kahit picture man lang ng iy...

Sing me to Sleep

"Asleep" The Smiths Sing me to sleep Sing me to sleep I'm tired and I I want to go to bed Sing me to sleep Sing me to sleep And then leave me alone Don't try to wake me in the morning 'Cause I will be gone Don't feel bad for me I want you to know Deep in the cell of my heart I will feel so glad to go Sing me to sleep Sing me to sleep I don't want to wake up On my own anymore Sing to me Sing to me I don't want to wake up On my own anymore Don't feel bad for me I want you to know Deep in the cell of my heart I really want to go There is another world There is a better world Well, there must be Well, there must be Well, there must be Well, there must be Well... Bye bye Bye bye Bye... x-o-x-o-x nakaka-haggard na ulit ang mga moments ng buhay... marami na namang kailangang tapusin... natutulog na naman akong katabi ang lesson plan, mga libro at mga papel... nasasabik na naman ako sa pagtulog ng mahaba at mahimbing... pampatulog ko ...

The Stranger

‘ESTRANGHERO’ -jepbuendia- Dalawampu’t tatlong taon na kitang kasama, ngunit di pa rin lubos na magkakilala. Napakadalang nating mag-usap, hindi nga rin magawang mayakap. Alam kong sa trabaho, ikaw ay abala. Kami rin naman kasi ang iyong inaalala. Sa iyong pagsisikap, marami kaming natatanggap, ngunit higit pa dun ang aking hanap. Sa iba, di ko maiwasang mainggit. Sila, na sa kanilang ama’y malapit. Iniisip ko kung paano kaya madarama, ang pagmamahal ng isang ama. Araw-araw man tayong nagkikita, di naman natin madama ang isa’t isa. Maraming kwento ang lumipas na, mga tagpong di man lang kita nakasama. Ayokong isipin na ang ama ko ay para bang isang estranghero. Sana’y magkakilala pa tayo, ako na anak mo, ikaw na ama ko. x-0-x-0-x P.S.                 Father’s Day, pero di ko man lang mabati ang aking ama. Hindi ko alam kung bakit di ako naging close...

Hiyang-Hiya Naman Ako Sa'yo

“Hiyang-hiya Naman Ako Sa’yo” -jepbuendia-                 Hiyang-hiya naman sa atin ang sarili nating bansa. Dati halos ubusin na natin ang mga telenovelang di sakto sa bibig ang dialogue na mula sa madalas nating kalaban sa boxing- ang Mexico . Tapus ngayon, mula umaga, hapon at gabi, kulang na lang lahat ng time slot eh may Koreanovela… requirement na ba yun sa isang tv station?                 Ano na bang nangyari sa sarili nating identity ? Wala na bang kakayahan ang mga NoyPi na gumawa ng orig?                 Sa pangalan pa lang eh nalalabnawan na ako sa ating pagka-Pilipino. Di naman sa nais kong manatili sa mga makalumang pangalan tulad ng Kurdapia, Procorpio o kaya tulad ng pangalan na Makisig at Mayumi. Ang pinupunto ko lang ay yung bakit O...