Mga Usapang ‘Half-Half’
Tandang-tanda ko pa noong nasa
elementarya pa ako, kapag napag-uusapan naming magkaka-klase ang tungkol sa
kung anong lahi meron sa aming mga sarili o pamilya, para bang hindi mo pwedeng
sabihin na isandaang porsyento na ikaw ay Pinoy! Dapat meron kang ibang ‘blood
line’ ika nga, para astig at sosyal lols. Mas magandang lahi mas bida, parang
mga ‘aso’ lang…
Ang pinaka talamak na sagot sa aming
magkaka-klase ay ang pagiging ‘half chinese’, at dapat may pruweba para
maniwala sila sayo. Halimbawa, gagawin mong mapungay ang iyong mga mata para
naman makita nila na ikaw nga ay singkit (kahit di naman talaga lols) o kaya
dapat ay makabanggit ka ng ilang mga salita para mapatunayan mo na ikaw ay may
dugong ‘banyaga’, o kaya naman, kung hindi talaga lumabas sa ‘itsura’ mo ang
lahing ibinibida mo, dapat kahit picture man lang ng iyong lolo o lola ay may
maipakita ka para kapanipaniwala.
Nakakatawa at nakakainsulto din
minsan ang mga ganitong ‘eksena’. Yung kitang kita at dinig na dinig naman na
mukha at puntong Pilipino ka eh pilit mo pa ring pinagmumukha ang iyong sarili
na ‘imported’ lols.
Kaya minsan, kapag may umpukan ng
usapan tungkol sa mga ‘lahi issues’, medyo walk out na ako sa mga ganyang
usapan, dahil panigurado walang katapusan ang mga ‘pabida lines’ at ‘show your
proof’ ang magiging tema ng kanilang ‘dream lofty breed’…
Ang Bisaya Accent
Hindi ko alam kung bakit parang
napaka ‘big deal’ ng pagkakaroon ng accent sa tuwing ikaw ay mag-iingles. Sabihin
na natin na marahil sa mga call center agents ay kailangan nila ito para
maintindihan sila ng kanilang mga kliyente, pero sa mga usapan tulad halimbawa
sa paaralan, sa pananaw ko dapat nating tanggapin kung ano man ang ‘punto’ ng
dila ng iba, kaysa naman nagpupumilit tayo na magpaka-British o Australian
accent na ang sakit mong tignan kapag nagsasalita dahil hindi lang dila mo
kundi buong mukha na ang naghihirap sayo lols.
Bakit naman ang ilang mga Europeans,
kaytigas nga ng kanilang punto eh, pero di naman tayo nagre-react, hangang-hanga
pa nga tayo eh as if pagkaganda at pagkagaling nilang bumigkas ng mga salita.
Kahit pa nga mga Indians na parang ‘chinop-chop’ na Ingles ang punto ay tanggap
pa rin ng sanlibutan, tapus kapag ‘bisaya accent’ kung makatawa ang iba ay
wagas lols.
x-o-x-o-x
On a personal note…
·
Adik pa rin ako sa panunuod ng ‘Fifty
People,One Question’ sa youtube. Nakakatuwa kasi panuorin ang iba’t ibang sagot
ng mga ‘random people’ sa iisang tanong. Dun ko mas nare-realize at
naa-appreciate ang pagkakaiba-iba natin bilang mga ‘indibidwal’ na malayang
nabubuhay dito sa mundo.
·
Sana, ma-feature din ako dun lols!
jepbuendia
07202013
Hi sir! Musta na? I'm back to blog hopping! hehehe...
TumugonBurahinOn foreign blood and half-breeds...
There's nothing more despicable than those venerated half-breeds. Mga leche! Alam kong hindi nila kasalanan pero I don't believe that they should be praised for their other blood. Lalung mas leche yung mga nagpupumilit na may lahing Espanyol, Chinese, or anumang ibang dugo.
Ang kakapal pa ng mga mukha na magpakilala na Pilipino daw. Shet silang malagket! Yan sila! On my part I never deny that I come from pure-blooded Filipinos. Our purity traces back from the time our ancestors went to the house of the Spanish governor to get their Hispanic Christian surnames and even before the colonial period, in ancient Philippines.
Ok, medyo exaggerated na. Pero ang alam ko talaga, purong dugong Pilipino ako. I can trace it back in the late 1800's.
Those who are said to have old Spanish blood in them, hindi nila alam na they come from illegitimate children of abusive and sexually deprived Spanish priest like the half-breed matriarch of the Romualdezes. Yan yung ikinahihiya nila noon, na ngayon naman ipinagmamalaki ng mga hunghang.
And what's so great about being half-bloods? Only those of us old pure-blooded families should be rulers of the country.
ok naman po ako :)
Burahinmabuti at nakabalik ka sa blog hopping,
feeling ko ok na yung post ko kapag may comment niyo sir :)
yun nga sir, maraming PIlipino naman talaga ay nagpupumilit pang maging dayuhan lols
about the accent....
TumugonBurahinIsang bagay yan na hindi mo na o hindi na natin masososulusyunan. kung sa akin lang kung makarinig man ako ng mga taong tumatawa dahil sa accent niyang bisaya ang iniisip ko na lang eh kung anong klaseng mentalidad meron siya -- mababaw.
tama, kababawan.
BurahinOuch. Eh nagkataong half half ako kaya nga tinutukso kami ng ibang bata nuon. Iba na ang pananaw ngayon, accepted na siya. We have tolerance as well. Languages, accents, cultural differences, sakop na yan.
TumugonBurahinok lng naman sir maging hallf-half :)
Burahinyung iba lang talaga na nagpupumilit na may lahing banyaga ang nakakairita lols
About da accent minsan nakaka offend pero i deal with it na # proudbisaya!
TumugonBurahinwala namang mali sa pagkakaroon ng bisaya accent, may mga makikitid lang talaga ang pang-unawa :)
Burahin