Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

"Magpapayong na lang muna..."

2016.06.25 - Lakad sa tanghaling tapat. (Ako, Neri, Eldie, at Pawlik)                 Na-miss na namin (o baka ako lang) ang kumain sa karinderya malapit sa eskwelahan (tuwing sabado). Noong mga nakalipas na sem ay mas madalas kaming kumain doon; mura na, lutong-bahay pa, at saka masarap naman. Mas nakakabuhay sa pakiramdam kaysa pagkain sa mga fast food na puro na lang ata “magic sarap” (mga preservatives etc.) ang sangkap.                 Madalas naming orderin sa karinderya ang lumalaban sa lutong (o tigas? hahaha) na lechon kawali; minsan ang panghalina ko ay yung igado na madalas kong napagkakamalan na adobo.                 Kaya lang, sa ngayon, dahil sa sobrang init (lalo pa’t sa mesang nasa labas ang paboritong pwesto namin) kaya doon na lang muna kami sa mga may aircon...

topaz 01: "...nagbaon ako ng acetone!"

Diagnostic test ng mga bagets. Kaya habang wala pa akong maisip na gagawin (kahit meron) ay ito muna… type-type. Kung bakit ba kasi ang hirap paniwalaan ng mga pasaway na estudyante. Tulad ni Amiel… kinailangan ko pang pasamahin kay Lorie Mae (bise-presidente ng klase) para masiguro ko na sa clinic talaga ang punta. Sa kasawiang palad, sarado pa nung unang punta nila… buti na lang itong si Zurbano ay nakapagbigay ng isang pirasong paracetamol; na-amaze pa ang lahat dahil isang bugkos na plastic ng mga gamot ang dala niya, ang sabe meron daw kasi siyang ubo at sipon. Naisip ko, sana hindi naman malaking kabawasan yung isang paracetamol na nabigay niya, kasi mukhang binili pa mula sa reseta yung mga gamot niya. Sa susunod, kailangan ko na rin sigurong magbaon ng paracetamol para sa kanila, kung sakaling hindi agad makakuha sa clinic. Speaking of baon… nagbaon ako ng acetone! Kahapon ay sinabihan ko ang klase (partikular na ang mga babae) na magbabaon ako ng acetone para mg...

"– lahat na lang gustong isalaysay; itatala kahit pa maliliit na bagay."

                Kung nag-uubos ng oras ang mga “artists” para mapahusay ang kanilang skills sa paglikha, marahil ay ganun din sa pagsulat. Hindi lang kasi ganuon ka-visual ang output ng mga manunulat; ang ibig kong sabihin, kahit saang anggulo mo man tignan, puro titik lang naman ang iyong makikita (di tulad ng mga likhang sining na napaka-visually appealing). Pero, kung susubukang “basahin” ang mga isinulat na kathang-sining, isip mo’y mapupuno ng mga imaheng makukulay na may iba’t ibang anyo rin.                 Hindi rin marahil madali ang magkaroon ng isang “manunulat” (o gusto lang magsulat) na pag-iisip. Kung paanong lagi na lang nangangati ang iyong mga kamay sa paglikha (para sa mga artists halimbawa), ganuon din kalikot ang isip ng mga nais magsulat – lahat na lang gustong isalaysay; itatala kahit pa maliliit na bagay.

dagli 12: spaghetti

                Di naman talaga kita kilala. Nakita lang kita habang kumakain akong mag-isa. May nakasuksok na bluetooth earphone device sa iyong kanang tenga; tapus naka shades ka pa, bitbit mo ang tray na may spaghetti, naupo ka at kumain. Naalala ko tuloy si Eldie (at ang paborito n’yang spaghetti)… kaya nag-text na lang ako kay Neri –                 “Hindi masayang kumain mag-isa sa Jollibee.” Sunday, pasado alas-dose ng tanghali Jollibee Malanday 2016.06.13