Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

KALIWETE

Ika-21 ng Abril, 2013 Linggo, 10:59 ng gabi ‘Ano ang pinanuod mo ngayong gabi?’             Katatapos ko lang panuorin ang isang lumang documentary, na walang copyright kaya di ko alam kung anung taon ito pinalabas, na tumatalakay sa pagiging ‘left-handed’ ng isang tao.             Matagal na akong nagtatanong at napapaisip kung bakit o paano nagiging kaliwete ang isang tao. Gusto kong makakuha ng mas komprehensibong sagot bukod sa madaling i-rason na ang kanang bahagi ng utak ay naging dominante kaya nagiging kaliwete ang isang tao.             Kung babalikan ang nakalipas, mabuti na lang at hindi ako nabuhay noong mga panahong ang pagiging isang ‘ kaliwete’ ay katumbas ng pagiging isang ‘ kriminal’ . Ito yung mga panahon na masyado pang makitid ang pang-unawa ng mga tao kaya’t ganun na lang ka-negatib...

Panunuod ng pelikula, pangungumusta at ang public school.

Ika-13 ng Abril, 2013 Sabado, 5:25 ng hapon             Ito na naman yung isa sa mga tagpo sa buhay na wala kang maka-usap kundi ang sarili. Kaya ito, dating gawi, buksan ang netbook para magtype at kausapin ang sarili.             Sabihin na natin na nung isang linggo ay kuntento na ako na araw-araw nakakaalis sa bahay sa loob ng lima o anim na araw. Tapus ngayon, nakakulong na naman ako sa bahay mga dalawa o tatlong araw na.             Na-miss ko na talaga ang internet, kasi kahit wala ka sa labas pwede kang makipag-usap sa mga kaibigan at kakilala mo sa facebook, maki-update. Pero ngayon, gusto ko na lang isipin na baka ito yung mga oras na binibigay sa akin para ilaan sa sarili. Kunwari na lang self-interview… ‘Anung pinagkakaabalahan mo ngayon?’         ...

Hapag-Kainan

“HAPAG KAINAN” -jepbuendia-             Kung nakapagsasalita lamang itong aming hapag-kainan, marahil di sapat ang isang maghapon para sa lahat ng nasaksihan nitong mga tagpo. Ang mga selebrasyon, tawanan, kwentuhan, galit, pangaral pati na mga pagbubunyag at marami pang iba, lahat ng mga ito ay  nangyari dito sa aming munting hapag.             Bilang isang ina, maligaya ako na napagsisilbihan ko ang aking pamilya. Ang araw-araw na pagluluto at paghahain sa kanila ay naging parte na ng aking buhay.             Isang pahabang lamesa itong aming hapag. May tig-isang upuan sa magkabilang panulukan, at tig-tatlo naman sa gilid. Naging saksi ako kung paanong unti-tunting napupuno itong aming hapag ng mga umuupo’t kumakain sa paglipas ng panahon. Dati ay ang aking asawa lamang ang nakaupo sa panulukan at ako ...

ROOMMATE

“ROOMMATE” -jepbuendia-             Kinailangan kong manirahan sa mala-dorm na apartment na ito mula nung mag-aral ako ng kolehiyo. Mas malapit sa eskwelahan, mas okay yun para sa akin, menos din yun sa gastos. Kaya nga pinilit ko sila tita at kanyang asawa na nagpapa-aral sa akin dito sa Maynila na hayaan nila akong magrenta ng matutuluyan para di ako masyadong mahirapan, at saka nahihiya rin ako na makihalubilo sa kanilang pamilya, mas lalo ko lang nami-miss sila mama.             Kakaiba ang apartment building na ito. Mala-dormitoryo para sa mga estudyante ang itsura. Iba-iba rin ang laki ng mga kwarto, depende kung ilan ang kayang ilagak nito o depende sa kakayahang magbayad ng uupa. Halimbawa, kung may pambayad ka, pwede mong upahan ang isang buong kwarto para sa iyo, kung hindi naman, maaari kang makisalo sa iba, parang bedspacer, hati-hati na lang kayo sa baya...