Sa
Manila International Book Fair (MIBF) ko talaga gusto magpunta. Kaso, mga
tatlong taon ata ako nag-attempt na makapunta pero hindi natuloy. Yung hanggang
tingin na lang ako sa Instagram ng mga nabili nilang libro, tapus makikita ko
yung ilang libro na nabili nila ay yun din ang gusto ko. Ilan sa mga dahilan
kung bakit hindi ako natutuloy sa MIBF: una, walang kasama, ang lungkot naman
mangalkal ng books mag-isa; pangalawa, madalas sa buwan ng September ang MIBF,
may panahon noon na pupunta sana ako kaso maulan, kaya di rin ako nakaalis;
pangatlo, budget, na kung pupunta lang din ako, dapat may nakalaan na budget
para sulit! Tapus, ayun na nga… after how many attempts na walang natupad, tinabangan
na ako sa kagustuhan kong makapunta sa MIBF.
Naalala
ko, tinarget ko rin pala na mapuntahan yung mga warehouse sale dati tulad ng sa
Anvil Publishing House. Kaso, ayun… negative pa rin. Dahil – una, ang layo,
tutuntunin talaga yung warehouse nila, paano kung may aso papunta roon eh di
nakagat pa ako (kahit di ako yummy, maaari pa rin akong makagat ng aso di ba);
pangalawa, mainit daw dun sa warehouse, bilang taong pawisin, baka hindi ako
makapag-focus sa pagpili ng books at baka gustuhin ko na lang magpahangin sa
labas; pangatlo, wala pa ring kasama; pang-apat, budget pa rin, ang gastos sa
pamasahe, pagkain at sa libro. Pero, laking hinayang ko kasi kaabang-abang din talaga
yung mga librong inililimbag ng Anvil (madalas akong makabili ng mga anvil
books kapag may sale sa NBS).
Hanggang
sa nakita at nabasa ko sa fb ang tungkol sa Big Bad Wolf (BBW). Una akong
nakapunta sa Big Bad Wolf noong February 2019, and for a first timer,
nakaka-amaze din naman talaga ang dami ng books na nandun! Nakapunta ako kasi
may kasama na ako, hahaha! Si Olan; mahilig din kasi yun sa books, pero tiyak
ko mas masipag siyang magbasa kaysa sa akin, hoarder lang talaga ako at
patalon-talon na reader like a grasshopper.
Ano
bang masasabi ko sa unang pagpunta ko sa BBW… Well, nakakalunod / nakakalula sa
dami ng books! Kung pwede ko lang i-add to cart lahat ng gusto ko kaya lang
iisipin ko na may mga books nga ako pero maglalakad naman ako pauwi mula sa
World Trade Center, so hindi pwede. Wala naman ako masyadong maraming oras
araw-araw para magbasa. Seasonal reader ako eh (if meron mang ganun), yung
kapag nasipagan ko talagang magbasa, nagha-hibernate lang ako sa bahay, lalo na
kapag bakasyon or maulan ang panahon tapus walang pasok. Saya!
Apat
na libro ang nabili ko noong BBW 2019. Masaya na ako dun kasi dalawa sa
listahan ng mga hina-hunting kong books ang na-tick off the list! Tapus yung
dalawa ay interesting din naman, lahat ay mula sa science and technology section,
na hanggang ngayon yung apat na yun, mga dalawang beses ko pa lang nabuklat.
Hell…
May
ilang bagay lang akong napansin mula sa pagpunta sa isang book fair tulad nga
ng BBW. Minsan, di ko maiwasang isipin na yung pagdalo sa mga ganitong ganap ay
parang reflection ng estado ng pamumuhay (?) ewan ko kung meron pa bang mas
appropriate na term na gamitin pero dahil wala naman akong maisip na iba, yun
na lang muna. Sumasalamin sa estado ng pamumuhay kasi una, sino bang pupunta sa
world trade center para lang bumili ng books? Syempre yung may budget. Yung may
pera. Like bakit ka naman pupunta sa malayo para lang bumili ng books? Na kung
ako lang din yung walang budget, natural lang na mas unahin ko na muna yung mga
basic necessities ko sa araw-araw. Medyo nanibago rin ako sa unang pagpunta ko roon,
o baka di lang ako sanay, like you know there are many pipz there talking in
English like hella, and conyo; eh dito sa aming street di naman kami nag-iingles
eh, sa school lang. Ewan ko kung anong perception meron ako, hahaha!
Siguro,
naalala ko lang yung kabataan ko. Halimbawa kung may BBW na nung mga bata pa
kami, hindi naman din siguro mag-i-effort sila mudra at pudra na makapunta roon
at ibili kami ng books. At saka naisip ko lang kung gaano ka-privileged yung
nakita kong mga bata roon na malayang nakahahawak, nakapipili, at nakabibili ng
kung ano mang books na gusto nilang bilhin (at i-display sa bahay, char). Hindi
tulad ng mga bata rito sa amin. Naisip ko, kung may exposure lang din ang mga
bata dito sa street namin sa mga libro, sa pagbabasa ng libro, yung malaya ring
nakapipili at nakabibili ng libro, baka may mini-library na ang bawat kapitbahay
namin di ba, at di na siguro sila laging nagvi-videoke kasi busy sila sa
pagbabasa, taray. At yung mga students ko, like ilan sa kanilang pamilya ang
naglalaan or may kakayahang makapaglaan ng budget pambili ng libro at magpunta
sa mga book fair? Ayun. Tapus iisipin ko na lang na, siguro hindi ito para sa
lahat at the moment (parang ako noong bata pa ako), pero baka naman in the near
future eh magagawa rin or mabibili rin nila ang gusto nila (like me today, or
parang hindi pa rin sa case ko eh, hahaha). Anyway.
Pangalawang
pagpunta ko sa BBW nito lang Feb 14, 2020. Sa puntong ito, alam ko na ang aking
mga expectations. Di na rin ako nanibago sa mga inglisan sa paligid, like hello
I’m one of them na, it’s viral, I mean it’s veerus you know, charot! Feeling ko
tuloy, kung ano ang ginagamit mong wika ay status symbol na rin (?). Like who
will use english / taglish ba sa street / labasan namin para makipagkwentuhan o
tsismisan? Baka mabato ng bote or mahampas ng kahoy yan dito sa amin. How I
wish marinig ko sila Aling Sally at Aling Gina na nagtatalakan ng ingles sa
umaga, hahaha! Wala, natanong ko lang sa sarili ko - bakit hindi tayo
magtagalog? Saka bakit pag mayaman, nag-iingles? Like anong meron? Ano ang ibig
sabihin ng pagkakaibang ito? Ayoko naman isipin na ang pag-iingles ay para lang
sa mga may kaya, dahil di naman talaga. Pero may ganung chuwariwap ang buhay eh,
na di ko rin masyadong gets.
Sa
huli, mare-realize ko na lang na may mga target market din ang bawat ganap sa
mundong ito. At hindi lahat ay totoong accessible para sa lahat lalo na kung
wala kang pera. At ang pananalita, di ko alam, marami akong tanong tungkol dito
eh. Tulad ng nakababawas ba ng patriotism (?) ang paggamit ng ingles or taglish
ng mga mayayaman nating kababayan? Or bakit may ganitong klaseng hati sa
lipunan (kung meron man ah). Or bakit karamihan sa mayayaman ay nag-iingles? Or
kapag mayaman ka ba required mag-ingles? At marami pang iba.
Sa
taon na ito, nakabili pala ako ng anim na libro (yes, yabang, last year apat,
ngayon anim, boo!). Nakakatuwa lang dahil puro naman non-fiction reference
books ang nabili ko, interesting para sa akin ang psychology at philosophy.
Sana marami pang magsipag sa pagbabasa, magmahal sa libro, magkaroon ng access
sa mga libro, mga ganaps na keri puntahan ng kahit na sino, ano man ang estado
sa buhay; sana hindi magkaroon ng social divide dahil sa paggamit or ginagamit na
wika (or baka ako lang nag-iisip na meron hahaha, kawawa naman ang perception
ko ng reyalidad).
Ayun. Hanggang
dito na lang muna ako.
Jep!!! Ang dami kong feels sa post mo na 'to. Okay, ttype ko lahat. Medyo mahaba
TumugonBurahin1. Pumunta ka sa MIBF at least once in your lifetime - Unang punta ko semi- accident lang. Nag -renew ako ng passport sa DFA Aseana at maaga ako natapos. Nagawi ako sa MOA para mag lunch and sakto, naalaka ko MIBF. I remember, naka Php 2k ata ako nung una kong punta. But in truth, hindi lahat ng nabili ko ay nabasa ko na :p. Avid reader turned seasonal reader na din ako. (Blame all the K-drama) On the succeeding years, lagi na ako pumupunta sa MIBF. One time, may kasama ako, parang ayaw na niya ako samahan ulit. Hahahahaha The next years, mag-isa lang ako. Mas okay kasi nakaka-dora-the-explorer ako mag-isa. Pero ang napansin ko, it's all the same books every year. Eh kasi naman, 4 consecutive years na ata ako present. Hahaha Over time, pa-konti ng pa-konti bininili ko. I usually target the expensive coffee table books.
2. BBW - Once lang ako nagpunta and I don't think babalik pa ako. For me, mas gusto ko selections sa MIBF. I agree yung parang presence ng social inequality sa BBW. Yung pa-taglish and mapapatingin ka na lang, yung iba halos 3 cart ang binili. :O Samantalang ikaw, ilan bawas ang nagawa mo.
Nung bata ako, hirap ang parents ko na pag-aralin ako sa all girls private school. Sa totoo lang, hindi talaga kaya. Supportive lang talaga ang tita ko at maternal grandparents ko kaya nairaos. Kapag nakakaluwag, nabibilhan ako ng Barbie Dolls or anything Hello Kitty sa Gift Gate (naabutan mo ba un?) hahaha But books, I don't remember nabilhan ako. Hindi ko naman ikinatampo yun :) kasi natuwa ako sa school library namen. Dun nagsimula ang pagmamahal ko sa books. Yung ibang novel series, hirap ako intindihin nung una. Pero peer pressure in a positive way, dahan dahan nag-improve naman reading skills ko. Yung tutor ko dati, sabi niya kaya daw nag-improve writing skills ko, kasi lagi ako nagbabasa ng books. I would always remember her encouraging me na humiram ng book sa library. Side note: first time ko gumawa ng formal theme nung grade four ako. Wala ako halos naisulat. Nahiya ako kasi yung mga katabi ko, grabe ang gagaling. Takot ako sa writing and formal theme before, pero ngayon, I belong to a profession na kelangan magsulat. :)
At yung language issue mo, eto kasi yan
I felt guilty na hindi ko na kaya magsulat ng isang sanaysay (essay d ba?) na purong Filipino. I write in English (100% of the time, dahil sa work) , pero hindi pa din ako confident. Alam mo yung days na parang sabaw na sabaw ka. (tulad ngayon) hahaha
Me social divide talaga anywhere... pero gaya ng sabi mo, sa pagbabasa ay wala. At sana yung ang i-emphasize sa mga bata ngayon. Coming from experience, maraming mabuting naidudulot ang pagbabasa sa mga bata.
Feeling ko nag-blog na ako dito ahahaha Sorry eksenadora
1. sige, magta-try ulit akong makapunta sa mibf; pero sa nangyayari sa paligid, naisip ko may mga book fair pa rin kaya? hirap mag-social distancing dun ah. pero sana meron pa rin!
Burahin2. gusto ko na tuloy makapunta ng mibf para ma-check ang mga selections doon kumpara sa bbw; sa totoo lang, mas marami yung pagpipilian noong unang punta ko sa bbw last year kumpara ngayon; at oo di ba, kahit ayaw kong ma-intimidate eh may ganung factor pag nakikita ko yung cart ng iba na akala mo nag-grocery lang ng mga books, tapus yung sa akin ilang piraso lang hahaha (but seriously, i don't mind lol)
noong bata pa kami, ang mga libro namin sa bahay ay yung mga hindi na ginagamit na books (Filipino at English) ng mga pinsan na nag-aral sa private school, like yung mga makakapal tapus yung iba brown na yung mga pahina, dun ako natuto maglibang na magbasa ng mga tula at short stories bago matulog kapag bakasyon; at saka may dyaryo kami sa bahay araw-araw yung pilipino star ngayon.
di ako familiar sa gift gate keme, pero sure ako na di ako nag-hello kitty hahaha!
yung pagsusulat mo naman sa ingles, understandable naman kasi nasa linya ng trabaho mo; yung tinutukoy ko eh yung in general, basta sa lipunan, di ko ma-explain hahaha
truth, mayroon naman talagang social divide nuh, mapa-estado ng pamumuhay, pananamit, pananalita. siguro mas sensitive lang ako sa mga nasa lower end ng dichotomy na ito (yes makagamit lang ng lower end at dichotomy, hahaha). kasi di ba, parang lahat naman tayo ay deserve na mabuhay ng maayos, marangal, maginhawa ganyan. pero di kasi talaga ganun ang mundo, pwera na lang kung gagawa ng aksyon para ma-bridge ang gap na ito. at oo, ang pagbabasa at pag-aaral, dito dapat unang nare-realize ng mga bagets na lahat dito ay pantay-pantay, lahat ay maaaring maging wide reader at maalam sa mga bagay-bagay, lahat ay maaaring maging educated because sabi nga ni ariella arida - ang edukasyon ang tiket sa magandang kinabukasan, hahaha!
syempre, hinabaan ko rin kasi blog ko to eh, charot :)
maraming salamat sa iyong wonderful, profound insight miss D. 95! :)
Hay sana lang may ganun din akong pagka-in love sa mga libro. Ang pagmamahal ko kasi sa libro ay parang playtime lang. trip trip ganun.
TumugonBurahinit's okay, rix :)
Burahin