Sabado
(April 8); Mcdonald’s, Puregold – Paso
de Blas.
Habang
kumakain kami ng sundae ni Eldie, biglang tumawag ang nanay ni Neri. Ang sagot
ni Neri sa kanyang nanay sa tanong na kung saan pa kami pupunta ay “sa QC” at
kung bakit ay dahil “pupunta kaming museum…”
“May
museum ba sa circle?” ang naging tanong namin sa isa’t isa; dahil ang alam
namin ay gagala at maglalakad-lakad lang naman kami sa Quezon Memorial Circle.
Malay ba namin kung may museum dun, hindi naman kami taga-QC. Bahala na, at
least nakapag-paalam si Neri.
Nagkatotoo
ang kanyang alibi; nang marating namin ang Quezon Memorial Shrine nakita namin
na may labas-masok na mga tao; sa pag-usisa namin, ang ibabang parte ng shrine
ay isa palang munting museum, ang Museo ni Manuel Quezon.
Natawa
na lang kami. At least ligtas kami sa pagsisinungaling!
Narito
ang ilan sa inyong makikita kung sakaling inakala rin ninyo na maglalakad-lakad
lang kayo sa circle, manunuod sa mga nagpa-practice ng sayaw at ng mga
nag-i-skate board, makikitanaw sa family bonding at pagwo-worship pati na
fellowship ng ilang grupo, may museum din na maaaring bisitahin nang libre (pwede ring mag-donate):
|
Ang Museo ni Manuel Quezon ay binubuo ng limang galleries. |
|
Comandante Manuel Quezon, 1901. |
|
Tanggapan ni Manuel Quezon. |
|
Koleksyon ng ilang kagamitan ni Manuel Quezon. |
|
Ang Gold Inlaid Chest na repository ng 1935 Constitution. |
|
Ang Globular Jar. |
|
Ang caricature ni Manuel Quezon na likha ni Luis Lasa. |
|
Ipininta ni Jose Juco, 1947. |
|
Ang sarcophagus ni Manuel Quezon (1878-1944). |
|
Ang rebulto ni Manuel Quezon na makikita sa oculus ng shrine. |
Ang
mga larawan na ito at iba pa ay makikita rin sa aking instagram account.
Mag-follow-an
tayo! Lols.
Hehehe.
TumugonBurahinCleared na ang konsensiya ninyo.
tama po hahaha :)
BurahinIs Manuel Quezon a Spanish insulares or pure pinoy? Whatever the case is, I know that his favourite cussword is "punyeta".
TumugonBurahinang mga magulang niya ay parehas na Espanyol; at sa Baler siya pinanganak, kaya isa nga siyang insulares.
Burahinakala ko si Heneral Luna lang ang mahilig magmura :)
meron din wildlife/zoo dyan sa malapit hehehe
TumugonBurahinmeron nga?, next time :)
BurahinMeron ehehehe hindi ko matandaan kung sa likod sya ng municipal hall o sa kahilera ng hospital
Burahinmeron. Dati bente lang bayad, ngayon yata nagmahal ng konti kasi inayos nila.
Burahinsalamat sa post mong ito..di pa ako nakakapunta sa Museo ni Manuel Quezon..
TumugonBurahin