Ika-20 ng Abril, 2014
Linggo, 5:23 ng hapon
Gaano na ba ako ka-normal ngayon?
Ano na naman bang ginagawa ko sa
buhay ko? Lols.
Ganito.
Natutulog ako ng 3:00 AM minsan mga 4:00 AM pa nga, tapus magigising ng 11:00
ng umaga. Dahil tanghali na kakain na ako ng pananghalian. Pagsapit naman ng alas kwatro ng hapon kakain naman ako ng
dapat na kanina ko pang kinain na breakfast
hahaha, sa katunayan kakatapus ko lang kumain mga isang oras na ang
nakalipas bago ako napunta sa gawain kong
ito. At mamaya, mga bandang alas-otso
o alas-nuwebe ng gabi ako kakain ng
hapunan, at paniguradong gising pa ako
hanggang madaling araw.
Teka, ang sakit ng ulo ko, naarawan
kasi ako kanina… nautusan ako ng tatay ko na kunin yung mga sinampay dahil tuyo
na daw ang mga iyon. Balak ko sana mga bandang papalubog na ang araw saka ko iyon
gagawin, pero mukhang ‘urgent’ ang
utos niyang iyon kaya no choice…
Matagal ko nang gusto na maging random ang buhay ko. Hindi naman sa
hindi siya planado, gusto ko lang na hindi masyadong naka-pattern yung buhay ko sa nakagawian na. Ganun.
Kaya ko lang naman nagagawa ang
gumising ng tanghali at matulog ng madaling araw ay dahil wala dito ang nanay
ko hehehe. Masyadong maluwag ang
tatay ko sa amin, basta gawin mo ang dapat mong gawin then the rest bahala ka na. Pero ang nanay ko, hindi pwede ang
ganun. Kung nandito lang siya, baka naingudngod na ako nun sa burak malapit
dito sa palaisdaan hahaha. Ganun
talaga ang nanay ko, kahit malaki na kami, kailangan pa rin naming sumunod sa rules of the house kung ayaw mong
talakan ka niya ng walang humpay!
x-o-x-o-x
Noong April 14 (Lunes),
pagbukas ko ng locker ko para kunin
yung mga credentials na dapat kong ipamigay
sa mga students, may nakita akong isang
gift.
Ang laman nito ay wind chimes.
Nag-alangan akong kunin kasi walang
nakalagay kung para kanino at kanino galing, sa isip ko baka nagkamali ng lagay. Kaya sinara ko
muna yung locker ko at lumabas ng faculty para mamigay ng mga report cards atbp. Pagbalik ko sa faculty, nandun pa rin sa locker ko yung gift, kaya kinuha ko na, nasa locker
ko eh hahaha, eh may name naman ang locker namin, siguro naman nabasa nung naglagay kung kanino yung locker na pinaglagyan niya. Saka yung locker ko kasi kahit nila-lock ko eh iniiwan ko pa ring nakasabit
ang susi lol.
Kaya inuwi ko na siya hahaha. Sa loob ay may kalakip na sulat na nakatupi tulad ng isang tagak. Akala ko malalaman ko na kung
kanino nanggaling dahil sa penmanship,
pero pagbukas ko, naka-computerized
ang letter lols. Mahusay din magpaka-anonymous ang nagbigay. Nadagdagan pa
yung duda ko (na baka hindi nga yun para
sa akin) kasi sa sulat niya “Sir”
lang ang nakalagay, eh marami kaming “Sir”
sa faculty hahaha. Ngunit gaya nga ng sinabi ko, dahil
nasa locker ko siya, akin yun lols. Saka dama ko ang sulat
niya, para sa akin talaga iyon. (Kung
hindi man, pasensya nasa akin na hahaha).
"Sir, hang this up on your locker. Everytime na kukuha ka ng gamit sa loob, kailangan mo marinig ang tunog nito. Para palagi mo kaming maalala. Bali, 'yan yung ingay namin, kahit wala na kami, kailangan pa rin kaming marinig ng buong faculty. Siguro may oras na mabwi-bwisit ka sa tunog, pero alam ko namang may oras din namang mapapangiti. Basta, alalahanin mo sir, sa tuwing maririnig mo 'tong chimes, may isa kang anak sa isang eskwelahan sa malayo, nag-aaral ng mabuti, kasi alam namin 'yun yung gusto mo para sa amin.
Thank you for everything, my teacher, friend and father.
Never forget about your child who gives light in the dark."
Gusto ko sanang ibalik ang sulat
gaya ng pagkakatupi sa anyo ng isang tagak, pero dahil wala ako masyadong husay sa origami, di ko na siya naibalik.
Naalala ko tuloy yung tv series na Prison Break. Sa mga
unang episodes kasi, yung kuya ni Michael (ang bida) ay madalas mag-iwan ng papel na nakatupi tulad ng isang
tagak nang hindi niya nalalaman. Tanda iyon, na hindi man sila malapit sa isa’t
isa, lagi pa ring nakamasid ang kuya ni Michael
sa kanya.
Binalak kong isabit yung chimes sa may bintana, kaso dahil wagas
ang hangin, sayang naman kung malaglag lang sa labas, kaya sa may pinto ng
kwarto ko na lang sinabit. Kaya ngayon alam ko na kung may pumasok sa kwarto ko
dahil tiyak na tutunog ang chimes na
iyon.
Hindi ko pa magagawa yung request niya na ilagay ko yun sa aking locker, dahil sa ngayon ay wala pa akong
locker at hindi ko na iyon locker…
Masaya
ako kapag naririnig ko siyang tumutunog.
x-o-x-o-x
“If
you want a thing done well, do it yourself.”
-
Napoleon I
x-o-x-o-x
Question:
If
you suddenly could look into the future and saw that if only each person took
up JUGGLING then all wars would be stopped, what will you do about this
knowledge?
Answer:
(Ano
daw?)… I’ll keep it to myself! Lols. **walang
maisagot**
x-o-x-o-x
#MgaKwentoSaTagAraw
#Papemelroti
#TheGift
I find the gift and the message on it very sincere. It's really heartfelt when your students send gesture such as this and acknowledge that at some point in their student's life, they made it difficult for you to handle them. And at the end of it, they are making up for those goofy things and encounters they have had. This kind of gesture will last in my memory.
TumugonBurahinnakakatuwa na nakakaiyak (ang drama hehe)...
Burahingusto ko yung mga ganitong uri ng regalo, may sumisimbolo / representasyon / kahulugan / kabuluhan... ito yung mga uri na maa-appreciate mo ng sobra at mahirap kalimutan.
Siguro yung student mo na yun hindi sya mushy and cheesy sa totoong buhay kaya anon na lang.. Ang sweet-sweet nila... The joys of being a teacher and being with kids...
TumugonBurahinPag walang pasok, ganyan din ako, pero usually mas maaga ko nagigising at babawi ng tulog sa tanghali..hehe..
every now and then, kelangan bigyan ng randomness ang buhay.
Di ko gets ang tanong... Next question pls.. Lels..
hanggang ngayon nga ay hindi ko pa alam kung sino s'ya, although may ideya naman ako :)
Burahinako rin di masyadong na-gets ang tanong, pero di ko pa rin alam ang isasagot hahaha :)
Nakakatuwa ang message nila. Natats ako..
TumugonBurahinkaya nga tuwing tumutunog ang chimes parang automatic na sila dapat ang maisip ko :)
Burahin