Mga Pahina

Lunes, Marso 14, 2016

dagli 06: salty and peppery


1.            Supposed to be ang araw na ito ay dapat na maging stressful. Pero dahil nakasama ko sina MJ at Orly, naging masaya na rin ang maghapon sa school. Mas okay din talagang gumawa ng may kasama. Hay naku… speaking of kasama. (Ampalaya mode on hahaha)

2.            Nung sabado kumain ako ng chicken fillet sa McDo… kasama (o dinamay ko na naman) sina Eldie at Neri (para gabihin kami ng uwi). Di naman kami na-inform na sobra-sobra na pala sa ‘magic’ ang chicken fillet sa McDo. Kikiligin ka sa ‘alat’ tapus dip mo pa sa gravy, oh so salty! Dun ko na-realize na pwede na rin pa lang idaing ang chicken. True! Hindi na lang bangus o iba pang isda ang idinadaing ngayon, pati chicken sa McDo lols.

3.            Ang hapunan ko naman ngayon ay sausage… and it’s so peppery!

4.            Bigla kong naalala ang kwela, maingay at pasaway kong section James (nung nasa private school pa ako) sa current advisory class ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit trip na trip nila akong patawanin, lalo na kanina habang finals exam. Sayang lang dahil kung kailan nasa dulo na kami ng school year, saka ko naman nakakitaan ng ‘attitude’ ang ilan sa kanila. Oo, merong husay, pero para sa akin walang ‘K’ para magtaray at mag-feeling dominante sa klase (ako lang dapat ang ganun lols). I’m really hoping na mali ang pagtingin ko sa kanilang attitude. Nanghihinayang kasi ako dahil walang lulugaran ang nalulunod sa iisang basong tubig lamang. Ganyan.

5.            I love March talaga… daming paper works! Fulfillment of my dreams! Wala na akong mahihiling pa hahaha! I could not ask for more and I don’t want to wait if there’ll be more lols.



Biyernes, Marso 4, 2016

dagli 05: blooming?


(1)

                Kung kailan ka puyat, saka ka naman sasabihan ng –

                “Sir, blooming ka ngayon.”

                At minsan nagpulbos lang ako bago pumunta sa klase mariringgan mo naman sila ng –

                “Sir, namumutla ka.”

                Pag puyat, blooming? Nagpulbos lang, maputla na agad? LOL.

                O baka sarcastic lang talaga ang mga students ngayon hahaha.

                Minus 5!


(2)

                Malapit na akong maniwala na ang blogging (sa personal na level) is already a dying art form…

                …maka-art form akala mo naman may kahit na kaunting ambon ng pagka-art ang blog ko.

                Feelingero. Hahaha.



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...