Mga Pahina

Lunes, Pebrero 29, 2016

#WRDD2016: World RARE DISEASE Day 2016


            Ang huling araw ng buwan ng Pebrero ay tinaguriang Rare Disease Day. Nagsimula ito noong 2008 upang makapagbahagi ng kamalayan tungkol sa iba't ibang rare diseases na mayroon sa mundo na sa kasalukuyan ay di pa rin nabibigyang lunas.

            Feb. 08, 2015 na-meet ng aming grupo ang Parco brothers na sila Peter John (18 y/o), John Paul (18 y/o) at Vicente (17 y/o) para sa isang maikling interview na may kinalaman sa ginagawa naming paper sa aming klase sa genetics. Mapalad kami na malugod nila kaming tinanggap sa kanilang tahanan para sa isinagawang panayam.

            Ang magkakapatid ay may kondisyon na tinatawag na Hunter Syndrome. Isa itong X-linked recessive na namamanang sakit kaya ibig sabihin ay mga lalaki lamang ang maaaring maapektuhan. Ang kakulangan ng enzyme (iduronate-2-sulfatase or I2S) sa kanilang katawan ay naging dahilan ng pagkakaroon nila ng coarsening facial features (tulad ng tila magang mga mata, maliit na ilong at pagkapal ng dila), malabong paningin, problema sa pandinig, mga swollen at stiff joints pati na rin hernia.

            Mahalaga para sa mga magkakapatid ang patuloy na physical therapy upang maiwasan ang pamamaga at pagtigas ng kanilang mga kasukasuan, bukod pa sa mga gamot na kailangan nila upang manatiling maayos ang kanilang kalusugan.

            Hinangaan namin ang pagiging masayahin at pagkakaroon ng positibong pananaw ng magkakapatid na Parco. At nakakatuwang malaman na hindi naging hadlang ang kanilang sakit upang sila ay makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral.

            Napakalaking bagay na kahit man lang sana sa araw na ito ay makapagbahagi tayo ng kamalayan, magbigay ng suporta (moral man o pinansyal) upang dumating ang panahon na ang mga rare diseases na ito ay mabibigyan na rin ng tuluyang lunas.

            Kaya, makibahagi tayo para sa World RARE DISEASE Day 2016!

Peter John, John Paul, Vicente at ang kanilang ina na si Angie.

Denise and John Paul during the interview.

Neri, ang Parco brothers at si Denise.

Ako with Denise and the Parco brothers.

 Narito ang mga link na maaari n’yong puntahan tungkol sa #WRDD2016:


At para makilala pa ang mga Parco brothers:



Huwebes, Pebrero 25, 2016

dagli 04: yellow



            Kahapon ay nakabili na ako ng isang pad ng yellow paper. Mura lang, sa halagang bente.

            Kaya sa sabado (at kung kailan malapit nang matapos ang pasok) di na ako magiging parasitiko mostly kay Denise o kay Neri, dahil may papel na ako! Hahaha.

            At oo… napaka-importante talaga ng update na ito.

            Ito ang ika-300 post ko, kasabay ng ika-30 anibersaryo ng EDSA.
            Dilaw ang kulay ng administrasyong Aquino, tungkol naman sa yellow paper ang update ko.
               
            Wala lang.
            Wala naman talagang koneksyon ang mga bagay na ito.

            Mema-sabi lang. LOL.
            Pero, ito ay isang halimbawa ng freedom.

            Kalayaang sabihin ang gusto mo kahit sa level na “mema” lang.
            Kaya salamat sa freedom… at sa kanila noong 1986.


Huwebes, Pebrero 18, 2016

Topaz :)


          Kahit pa napakadali nilang matunugan kasi sabi ni Aubrey (ang class president) –

          “Sir, mag-oovertime daw po si Ma’am DG, mga 10 mins,” (habang nasa faculty)…

          “Ok!” lang ang tangi kong sinabi. Kahit pa alam ko na di naman talaga nag-oovertime si Ma’am DG… o kung mag-overtime man, di naman na kailangan pang ipagpaalam.

          Tapus sumegunda pa ng sundo si Eloisa (ang vice president ng klase) –

          “Sir, punta ka na sa klasrum, sila Justin po kasi, nagkakagulo sila,” pero nakangiti nyang sinabi. At alam ko rin naman na kung magkakagulo sila ay sila pa nga ang hindi agad magsasabi dahil ayaw nilang mapagalitan.

          Bitbit ang aking gamit, habang papalapit ay natanaw ko na sila sa klasrum. Nakagilid ang mga upuan at naka-formation sila sa harapan. May gitara at beatbox pang props –

          “Bakit may formation?” tanong ko kay Eloisa. Tapus puro ngiti na lang s’ya kasama si Walter na nagvi-video…

          At heto na nga – kantahan, maraming smiles, tawanan, pagbabasa ng mga mensahe at piktyuran! Dahil sa kanila, naiba na ang tingin ko sa February 15… nadaig ang Feb. 14!


Ako at ang Grade 10 - Topaz SY 15-16.
Feb. 15, 2016


***Ang larawan ay kinuha nang walang paalam sa FB post ni April (ang secretary ng klase). Hehehe.


Martes, Pebrero 16, 2016

"Nothing is perfect. Life is messy." - Hugh Mackay


                1. Wax.
                2. Baso.
                3. Relos.
                4. Pulbos.
                5. Manila paper.
                6. Kaleidoscope.
                7. Plastik ng mercury.
                8. Isang sheet ng project plan.
                9. Head and shoulders shampoo.
                10. 3-in-1 cleaning kit (para sa netbook).
                11. Hello Kitty loot bag (empty na), mula sa bday.
                12. Multi-purpose disinfecting solution (para sa contact lens).

                And many more kalat to mention…

                A lot of people (I mean some or few na lang lol) think I am an organized person.
                But the truth is…

                Oo na… ako na ang makalat.





Linggo, Pebrero 14, 2016

dagli 03


(1) Kauuwi ko lang. Amoy usok pa ng kalsada.

(2) Nag-team work kami sa statistics kanina. Hindi naman ganun kahirap, ang dami lang kailangang proseso para makapag-solve, sayang naman kung magkakamali ka (ng kahit na isang data) dahil mapupunta sa wala lahat ng effort mo. Sa mga tagpong ganito, kailangan ng friendship-thingy para ma-check kung tama ba yung mga values na nako-compute mo. Paglilinaw – hindi kami nagkokopyahan, nagso-solve kami ng kanya-kanya tapus nagtatanungan kung parehas ba ang aming nakakalkula. Checking ang tawag dun. Ganyan. Lol.

(3) Bago umuwi, dumaan muna kami nila Eldie at Neri sa San Sebastian Church. May nakita kaming sasakyan na may bulaklak sa unahan, akala namin may ipinagmimisang patay… nung nakalapit kami sa may bukana ng simbahan, iyun pala ay kasal. Laughtrip! Nauwi na lang tuloy kami sa pagtitirik ng kandila.

(4) Hindi ko alam kung ano ang ipinag-panalangin nila Eldie at Neri matapos kaming magtirik ng kandila. Basta yung sa akin, ang ipinagdasal ko ay isang bagay na korni.

(5) At syempre ginabi na naman kami ng uwi. Pakana ko na naman. Damay ulit silang dalawa. Ang motto ko kasi, kung aalis ako ng bahay na may araw, dapat uuwi ako ng gabi... and vice versa. Hahaha.


2016.02.13 (Sabado, 7:34 PM)



Biyernes, Pebrero 5, 2016

Note to Self #03


Para sa mga walang feb-ibig...




...trust your struggle na lang.
Ganyan.




Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...