Mga Pahina

Martes, Enero 26, 2016

#feels 02 : ang ma-effort na feeling


(1)          Yung feeling mo nag-effort ka na, tapus parang balewala lang.
(2)          Then, mari-realize mo na yung ineffort mo ay kulang pa pala.
(3)          Kung sa tingin mo ay nag-effort ka na talaga, sa dulo mari-realize mo, hindi pa.
(4)          Yung akala mong pagkukulang ng mga mag-aaral, ikaw pala ang nagkulang.
(5)          Kapag napagod ka na sa ganitong feeling, ulit-ulitin mo lang mula  #1.

    Ganyan.



Linggo, Enero 24, 2016

"It was just like a movie; it was just like a song..."


(1)          Nakaka-LSS ang kanta ni Adele na “When We Were Young”. Yan na ang bago kong kantang pampatulog sa hapon.

(2)          Ang paborito kong mga linya sa kanta ay:

Let me photograph you in this light
In case it is the last time
That we might be exactly like we were
Before we realized
We were sad of getting old
It made us restless
I'm so mad I'm getting old
It makes me reckless
It was just like a movie
It was just like a song
When we were young

(3)          NARITO ang link kung gusto nyo itong marinig.

(4)          Pero actually, yung buong lyrics ng kanta ay maganda (nahiya naman akong i-copy-paste ng buo hahaha)… ang husay dahil may kwento.


2016.01.20 (3:02 PM)



Biyernes, Enero 22, 2016

dagli 02


 (1)         Gabi na… wala na bang tulugan? Eh maaga pa ang pasok bukas.

(2)          Ngayon lang ako nawalan ng gana sa pag-compute ng grades. Dati excited pa ako sa pag-encode. Di na ito makatotohanan. I mean, hindi na direktang reflection ng kakayahan ng isang mag-aaral kung ano man ang nakasulat na marka sa kanyang card.

(3)          Nabawasan na ang kabuluhan ng mga numero sa pagbibigay ng marka.

(4)          O s’ya, paki-NumLk na ulit ang keyboard. Tuloy pa rin ang pag-compute.

(5)          Good luck sa klase ko bukas. Lutang na naman ang mga brain cells ko (kung meron man).


2016.01.19 (11:55 PM)



Miyerkules, Enero 20, 2016

dagli 01



(1)          Hindi natupad yung sinabi ko na ayoko muna ng POTATO chips. Bumili ako ngayong araw… pero natuto na ako, yung maliit lang yung binili ko, at saka hindi na siya plain flavor at may ka-tandem na ito na rootbeer.

(2)          Mas magaan daw ang aura ko kapag wala akong suot na salamin. Feel ko rin naman yun. Kahit ako nga nai-intimidate sa sarili ko kapag nakasalamin, nakaka- feeling matalino kasi kahit di naman lols.

(3)          Today, I realize na hindi ako gaanong masayahing tao o showy na masayahin sa maraming tao.

(4)          Mas okay ang magsuot ng salamin sa mata sa bahay. Opinyon ko lang.

(5)          Ang sarap kausap ng mga taong matataba ang utak… yung sa akin kaya kailan tataba? Hahaha.


2016.01.19 (2:41 PM)



Linggo, Enero 17, 2016

The VERSATILE BLOGGER AWARD 2016: At Ang Aking Mga Kwentong FIRSTs


Ang larawan ay galing kay Stevevhan.


                Ang sabe, kapag na-nominate ka, mag-share ng 7 RANDOM FACTS ABOUT YOURSELF… ang naisip kong ibahagi ay ang aking mga ‘kwentong firsts’

1. First time kong makakita ng PERSIMMON sa totoong buhay. LOL.

                Jan. 16 – Sabado, sa may palengke malapit sa simbahan ng Quiapo. Sa sobrang pagka-ignorante ko sa prutas na katabi ng lemon na di ko mawari kung ano, di ko napigilan tanungin si kuyang nagtitinda;

                Kumuha ako ng isa at pinsil-pisil…
                “Kuya, ano po ito?”, tanong ko…
                “Persimmon!”, sagot niya (na may tingin ng pagtataka)…
                “Ah, yung ginagamit ni Jang Geum sa pagluluto!”, dugtong ko.

                At habang naglalakad kami palayo sa kanya, na-feel kong buti pa si kuya alam ang persimmon, ako sa buong buhay ko, ngayong 2016 lang ako nakakita ng persimmon hahaha.

2. Unang beses ko lang din na nagsimba sa Quiapo Church noong sabado… at unang simba rin ngayong taon.

3. Na ako ang dahilan (pero parang hindi rin naman) kung bakit ginagabi kami ng uwi tuwing sabado nila Eldie at Neri (mga klasmeyt ko) matapos ang klase

…dahil ayokong sumakay kapag sobrang sikip ng tren sa LRT… dapat masikip lang, hindi sobrang sikip, kaya lagi kaming nag-i-skip ng train (at nangangarap na may maluwag na treng darating). At unang beses ko lang din nakitang medyo nainis si Eldie dahil kahapon nung papasakay na kami sa isang tren ay pinigilan ko silang dalawa, lahat ng kasabay namin sa pila ay nakasakay naman, kaming 3 lang ang hindi dahil sa akin hahaha.

4. Na noong Dec. 16, 2015 Biyernes – unang beses ko lang din pumunta sa isang resto bar.

                Na kahit pa alas-diyes na ng gabi, at may ipapasang reaction paper bukas, itinigil ko ang paggawa para puntahan ang mga nag-aya kong mga kaibigan sa trabaho. Ok lang din naman, kumain lang kami at kaunting inom. Dun ko lang din na-realize na malalaking tao talaga ang mga bouncer lol.

5. October 31, 2015 Sabado – una akong nagsuot ng contact lens.

                Inabot pa ng 30 minuto yung ophthalmologist para lang ituro sa akin ang tamang paglagay at pag-alis ng contact lens. At habang suot ko yun papauwi dun ko nasabing “What a wonderful world!” Hahaha. Ganun pala ang feeling kapag malinaw ang mata from all angles.

6. January 9 Sabado – una kong kinasuyaan ang paborito kong POTATO chips.

                Yun ay dahil bumili ako ng isang malaking size ng potato chips. Mga 6 na servings ang katumbas, at inubos ko lahat… ang ending umay na umay ako dahil tubig lang ang pinang-tandem ko hahaha, tapus plain pa yung pinili kong flavor. Hanggang ngayon at sa mga darating pang araw, ayoko muna ng potato chips.

7. At ang unang award na aking natanggap para sa taong ito ay galing kay Mr. Tripster… kaya ako gumawa ng ganito. Salamat!

x-o-x-o-x

                Dahil dyan, mag-tag daw ako ng 15 pang mga bloggers. At sila ay ang mga sumusunod: (gusto ko sanang i-tag pabalik si Mr. Tripster hehehe)…

1. Overthinker Palaboy ng Afterthoughts
2. Stevevhan ng Artistic World
3. Limarx214 ng Blog, Poetry and Notion
4. Citybuoy ng City Songs
5. Diane ng Diane Wants to Write
6. Fiel-kun ng Fiel-Kun's Thoughts
7. Simon ng It Started Out with a Text
8. Jonathan ng Metaphorically Speaking
9. AnonymousBeki ng Mga Chika ni AnonymousBeki
10. Nyabachoi ng Mga Kwento ni Nyabachoi
11. Yccos ng Mimingthoughts
12. Rix ng PsychoRix
13. kalansaycollector ng Skeletons in my Closet
14. Christian ng I Remember When I was Young
15. Hi! I am Lili! Ng Thinking Out Loud

                Lakas maka-Miss U ng listahang 15! Sino ang mako-Colombia? Abangan.


Miyerkules, Enero 13, 2016

#feels 01


2016.01.13 (5:15 PM)

I do not know why after that meeting…
I walk away as if I’m floating in the air.

I feel so light.
And empty.

I feel so lost.
Yet so peaceful
And how can that be?

I don’t know.



Lunes, Enero 11, 2016

anekdota ng katam...


Mahirap alalahanin ang nakaraan.
Lahat na lang ng tagpong nakalipas na
Bigla na lang nagiging mahalaga.




Lalo na kung tinamad ka nung bakasyon
At ilan pang mga araw…

Lahat na lang tuloy ng oras ay mahalaga,
Para sa gawain ay makaahon ka hahaha!

Mabuhay!
Lol.


6:46 PM



...aran.


Sabado, Enero 9, 2016

Foreword Reading


Mukhang exciting ang future sa ganitong eksena:

                “… Freeman Dyson makes some provocative predictions about a future in which genetic engineering kits may be as common and widely used as personal computers and cell phones are today, with even children creating new life forms.”

- mula sa Foreword ni TIM FOLGER
The Best American Science and Nature Writing 2008

Yun nga lang, ang worry niya ay:

                “Will that future, if it comes to pass, become the stuff of dreams or of nightmare?”

At ang worry ko ay nagbabasa na naman ako ng hanggang FOREWORD lang.
Hahaha. Ganyan.



12.25.2015



Martes, Enero 5, 2016

nito lang new year's eve...


(1)          Oo. Dapat lang naman talaga akong magpasalamat sa lahat ng biyayang natanggap ko sa taong ito. Kung maaaring tumbasan ng maraming THANK YOU yung mga panahon na napaka INSENSITIVE ko, gagawin ko… THANK YOU! THANK YOU! THANK YOU! Yan, tatlo hahaha.

(2)          Limang taon na pala akong nagba-blog. Pero feeling ko wala pa ring MAJOR-MAJOR event akong na-feature dito… puro KWENTO, DAMDAMIN, SALOOBIN. Tapus, kwento ulit, maraming damdamin, at nilalabas na saloobin. Ganyan lang ang peg ng blog na ito, walang MAJOR… puro minor.

(3)          New Year’s Eve again. At kaharap ko na naman ang netbuk ko. Hindi ko alam kung manunuod na naman ba ako ng isang documentary mga isa o dalawang oras bago magpalit ng taon. Ganun lang naman talaga ang ginagawa ko. Tapus, aakyat sa may veranda, manunuod ng mga paputok, at syempre magpapausok.

(4)          Bakit nga ba sa isip ko ay 2017 na? Laging advance ng isang taon ang isip ko kapag new year. Shocks 27 na ako sa next birthday ko. Bumibilog na ang mukha ko, nalalagas na ang buhok ako, anu signs of aging na ba ito? NO! NO! NO! Arte hahaha.

(5)          I’m still hoping. Hoping for all things to fall into right places.



           2015.12.31 (6:45 PM)


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...